8 Setyembre 2019
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Karunungan 9, 13-18b/Salmo 89/Filemon 9b-10. 12-17/Lucas 14, 25-33
"Sino ang makatatarok ng kaisipan ng Diyos?" (9, 13) Ang katanungang ito ang bumungad sa Unang Pagbasa. Sino nga ba ang makakaunawa agad sa Diyos? Sino ang nakakaalam kung ano ang nasa isip ng Panginoon? WALA. Walang sinuman sa daigdig na ito ang makakabasa sa isipan ng Panginoon. Walang sinuman ang may kapasidad na alamin kung ano ang niloloob ng Diyos. Ang Panginoong Diyos ay hindi kayang pangunahan ng sinuman dito sa mundo. Ang nilalaman ng Kanyang isipan, ang Kanyang niloloob, ay mananatiling lihim sa kaalaman ng tao. Kahit ang pinakamatalinong tao sa daigdig, hindi niya malalaman kung ano ang nasa isipan ng Diyos. Isang misteryo para sa tao ang nasa isipan at loobin ng Panginoong Diyos, gaano man sila katalino.
Paano naman malalaman ng bawat tao ang kalooban ng Diyos? Ang sagot sa tanong na ito'y nasasaad sa huling bahagi ng Unang Pagbasa. Ibinahagi ng manunulat ng aklat ng Karunungan ang sagot sa kanyang tanong sa simula ng Unang Pagbasa. Sabi niya, "Walang makaaalam ng Inyong kalooban malibang bigyan Mo siya ng Iyong Karunungan, at lukuban ng Inyong diwang banal" (9, 17). Ibig sabihin nito, ang nasa isipan at loobin ng Diyos ay malalaman ng bawat tao kapag ito'y inihayag Niya sa kanila. Hindi malalaman ng bawat tao ang nasa isipan at loobin ng Diyos kung aasa sila sa kanilang mga sarili. Malalaman lamang nila iyon kapag sila'y tinulungan ng Diyos. Paano sila tutulungan ng Diyos na malaman kung ano ang nasa Kanyang isipan at loobin? Siya mismo ang maghahayag nito. Katunayan, hindi Siya limitado sa isa lamang paraan. Marami Siyang pamamaraang ginagamit upang ihayag ang Kanyang kalooban sa bawat tao.
Sa Ikalawang Pagbasa at Ebanghelyo, inilarawan kung paanong naiiba ang nasa isipan ng Panginoon at ang nasa isipan ng tao. Sa Ikalawang Pagbasa, nakiusap si Apostol San Pablo kay Filemon na tanggapin si Onesimo bilang kanyang kapatid sa pananampalataya at hindi na bilang alipin. Ayon sa ilang mga dalubhasa sa Bibliya, malaki ang kasalanang ginawa ni Onesimo laban kay Filemon. Iyan ang dahilan kung bakit umalis si Onesimo mula sa tahanan ni Filemon. Sa Ebanghelyo, inihayag ng Panginoong Hesus na hindi maaaring sumunod sa Kanya ang mga nagnanais ng magkaroon ng maganda at maginhawang buhay dito sa lupa. Inihayag rin Niyang hindi maaaring maging Kanyang mga tagasunod ang mga taong hindi nakasentro ang buhay sa Kanya. Inihayag rin Niya sa pinakahuling bahagi ng Ebanghelyo na kailangang talikuran at bitawan ng bawat isa ang mga bagay-bagay na nauukol sa daigdig kung hinahangad nilang sumunod sa Kanya (14, 33).
Iisa lamang ang itinuturo sa atin ng mga Pagbasa. Iba mag-isip ang Panginoon at ang tao. Nais ng Diyos na patawarin natin ang mga nagkasala laban sa atin. Subalit, hindi naman iyan ang gusto nating gawin. Hindi naman iyan ang unang pumapasok sa ating isipan. Bagkus, nais nating maghiganti laban sa kanila kadalasan. Nais nating ipatikim sa kanila ang kasamaang ginawa laban sa atin. Ginagamit ang apoy laban sa apoy. Kapag ginawan ka ng masama, gawan mo rin siya ng masama. Bakit? Dahil iyon ay napakadali para sa atin gawin bilang tao. Kung lohika ng tao ang ating susundin, pipiliin natin ang mas madaling gawin. Kung tutuusin, sino ba naman ang mag-iisip na pahirapan ang sarili? WALA. Walang pipili ng anumang bagay na mahirap para sa kanila. Siyempre, pipiliin nila ang kaya nilang gawin. Walang mag-iisip na pahirapan ang sarili.
Mahirap talaga ang ipinapagawa sa atin ng Panginoon kung ang lohika ng tao ay susundin. Kung tutuusin, para bang walang katuturan ang kalooban ng Panginoon para sa atin. Hindi lamang ang pagpapatawad sa mga nagkasala laban sa atin ang mahirap gawin. Mahirap rin ang ipinagawa ni Hesus sa Ebanghelyo. Talikuran at bitawan ang ating kayamanan at sumunod sa Kanya. Hindi natin puwedeng dalhin ang ating mga ari-arian dito sa daigdig kapag sumunod tayo sa Kanya sa landas patungo sa langit. Mahirap iyan gawin. Matapos paghirapan ang lahat ng bagay na hawak-hawak natin, bibitawan at tatalikuran rin natin iyan agad-agad para lamang sumunod sa Panginoong Hesukristo? Kung gagamitin natin ang lohika ng tao, hindi iyan lohikal. Kung susundin natin ang lohika ng tao, sisiguraduhin nating hindi mawawala ang mga iyan sa ating mga kamay o paningin. Gagawin natin ang lahat para lamang mapasaatin ang ating kayamanan at ari-arian. Hindi natin basta-basta bibitawan o pakakawalan ang mga iyan.
Kaya, walang sinuman sa atin ang makakapagsabing nababasa niya kung ano ang iniisip ng Diyos. Hindi puwedeng sabihin ninuman na alam niya ang kalooban ng Diyos gamit ang sariling kakayanan. Ang mga nasa isipan ng Diyos ay mananatiling lihim sa tao. Ang kalooban ng Panginoon ay mananatiling lihim sa isipan ng bawat tao hanggang sa ipahayag Niya ito sa bawat isa. Marami Siyang paraan upang gawin iyon. Marami rin sa mga paraang iyon ay hindi rin natin aasahan. Misteryoso talaga ang Panginoon. Walang makakapagsabi kung paano Siya mag-isip at kumilos. Sabi nga ng Panginoong Diyos: "Ang Aking isipa'y di ninyo isipan, at magkaiba ang ating daan . . . Ang daa't isip Ko'y hindi maaabot ng inyong akala" (Isaias 55, 8-9).
Ano naman ang maaari nating gawin? Hintayin natin ipahayag sa atin ng Diyos ang kalooban Niya para sa atin. Kapag inihayag ng Diyos ang Kanyang kalooban para sa atin sa paraang gagamitin Niya na marahil ay hindi natin aasahan, tanggapin natin ito nang buong kababaang-loob. Katulad ng Mahal na Birheng Maria, tanggapin natin ang kalooban ng Diyos nang buong pananalig at kababaang-loob. Manalig lamang tayo sa Panginoon. Manalig tayong tayo'y Kanyang tutulungan na tuparin at sundin ang Kanyang kalooban. Manalig tayong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Manalig tayong Siya ang bahala sa atin. Ang pagtanggap at pagsunod sa kalooban ng Diyos nang buong pananalig at kababaang-loob ay magdudulot ng kabutihan sa bawat isa sa atin, lalung-lalo na sa ating kaluluwa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento