23 Pebrero 2020
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Levitico 19, 1-2. 17-18/Salmo 102/1 Corinto 3, 16-23/Mateo 5, 38-48
"Magpakabanal kayo, sapagkat Akong Panginoon ay banal" (Levitico 19, 2). Ito ang ipinasasabi ng Panginoon kay Moises sa Kanyang bayan sa Unang Pagbasa. At kung tutuusin, iyan ang buod ng ipinasabi ng Panginoon kay Moises sa Kanyang bayan sa Unang Pagbasa. Kasunod ng mga salitang ito, inilarawan ng Panginoong Diyos ang ilang mga gawa na magagawa ng bawat isa upang maipakita ang pasiya nilang maging banal katulad Niya. Iyan ang kalooban ng Diyos para sa bawat isa. Hangad ng Diyos na ang bawat isa ay mamuhay nang may kabanalan.
Pinagtutuunan ng pansin sa mga Pagbasa ang kalooban ng Diyos para sa bawat isa. Nais ng Diyos na ang bawat isa ay mamuhay nang banal. Hangad ng Diyos na tahakin ng bawat isa ang landas ng kabanalan. Iyan ang hangarin ng Diyos para sa bawat isa. Wala Siyang ibang hangad kundi mamuhay nang banal ang bawat isa. Nais ng Diyos na sanayin natin ang ating mga sarili na maging banal. Nais Niyang ugaliin natin ang pagpapakabanal sa bawat sandali ng ating paglalakbay sa lupa.
Sa Ebanghelyo, inihayag ng Panginoong Hesukristo na dapat ibigin ng bawat isa ang kanilang mga kaaway (Mateo 5, 44). Kapag sinunod ng bawat isa ang utos na ito ni Hesus, sila'y nagpapakita ng kabanalan. Ipinapakita lamang ni Kristo na hindi madali ang pagiging banal. Pati mga kaaway at tagausig ay dapat ipagdasal. Kaya, hindi dapat isipin ninuman na madali ito. Hindi biro ang iniuutos ni Hesus.
Kung tutuusin, para bang hindi lohikal ang iniuutos sa atin ng Panginoon. Sa mata ng lohika ng mundo, kalokohan iyan. Sa mata ng mundo, hindi tama ang lohikang iyan. Katunayan, mga makasalanan pa tayo. Paano natin ito magagawa? Paano magagawa ng bawat isa sa atin na sanay na sa lohika ng mundo ang kalooban ng Diyos? Puwede na siguro tayo magreklamo sa Diyos. Kung tayo ang masusunod, tiyak na mas gugustuhin pa natin na baguhin na lang ng Diyos ang Kanyang mga utos. Hindi madali ang ipinapagawa ng Diyos. Katunayan, ang mga utos ng Diyos ay hindi naaayon sa lohika natin bilang tao.
Bakit nga ba mahirap ang ipinapagawa sa atin ng Panginoon? Bakit para bang hindi lohikal ang ipinapagawa sa atin ng Panginoon? Sabi ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na "ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos" (1 Corinto 3, 19). At hindi lamang iyan, dagdag pa ni Apostol San Pablo sa simula ng Ikalawang Pagbasa na ang bawat isa sa atin ay templo ng Diyos (1 Corinto 3, 16). Kaya naman, hindi tayo dapat namumuhay ayon sa maling lohika ng tao kundi ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya, dapat maging salamin tayo ng Diyos. Dapat nating isalamin ang Panginoon sa lahat, kahit na mga kaaway o tagausig pa natin ang marami sa kanila.
Iba ang lohika ng Diyos sa lohika ng tao. Iyan ang aral na itinuturo sa bawat isa sa atin. May misyong ibinibigay ang Diyos sa bawat isa sa atin - maging Kanyang salamin. Isalamin natin ang Kanyang awa at kagandahang-loob sa bawat tao, pati na rin sa ating mga kaaway at mga tagausig.
Kung tunay tayong tapat sa Diyos, tutuparin natin ang Kanyang kalooban para sa atin. Tutuparin natin ang Kanyang mga utos, kahit na hindi ito lohikal sa paningin ng mundo. Gaano pa man iyon kahirap, tutuparin pa rin natin iyon. Kapag iyan ay ginawa natin, matutuwa ang Diyos dahil tinatahak natin ang landas ng kabanalan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento