9 Pebrero 2020
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Isaias 58, 7-10/Salmo 111/1 Corinto 2, 1-5/Mateo 5, 13-16
Asin. Ginagamit ito ng bawat tao bilang pampaalat ng pagkain. Para sa ilan, kapag walang alat ang pagkain, wala itong lasa. Kaya, naglalagay sila ng asin upang lalo pang lumasa ang kanilang mga kinakain. Dinadagdagan ng asin ang lasa ng mga kinakain natin. Huwag nga lamang sumobra ang asin na inilalagay sa pagkain at baka maapektuhan ang ating kalusugan.
Liwanag. Ginagamit ito ng bawat tao kapag madilim. Mahirap kasi para sa bawat isa sa atin na makakita sa mga madidilim na lugar. Kapag walang ilaw o liwanag, maaari tayong madisgrasya. Maaari tayong matisod sa ating mga dinadaanan dahil walang liwanag. Maaari tayong masaktan. Subalit, walang masamang mangyayari sa atin kapag may liwanag. Kaya, mahalaga para sa bawat isa ang liwanag.
Sa Ebanghelyo, ginamit ng Panginoong Hesus ang mga salitang ito upang ilarawan ang misyon ng bawat Kristiyano. Hindi lamang para sa mga alagad ang misyong ito kundi para sa bawat isa na nananalig at sumasampalataya kay Kristo. Ang bawat taong nananalig, sumasampalataya, at sumusunod kay Kristo ay tinatawag upang maging mga asin at ilaw ng sanlibutan. Iyan ang misyon ng mga nananalig kay Hesus. Ang misyon ng bawat Kristiyano ay ang pagiging mga asin at ilaw.
Patalinhagang inilarawan ng Panginoong Hesukristo ang misyon ng mga Kristiyano sa Ebanghelyo. Ano naman ang ibig sabihin ni Hesus noong sinabi Niyang "Kayo'y asin sa sanlibutan . . . Kayo'y ilaw sa sanlibutan" (5, 13-14)? Paano nga ba natin ito magagawa? Paano ba natin matutupad ang misyong ito?
Inilarawan sa Unang Pagbasa ang mga katangian at gawain ng mga tunay na pumapanig sa Panginoong Diyos. Nagniningning sa kanila ang liwanag ng Diyos. Ang kanilang mga gawain ang nagpapatunay na tunay nga silang nasa panig ng liwanag na walang iba kundi ang Panginoon. Ipinapakita nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa ang kanilang tapat na pagpanig sa Panginoon.
Sa Ikalawang Pagbasa, binalikan ni Apostol San Pablo ang mga sandaling siya'y nasa piling ng mga taga-Corinto. Habang kasama niya ang mga Kristiyanong nasa Corinto, buong sigasig siyang nagpatotoo tungkol kay Kristo. Ang tangi niyang ipinangaral at pinatotohanan ay ang Panginoong Hesukristo. Iyan ang ginagawa ng mga tunay na pumapanig sa Diyos. Ang mga tunay na nasa panig ng Panginoong Diyos ay nagpapatotoo tungkol sa Kanya. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pamumuhay sa liwanag ng Diyos. Ito ang ipinapakita nila sa kanilang mga gawa.
Ano ang ibig sabihin ng pagiging asin at ilaw sa sanlibutan? Ang mamuhay bilang mga mabubuting halimbawa ng pagiging Kristiyano. Iyan ang misyon ng bawat isa sa atin bilang mga mananampalataya at tagasunod ng Panginoon. Kapag ito ang ipinasiya nating gawin, gaano man ito kahirap, ipinapakita natin na tunay tayong nasa panig ng Panginoon.
Tayong lahat ay tinatanong - pipiliin ba nating mamuhay sa liwanag ng Diyos? Tayo ba'y papanig sa Panginoon? Handa ba tayong pumanig sa Kanya, gaano man ito kahirap? Handa ba tayong maging mga asin at ilaw sa mundo? Tayo ba'y papanig sa liwanag? Ano ang ating desisyon?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento