9 Setyembre 2018
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Isaias 35, 4-7a/Salmo 145/Santiago 2, 1-5/Marcos 7, 31-37
Pinagtutuunan ng pansin sa mga Pagbasa ngayon ang paghirang ng Diyos sa mga dukha. Ang mga dukha ay pinili't hinirang ng Diyos upang sa pamamagitan nila'y mahahayag ang Kanyang kadakilaan. Sila'y magiging mga instrumento ng Diyos. Bilang mga instrumento ng Panginoong Diyos, patotohanan nila ang Kanyang kahanga-hangang kadakilaan. Sila ang pinalad na maranasan ang kamay ng Diyos na mapaghimala at mapagpagaling upang malaman ng lahat na Siya'y tunay na dakila at kahanga-hanga. Ang Panginoong mahabagin ay tunay ngang dakila at kahanga-hanga. Walang makakapantay o makahihigit sa Kanya.
Ang puntong ito ay isinalungguhit sa Ikalawang Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago. Kaya naman, nagbigay ng babala si Apostol Santiago sa kanyang mga tagapakinig tungkol sa pagtatangi o diskriminasyon. Kung ang mga dukhang hinirang ng Diyos ay itinatangi ng bawat isa, para na ring sinasabing tinututulan ng bawat isa ang Kanyang kalooban. Nawawalan na ng saysay o kabuluhan ang pamamanata at pananampalataya ng bawat Kristiyano kung ito ang gagawin. Ang mga tunay na kapanig ng Panginoon ay walang dapat itinatangi sapagkat ang lahat ay pantay-pantay sa Kanyang paningin. At kasuklam-suklam sa paningin ng Panginoon ang pagdiskrimina sa mga mahihirap.
Sa Unang Pagbasa, inihayag ang ilan lamang sa mga kahanga-hangang bagay na gagawin ng Diyos sa Kanyang pagdating. Ipinangako ng Diyos sa mga talatang ito na Siya'y darating bilang Mesiyas at Tagapagligtas. Ang mga bulag ay makakakita, ang mga bingi ay makakarinig, ang mga pilay ay makakalakad, at ang mga pipi ay makakapagsalita't makakaawit ng mga awitin ng pagpupuri't pasasalamat sa Panginoon nang buong kagalakan (35, 5-6).
Isang pagpapagaling ng Panginoong Hesus ang isinalaysay sa Ebanghelyo. Isang lalaking bingi't utal ang pinagaling ni Hesus. Namangha ang mga nakasaksi sa pangyayari, anupa't ang bilin ni Hesus ay hindi nila sinundan. Kahit sinabihan sila ni Hesus na huwag ipamalita ang Kanyang ginawang pagpapagaling sa lalaking bingi't utal sa kahit na sino, lalo pa nila itong ibinalita. Nakakapagsalita't nakakarinig ang dating bingi't pipi dahil kay Hesus na taga-Nazaret. Sa pamamagitan ng ginawang pagpapagaling ng Panginoong Hesukristo sa lalaking bingi't pipi ay nahayag sa lahat ang kabutihan at kadakilaan ng Diyos na kahanga-hanga. Ang lalaking bingi't pipi ay naging instrumento ng Panginoon upang ihayag ang Kanyang kadakilaan at kabutihan na tunay ngang kahanga-hanga. Ang dating isinasantabi ng lipunan dahil sa kanyang kapansanan ay ginamit ng Diyos bilang Kanyang instrumento upang mahayag ang Kanyang kadakilaan at kabutihan.
Bilang mga Kristiyano, wala dapat tayong itinatangi. Hindi natin dapat pairalin ang diskriminasyon, lalung-lalo na sa mga mahihirap. Kung hahayaan nating maging mga biktima ng diskriminasyon ang mga mahihirap, ipinapakita natin na tayo'y tutol sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay malapit sa mga mahihirap. Ang Puso Niya ay malapit sa mga dukha. At labag sa Kanyang kalooban ang pang-aapi sa mga dukha. Kinasusuklaman ng Panginoong Diyos ang mga umaapi ng mga dukha at mga walang kalaban-laban.
Kung nais nating maging tunay na kapanig ng Diyos, huwag tayong magtatangi, tulad ng ipinapaalala sa atin sa Ikalawang Pagbasa. Tanging ang Diyos lamang na Siyang bukal ng lahat ng kabanalan ang dakila't makapangyarihan sa lahat. Walang makakapantay at makahihigit sa Kanyang kadakilaan at kapangyarihan na kahanga-hanga. At sa Kanyang paningin, tayong lahat na Kanyang nilalang ay magkakapantay. Walang sinuman sa atin ang nakakaangat o nakahihigit sa kapwa sa Kanyang paningin. Tanging Siya lamang ang Kataas-taasan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento