3 Hulyo 2016
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Isaias 66, 10-14k/Salmo 65/Galacia 6, 14-18/Lucas 10, 1-12. 17-20
Ang mga Pagbasa ay tungkol sa mabiyayang Awa ng Panginoon. Maraming mga biyaya ang ipinagkakaloob ng Panginoong Diyos dahil sa Kanyang Awa. Kung pagmamasdan natin ang ating daigdig, marami sa mga nakikita natin ay mga kaloob ng maawaing Panginoon. Nilikha ng Diyos ang lahat dito sa daigdig dahil sa Kanyang Awa. Nilikha Niya ang lahat, katulad ng hangin, araw, buwan, tubig, mga puno, mga damuhan, mga bulaklak at marami pang iba. Ang ating daigdig ay isang napakalaking biyaya na kaloob ng Awa ng Diyos. Kahanga-hanga ang mga nilikha ng Panginoong Diyos. Kahanga-hanga ang Awa ng Diyos.
Ipinagkakaloob din ng Panginoong Diyos ang ating mga pangangailangan. Alam ng Panginoon kung ano ang mga kailangan natin sa ating mga pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, pinagkakalooban tayo ng Diyos ng pagkain at inumin para sa ating kalusugan. Nalalaman ng Panginoon kung ano ang mahalaga para sa atin. Nababatid ng Panginoon kung ano ang mga ikabubuti sa atin. At dahil sa Kanyang Banal na Awa, patuloy na ipinagkakaloob sa atin ng Panginoong Diyos ang ating mga pangangailangan sa ating pang-araw-araw na buhay.
Sa Unang Pagbasa, nagsalita ang Panginoon sa Kanyang bayan sa pamamagitan ni propeta Isaias. Ang sabi ng Panginoong Diyos, kapayapaan at kaunlaran ang ipagkakaloob Niya sa Kanyang bayan. Magiging mapayapa at maunlad muli ang bayan ng Diyos. Sa Kanya magmumula ang tunay na kapayapaan at kaunlaran. Ang pagpapalang ito mula sa Panginoon ay magdudulot ng matinding kagalakan para sa lahat na kabilang sa Kanyang bayan.
Sinabi ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang krus ng Panginoong Hesukristo ang kanyang ipinagmamalaki at ipinagmamapuri. Kaligtasan ang ipinagkaloob ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng Kanyang paghahain ng sariling buhay sa krus. Si Hesus ang pinakamahalaga at ang pinakadakilang biyayang kaloob ng Diyos sapagkat si Hesus ang nagkamit ng kaligtasan para sa lahat. Nagkaroon ng kaligtasan ang sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesus. Sa pamamagitan ni Hesukristo, ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan ang Kanyang Awa at Habag. Dahil sa Kanyang Awa, kaligtasan ang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ipinagkaloob ng Diyos ang biyaya ng kaligtasan sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesus, ang Mukha ng Awa ng Ama.
Sa Ebanghelyo, pitumpu't dalawang apostol ang hinirang at isinugo ng Panginoong Hesus sa iba't ibang bayan. Isinugo ng Panginoong Hesus ang pitumpu't dalawang apostoles upang ipalaganap ang Mabuting Balita. Ipapahayag ng mga apostol ang Mabuting Balita tungkol sa Awa ng Diyos. Nasaksihan ang mga Gawa ng Awa ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Narinig ng mga apostol ang mga turo ni Hesus, at nasaksihan din nila ang Kanyang mga kahanga-hangang gawa. Sila naman ay magsisilbing mga saksi ni Kristo sa iba't ibang bayan sa lupaing iyon.
Batid ng Panginoon kung ano ang kailangan nating lahat. Nalalaman ng Panginoon ang ating mga pangangailangan sa pang-araw-araw nating buhay. Anuman ang kailangan natin, alam ng Panginoon iyon. Dahil sa Kanyang Awa, ipinagkakaloob Niya sa atin ang ating mga pangangailangan. Kung walang awa ang Panginoon sa atin, hindi tayo mabubuhay ngayon. Kung hindi ipinakita ng Diyos ang Kanyang Awa sa atin sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ating mga pangangailangan, wala tayo ngayon. Hindi tayo magkakaroon ng isang mapayapa at maunlad na buhay. Salamat sa Diyos dahil ipinagkakaloob Niya sa atin ang ating mga pang-araw-araw na pangangailangan. Salamat sa Diyos dahil ipinakita Niya sa ating lahat ang Kanyang Awa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ating mga pangangailangan.
Ang Panginoon ay nagkakaloob ng ating mga pangangailangan araw-araw. Patuloy na ipinagkakaloob sa atin ng Panginoon ang mga kailangan natin. Nalalaman ng Panginoon kung ano ang ating mga mahahalagang pangangailangan. Alam Niya kung ano ang mahalaga para sa atin. Alam Niya kung ano ang nakakabuti para sa atin. Dahil sa Kanyang Awa sa atin, ipinagkakaloob ng Panginoon ang mga ito. Sa pagkakaloob ng ating mga pangangailangan, ipinapakita sa atin ng Panginoon ang Kanyang Awa na hinding-hindi magmamaliw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento