15 Setyembre 2018
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati
Hebreo 5, 7-9/Salmo 30/Juan 19, 25-27 (o kaya: Lucas 2, 33-35)
Sa kasalukuyang panahon, napakaraming hugot tungkol sa pagmamahal. Ang mga hugot na ito'y binabasa at ibinabahagi ng karamihan sa kanilang mga kakilala, lalung-lalo na ang mga kabataan. Kapag nababasa nila ang ilan sa mga hugot na ito, naaalala nila ang kanilang mga karanasan sa kanilang buhay pag-ibig. At inilalarawan ng ilang mga hugot tungkol sa pagmamahal ang sakit na kaakibat ng desisyong magmahal. Sabi nga ng karamihan, "Masakit magmahal."
Itinutuon ng Simbahan ang pansin ng bawat isa sa sakit dulot ng pagmamahal sa araw na ito. Inilalaan ng Simbahan ang araw na ito upang gunitain, ipakilala, at nagbibigay-pugay sa isang babaeng na labis na nasaktan dahil sa pagmamahal. Ang babaeng ito ay walang iba kundi ang Mahal na Birheng Maria. Dahil sa kanyang pagmamahal para sa kanyang minamahal na Anak na si Hesus, si Maria ay nagtiis ng matinding kapaitan sa kanyang puso. Tiniis ni Maria ang lahat ng sakit sa kanyang puso dahil sa kanyang pagmamahal sa Panginoon.
May dalawang salaysay sa Ebanghelyo ngayon na maaaring pagpilian. Ang isang salaysay ay hango mula sa ikalawang kabanata ng Ebanghelyo ni San Lucas at ang isa naman ay hango mula sa ika-19 na kabanata ng Ebanghelyo ni San Juan. Sa salaysay mula sa Ebanghelyo ni San Lucas, inihayag ni Simeon kay Maria kung ano ang mangyayari sa Batang Hesus pagdating ng takdang panahon at kung paano siya maaapektuhan. Sa salaysay mula sa Ebanghelyo ni San Juan, si Maria ay nakatayo sa tabi ng krus ng Panginoong Hesus kasama ang minamahal na alagad na si Apostol San Juan. Ang dalawang kaganapang isinalaysay ay dalawa sa mga Pitong Hapis ng Mahal na Inang si Maria.
Katulad ni Hesus na nagtiis ng matinding paghihirap dahil sa Kanyang pag-ibig para sa Ama at para sa sangkatauhan na pinagtuunan ng pansin sa Unang Pagbasa, nagtiis rin ng matinding paghihirap ang Mahal na Birheng Maria dahil sa kanyang pagmamahal sa Panginoon. Tiniis ni Maria ang hapdi at pait na naramdaman at dinala sa kanyang puso dahil tunay niyang minahal ang Anak niyang si Hesus. Ang lahat ng mga sakit na kanyang naramdaman at dinala sa puso ay kanyang tiniis. Sa kanyang pagtitiis ng hirap at sakit, naipakita ni Maria ang tunay at tapat niyang pagmamahal kay Kristo. Nakiisa siya sa pagdurusang dinanas ni Kristo dahil tunay niyang minahal ang kanyang Anak nang buong katapatan.
Tinuturuan ng Panginoong Hesus at ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng Hapis, ang bawat isa kung paanong magmahal. Kung tunay tayong nagmamahal, dapat handa tayong masaktan. Dapat handang magtiis ng maraming hirap ang bawat isa kapag siya'y nagmamahal. Ang pagtitiis ng maraming hirap at sakit lamang ang tanging makakapagpatunay na tunay at tapat ang pagmamahal ng bawat isa. Ang bawat isang umiibig nang tunay ay handang magtiis para sa kanyang sinisinta.
Si Hesus at si Maria ay nasaktan dahil sa pagmamahal. Handa ba tayong masaktan dahil sa pagmamahal?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento