Mayo 8, 2016
Dakilang Kapistahan ng Pag-Akyat (K)
Mga Gawa 1, 1-11/Salmo 47/Efeso 1, 17-23 (o kaya: Hebreo 9, 24-28; 10, 19-23)/Lucas 24, 46-53
Apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay, umakyat si Hesus sa langit taglay ang buo Niyang kaluwalhatian. Kinailangan ni Hesus na bumalik sa Ama. Alam ni Hesus na hindi Siya magtatagal sa mundo. Babalik Siya sa langit upang lumuklok sa kanan ng Ama taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian. Natapos na ang Kanyang misyon at tungkulin sa sanlibutan bilang Mesiyas at Tagapagligtas ng sangkatauhan. Dahil tinupad na ni Hesus ang Kanyang misyon sa lupa, babalik na Siya sa langit, sa piling ng Ama. Muling babalik sa langit ang Diyos Anak na si Hesus sa langit, ang Kanyang kaharian at tahanan.
Masasabi nating may pinaghuhugutan si Hesus sa pamamagitan ng Kanyang maluwalhating pag-akyat sa kalangitan. Hindi matatagpuan ang tunay na kaligayahang walang hanggan dito sa lupa. Hindi matatagpuan ang tunay na walang hanggan sa daigdig na ito. Ang mga bagay dito sa mundo ay magmamaliw at pansamantala lamang. Sa langit matatagpuan ang tunay na kaligayahan. Sa langit matatagpuan ang walang hanggan. Sa piling ng Diyos matatagpuan ang tunay na kaligayahang walang hanggan. Ang mga bagay na mananatili magpakailanman ay matatagpuan sa piling ng Diyos.
Lilipas ang lahat ng bagay dito sa lupa. Pansamantala ang lahat ng bagay dito sa lupa. Hindi mananatili ang mga ito magpakailanman. Ang mga gusali ay guguho at babagsak din sa lupa pagdating ng takdang araw. Hindi rin tayo mananatili dito sa mundo magpakailanman. Hindi tayo mabubuhay magpakailanman dito sa sanlibutan. Pansamantala lamang ang ating buhay sa lupa. Ang buhay natin at ang lahat ng makikita natin dito sa daigdig ay lilipas at magmamaliw. Walang permanente dito sa mundo. Pansamantala lamang ang lahat ng bagay dito sa mundo. Kaya nga, ang tawag sa lupa ay 'pansamantalang tahanan.'
Ang mga posisyon sa buhay ay pansamantala. Hindi tayo mananatili sa pwesto natin sa buhay magpakailanman. Magkakaroon tayo ng pagbabago sa ating mga posisyon sa buhay. Halimbawa, sa opisina. Maaaring itaas ang posisyon ng isang tao sa kanyang pwesto. Subalit, pansamantala lamang siya sa pwestong iyon. Maaaring magkaroon ng pagbabago sa mga posisyon sa opisina. Maaari siyang ilipat sa ibang posisyon mula sa posisyong kanyang hinahawakan sa kasalukuyan. Hindi natin alam kung kailan, subalit, alam natin na maaaring mangyari iyon.
Pansamantala rin ang mga posisyon sa pulitika. Panahon po ngayon ng Halalan. Magkakaroon po tayo ng pagkakataon upang magpasiya kung sino ang mga dapat mamuno sa ating bayan. Nakakalungkot nga lang po, may mga pulitikong tumatakbo dahil sa kanilang pagka-uhaw sa kapangyarihan. Gustong tumagal ang ilang mga pulitiko sa kanilang pwesto sa pamahalaan. Gagawin nila ang lahat upang manatili sa kapangyarihan. Papatay ng tao, magnanakaw, maninira ng kapwa, lahat ay gagawin manatili lamang sa kapangyarihan. Nakalimutang pansamantala lamang ang kanilang posisyon sa pamahalaan. Nakalimutan ang dahilan kung bakit sila'y inihalal upang maging pinuno - ang maglingkod sa taong-bayan. Nakalimutan din ang pananagutan sa bayan.
Sa piling ng Diyos matatagpuan ang tunay na kaligayahan at buhay na walang hanggan. Sa piling ng Diyos matatagpuan ang magpakailanman. Sa piling ng Diyos matatagpuan ang walang hanggan. May mga bagay na hindi kayang ibigay ng sanlibutan. Ang mga bagay na hindi maibibigay ng sanlibutan ay maibibigay ng Diyos. May mga bagay na hindi natin mahanap sa sanlibutan na matatagpuan naman natin sa piling ng Diyos. Ano ang matatagpuan natin sa piling ng Diyos? Ang tunay na kaligayahan at buhay na walang hanggan. Sa piling ng Diyos matatagpuan ang mga bagay na magtatagal magpakailanman. Ang mga ito'y ipinagkakaloob ng Diyos dahil sa Kanyang Awa sa atin.
Ang tunay na awa ay matatagpuan din natin sa piling ng Diyos. Ang Diyos ang bukal ng awa. Ang Diyos ang pinagmulan ng awa. Sa Kanya nagmumula ang tunay na awa. Hindi maibibigay ng sanlibutan ang tunay na awa. Hindi maibibigay ng sanlibutan ang awang katulad ng Diyos. Ang awang ibinibigay at ipinagkakaloob ng sanlibutan ay hindi katulad ng Awa ng Diyos. Magmamaliw at mawawala ang awa ng sanlibutan. Subalit, ang Awa ng Diyos ay mananatili magpakailanman. Hindi magmamaliw ang Awa ng Diyos kahit kailan. Ang Awa ng Diyos ay ang tunay na awa. Mananatili ito magpakailanman. Ang Awa ng Diyos ay kaloob sa atin ng Panginoon. Patuloy din itong ipinagkakaloob ng Panginoon sa atin.
Mayroong walang hanggan. Mayroong magpakailanman. Subalit, hindi natin mahahanap o matatagpuan ito sa sanlibutan. Mahahanap natin ito sa piling ng Diyos. Ang walang hanggan na matatagpuan natin sa piling ng Diyos ang tunay na walang hanggan. Ito'y magdudulot ng tunay na kaligayahan at kagalakan sa ating lahat. Tayong lahat ay mabubuhay magpakailanman sa piling ng Diyos balang araw. Pagdating ng araw na iyon, magkakaroon tayo ng tunay na kagalakan at kaligayahang mula sa Panginoon. Sa piling ng Diyos, matatagpuan ang tunay na kaligayahang walang hanggan. Sa piling ng Diyos, may buhay na walang hanggan. Sa piling ng Diyos, matatagpuan ang walang hanggan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento