11 Pebrero 2020
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes
Isaias 66, 10-14k/Judith 13/ Juan 2, 1-11
May panawagan si propeta Isaias para sa bayan ng Diyos sa Unang Pagbasa. At ang panawagang ito ay umaalingawngaw sa kasalukuyang panahon. Kahit ilang libong taon na ang nakakaraan mula noong una itong inihayag ni propeta Isaias sa bayang Israel, ang bayang hinirang ng Diyos, nananatili pa rin ang saysay nito sa kasalukuyang panahon. At ano ang panawagan ni propeta Isaias? Magalak. At ano naman ang dapat ikagalak? Ang katapatan ng Diyos. Napakalinaw kung paanong inilaan ni propeta Isaias ang kabuuan ng kanyang pahayag sa Unang Pagbasa sa pagsasalita tungkol sa katapatan ng Panginoon. Katunayan, isinama rin niya sa kanyang pahayag ang pangako ng Panginoong Diyos sa Kanyang bayan. Iyan ang aral mula sa Unang Pagbasa. Ang Diyos ay matapat. At ang Kanyang katapatan ay tunay at walang hanggan.
Ito ang aral na matutunan natin mula sa ating Inang si Maria, ang Mahal na Birhen ng Lourdes. Ang Mahal na Birheng Maria ay nananalig sa kalooban ng Diyos nang buong galak, katapatan, at kababaang-loob. Sa kabila ng mga hamon na kanyang hinarap sa kanyang buhay, pinili pa rin ni Maria na manalig sa Diyos nang buong galak, kababaang-loob, at katapatan. Kahit mahirap, ginawa pa rin niya ito. Bakit? Sapagkat si Maria ay nanalig nang buong galak sa katapatan ng Diyos.
Sa Ebanghelyo, isinalaysay kung paanong si Maria ay nagpakita ng pananalig sa katapatan ng Diyos. Kahit na sinabi sa kanya ni Hesus na hindi pa dumarating ang oras o panahong itinakda, sinabihan pa rin ng Mahal na Birheng Maria ang mga lingkod sa kasalan na sundin ang anumang iutos ng kanyang Anak. Ipinapakita sa eksenang ito ang pananalig ng Mahal na Birheng Maria. Nanalig ang Mahal na Ina na maipapakita ng Panginoong Hesus ang Kanyang katapatan sa lahat. Nanalig ang Mahal na Birhen na ang Panginoong Hesukristo ay gagawa ng paraan upang ipakita ang Kanyang pagkalinga at pagtulong sa Kanyang bayan, kahit sa isang payak na pamamaraan. Iyon ang ginawa ni Kristo. Naging tubig ang alak. Iyon ang unang himalang ginawa ni Kristo. Ipinakita nito ang Kanyang katapatan sa lahat. Hindi Siya nagpapabaya.
Tayong lahat ay tinuturuan ng Mahal na Birheng Maria na manalig sa Diyos nang may galak. Katulad ng ating Mahal na Inang si Maria, manalig tayo sa katapatan ng Diyos na walang katapusan. Magbago man ang panahon, hindi magmamaliw ang katapatan at kabutihan ng Diyos kailanman. Hindi Niya tayo pababayaan. Tayong lahat ay lagi Niyang sasamahan, kakalingain, at ipagsasanggalang.
Courtesy: http://www.catholictradition.org/Mary/lourdes3.htm |

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento