8 Setyembre 2018
Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
Mikas 3, 1-4a (o kaya: Roma 8, 28-30)/Salmo 12/Mateo 1, 1-16. 18-23 (o kaya: 1, 18-23)
Sa Unang Pagbasa, inihayag ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Mikas na isisilang ang Sanggol na Mesiyas sa bayan ng Betlehem. Ang Betlehem na kilala rin bilang bayan ni Haring David ay pinalad sa lahat ng sambayanan sa Israel sapagkat sila ay pinili upang maging lugar na sinilangan ng Mesiyas. Mapapabilang sa sambahayan ni Haring David ang ipinangakong Mesiyas na tutubos sa Kanyang bayan. Isang babae ang magluluwal sa Banal na Sanggol na Siyang ipinangakong Mesiyas at Manunubos sa munting bayan ng Betlehem.
Ang araw na ito ay inilaan ng Simbahan upang gunitain at ipagdiwang ang pagsilang ng babaeng nagluwal sa ipinangakong Mesiyas at Tagapagligtas mula sa kanyang sinapupunan sa bayan ng Betlehem. Siya'y walang iba kundi ang Mahal na Birheng Maria. Sa lahat ng kababaihan, ang Mahal na Birheng Maria ay pinili't hinirang ng Diyos upang maging ina ng ipinangakong Mesiyas at Tagapagligtas na si Hesus. Sa kabila ng kanyang estado sa lipunan noong kanyang kapanahunan, ang Mahal na Inang si Maria ang pinili ng Diyos para tuparin ang pananagutang iyon.
Kaya naman, isang napakahalagang pangyayari sa kasaysayan ng kaligtasan ang pagsilang ng Mahal na Inang si Maria. Napakaespesyal ang araw ng kapanganakan ng Mahal na Inang si Maria sapagkat siya ang naglihi at nagluwal kay Kristo Hesus - ang Emmanuel, ang Diyos na sumasaatin, ayon sa propesiya ni propeta Isaias na siyang pinagtuunan ng pansin sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo. Sa pamamagitan ni Maria, ang Diyos na laging sumasaatin na si Kristo ay dumating sa mundo upang tubusin ang sangkatauhan.
Ipinangako ng Diyos sa Lumang Tipan na isusugo Niya ang Mesiyas. Sa pamamagitan ng Mesiyas, ililigtas ng Diyos ang Kanyang bayan. At ang pangakong binitiwan ng Panginoon ang paksa ng mga propesiya ng mga propeta sa Lumang Tipan. At nang dumating ang takdang panahon, natupad ang pangakong binitiwan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Hesus. Ang Diyos Anak na si Hesukristo ay dumating sa sanlibutan bilang Mesiyas at Manunubos. At sa Kanyang pagdating sa sanlibutan, niyakap Niya ang ating pagkatao. Kung paanong ang bawat tao ay dumarating sa lupa sa pamamagitan ng inang naglihi at nagluwal sa kanya, sa ganoong pamamaraan ri'y dumating si Hesus sa lupa. At si Maria ang naglihi at nagluwal sa Kanya. Si Hesus ay nagkaroon rin ng Ina tulad ng bawat tao sa pamamagitan ni Maria. At si Maria ay Ina rin nating lahat na buong puso't kaluluwang nananalig, sumasampalataya, at sumusunod kay Kristo.
Kung ang araw ng pagsilang ng Panginoong Hesukristo sa lupa ay binibigyan ng halaga, gaano pa kaya ang araw ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria sa lupa? Ang Mahal na Birheng Maria ang naglihi at nagluwal sa Panginoong Hesus, ang ipinangakong Mesiyas at Manunubos, ang Diyos na laging nating kasama (Emmanuel), kaya nararapat lamang na bigyan rin ng halaga ang araw ng kanyang kapanganakan dito sa mundo. Mahalaga ang papel na ginampanan ng Mahal na Birheng Maria sa kasaysayan ng pagtubos ng Diyos sa sangkatauhan, kaya mahalaga rin ang araw ng kanyang pagsilang dito sa mundo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento