Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen
Mikas 2, 1-5/Salmo 9/Mateo 12, 14-21
Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen, ang pintakasi ng Ordeng Carmelita. Ayon sa tradisyon, ang debosyon sa Mahal na Ina ng Bundok del Carmen ay nagsimula noong ika-13 siglo. Nagpakita ang Mahal na Birhen sa isang kasapi ng Ordeng Carmelitana na si San Simon Stock nang minsan siyang nanalangin. Noong nagpakita ang Mahal na Ina kay San Simon Stock, ibinigay niya ang eskapularyo kay San Simon Stock. Ang Mahal na Birheng Maria ay nangako kay San Simon Stock na magkakaroon ng kaligtasan mula sa walang hanggang apoy ng impiyerno ang sinumang sumusuot ng Eskapularyo. Ang Eskapularyo ay magsisilbing sanggalang ng mga sumusuot nito sa mga sandali ng panganib, lalo na sa oras ng kamatayan.
Mukhang mahirap unawain, pagnilayan, at iugnay ang mga Pagbasa ngayon, sa unang tingin. Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa pagpaparusa ng Diyos sa mga masasamang tao. Ang Ebanghelyo naman ay tungkol sa kabutihang ginagawa ni Hesus para sa mga maysakit at may karamdaman. Subalit, sa ating pagninilay at pagsusuri sa mga Pagbasa ngayon, matutuklasan natin na iisa lamang ang tema ng mga Pagbasa ngayon. Iisa lamang ang nais isalarawan at ipahiwatig ang mga Pagbasa sa Misa ngayong araw na ito.

Sa Unang Pagbasa, ipinahayag ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ni propeta Mikas na parurusahan at susumpain Niya ang mga nagbabalak na gumawa ng masama. Hindi sila makikinabang mula sa Panginoon. Parurusahan sila ng Diyos dahil sa kasamaang ginagawa nila. Wala silang mapapakinabangan o mamanahin mula sa Panginoon. Walang tatanggaping pagpapala o biyaya mula sa Panginoon ang mga masasamang taong ito dahil sa kanilang mga masasamang gawain.
Sa Ebanghelyo, pinagaling ng Panginoong Hesus ang maraming maysakit. Sa pamamagitan nito, ipinapakita ni Hesus ang Kanyang Awa at Habag sa kanila. Nais ni Hesus na palayain ang mga taong ito mula sa mga sakit at karamdaman na umaalipin sa kanila. Bagamat nagbabanta ang mga Pariseo laban kay Hesus, patuloy pa rin Niyang ipinapakita ang Kanyang Awa sa mga nangangailangan nito. Para kay Hesus, ang pagbabanta ng mga Pariseo laban sa Kanya ay hindi sapat na dahilan upang itigil ang paggawa ng mabuti para sa tao. Patuloy Siyang gagawa ng kabutihan upang ipakita sa tao ang Kanyang Awa at Habag.
Ipinapakita at ipinahihiwatig ng mga Pagbasa ngayon ang tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan. Hinding-hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan. Laging magtatagumpay ang kabutihan laban sa kasamaan. Mas makapangyarihan ang kabutihan laban sa kasamaan. Kabutihan ang sandata at panlaban ng Diyos laban sa kasamaan. Nilalabanan ng Diyos ang kasamaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan. Sa kahuli-huliha'y magtatagumpay ang kabutihan at Awa ng Diyos laban sa kapangyarihan ng kasamaan.
Ang Eskapularyo ay tanda ng kabutihang ipinakita ng Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Ina. Ibinigay ng Mahal na Birheng Maria kay San Simon Stock ang Eskapularyo upang maging sandata ng mga mananampalataya na nagsusuot nito laban sa kasamaan, lalo na sa oras ng kamatayan. Mararamdaman ng bawat tapat na mananampalatayang sumuot nito ang kapangyarihan ng kabutihan at Awa ng Diyos. Sila'y ipagsasanggalang ng Panginoon sa tulong ng mga panalangin ng Mahal na Ina sa oras ng matinding panganib, lalo na sa oras ng kamatayan.
Subalit, tandaan po natin, ang pagsusuot ng Eskapularyo ay hindi dahilan upang hindi magkumpisal. Hinihikayat pa rin ng Simbahan ang lahat na magsisi at tumalikod sa kasalanan. Kinakailangan pa rin nating ikumpisal ang ating mga kasalanan, kahit isinusuot natin ang Eskapularyo ng Mahal na Birhen ng Bundok del Carmen. Ang tunay na deboto ng Mahal na Birhen ng Bundok del Carmen ay nangungumpisal pa rin, kahit sinusuot na niya ang Eskapularyo ng Mahal na Ina.
Ipinagkaloob ng Mahal na Birheng Maria ang Eskapularyo kay San Simon Stock upang ipakita sa atin na laging magtatagumpay ang kabutihan laban sa kasamaan. Kailanma'y hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan. Laging mananaig ang kabutihan laban sa kasamaan. Sa pamamagitan ng Eskapularyo at ng iba pang mga sakramental, ipinapakita at ipinapadama ng Diyos ang Kanyang Awa at kabutihang-loob sa lahat sa tulong ng mga panalangin ng Mahal na Ina.

Tanggapin mo, anak kong mahal, itong eskapularyo ng iyong orden. Ito ay isang katangi-tanging tanda ng kaligtasan, isang pananggalang sa sandali ng panganib at isang patotoo ng tanging biyaya at pag-iingat. (Mga salita ng Mahal na Birhen kay San Simon Stock, Talambuhay ng mga Santo Vol. 2: Hulyo-Disyembre)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento