21 Setyembre 2019
Kapistahan ni Apostol San Mateo, Manunulat ng Mabuting Balita
Efeso 4, 1-7. 11-13/Salmo 18/Mateo 9, 9-13
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang pagtawag ni Hesus kay Apostol San Mateo. Isang kilalang publikano si Apostol San Mateo. Sa mata ng mga Hudyo, si Apostol San Mateo ay isang traydor sapagkat siya'y nakikipagtulungan sa mga Romano. Siya'y tumutulong sa mga Romano sa pamamagitan ng pangungulekta ng buwis. Iyan ang dahilan kung bakit gayon na lamang ang galit ng mga Israelita sa mga publikanong katulad niya. Sinakop ng mga Romano ang kanilang bansa. At sa halip na makibaka laban sa mga Romano kaisa ng kanilang mga kababayan, ang mga publikanong tulad ni Mateo ay nakikipagtulungan sa kanila. Subalit, sa kabila nito, tinawag siya ng Panginoong Hesus upang sumunod sa Kanya bilang Kanyang alagad. Mula noon, iniwan at tinalikuran na ni San Mateo ang pagiging isang publikano.
Naranasan ni Apostol San Mateo ang awa ng Diyos sa sandaling iyon na kanyang isinalaysay sa Ebanghelyo. Pinagkaitan siya ng pangalawang pagkakataon mula sa kanyang mga kababayan. Ang mga publikanong katulad niya'y kinasuklaman ng lahat sapagkat siya'y nakipagtulungan sa mga sumakop sa bayan. Ang pangalawang pagkakataong ipinagkait sa kanya ng kanyang mga kababayan ay tinanggap niya mula sa Panginoong Hesukristo. Nang tawagin siya ni Kristo sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo, napagtanto niya na ang Diyos ay tunay na maawain. Ang Diyos ay handang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga makasalanan.
Katulad ni Apostol San Mateo sa Ebanghelyo, naranasan ni Apostol San Pablo ang awa ng Diyos. Bago siya naging isang apostol at misyonero, inusig ni Apostol San Pablo ang mga sinaunang Kristiyano. Subalit, nagbago ang lahat para sa kanya noong makatagpo niya si Kristo sa daan patungong Damasco. Matapos mabulag sa loob ng tatlong araw at manumbalik ang kanyang paningin, si Apostol San Pablo ay nagpabinyag. At matapos magpabinyag kay Ananias, ang ginamit ng Panginoon bilang Kanyang instrumento sa pagpapabalik ang kanyang paningin, nangaral si Apostol San Pablo nang buong sigasig tungkol kay Kristo. Sa lahat ng mga lugar na kanyang pinuntahan sa kabuuan ng kanyang misyon bilang apostol at misyonero, nagpatotoo siya tungkol kay Kristo. Kahit na siya'y ibinilanggo at inusig dahil sa kanyang mga pangaral, patuloy siyang nagpatotoo tungkol sa Panginoon, tulad na lamang ng kanyang ginawa sa Unang Pagbasa.
Ang Diyos ay laging handang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa lahat ng mga nagkasala laban sa Kanya. Hindi Niya ipinagkakait sa kanila ang Kanyang awa at habag. Habang ang bawat isa dito sa daigdig ay may hininga, patuloy silang binibigyan ng pagkakataon ng Panginoong Diyos na magbalik-loob sa Kanya. Hindi pa huli ang lahat para sa bawat isa habang may buhay. Habang humihinga pa tayo, may pagkakataon pa tayong manumbalik sa Diyos. Hinihintay ng Panginoon ang taos-puso nating pagtitika at pagbabalik-loob sa Kanya.
Iyan ang dahilan kung bakit dapat galangin ang buhay ng bawat tao mula sa pagsilang hanggang sa huling sandali ng buhay dito sa lupa. Hindi katanggap-tanggap ang pagpatay sa bawat tao. Gaano pa man sila kasama, hindi dapat ipagkait sa kanila ang pagkakataong baguhin ang kanilang buhay. Habang may buhay pa ang tao, maaari pa silang magbago. Subalit, nakakalungkot isipin na ipinagkakait sa kanila ang pagkakataong iyon. Paano nila mababago ang kanilang buhay kapag ang pagkakataong iyon ay ipinagkakait sa kanila? Iyan ang hirap sa mga taong inaakala nilang mas mataas sila sa Diyos. Wala silang pakialam sa mga inosenteng pinapatay basta matupad lamang ang kanilang mga binabalak. Ang buhay ng bawat tao ay hindi nila pinapahalagahan. Kapag sila'y binabatikos, sila pa ang nakuhang magalit. Lagi niyang iginigiit na siya lamang ang tama. Kaya, dapat manahimik na lamang sila. Bakit? Sila ang susunod nilang pupuntiryahin.
Kaya naman, ang Kapistahang ito ay hindi lamang araw ng pagdiriwang. Ito rin ay araw upang imulat ang isipan sa kahalagahan ng buhay. Huwag tayong umastang parang mga diktador o diyus-diyusan. Wala tayong karapatang ipagkait sa kapwa natin ang pagkakataong magbagong-buhay sapagkat ang bawat isa sa atin ay mga makasalanan. Subalit, sa kabila ng ating pagkamakasalanan, tayong lahat ay patuloy na binibigyan ng pagkakataon upang baguhin ang ating buhay at magbalik-loob sa Diyos habang tayo'y may hininga.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento