4 Marso 2018
Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (B)
Exodo 20, 1-17 (o kaya: 20, 1-3. 7-8. 12-17)/Salmo 18/1 Corinto 1, 22-25/Juan 2, 13-25
"Hindi na kailangang may magsalita pa [kay Hesus] tungkol sa kaninuman, sapagkat talastas Niya ang kalooban ng lahat ng tao." (2, 25) Sa pamamagitan ng mga salitang ito'y nagwakas ang salaysay ng Ebanghelyo ngayong Ikatlong Linggo ng Kuwaresma. Binigyang-diin ng Manunulat ng Mabuting Balitang si Apostol San Juan sa mga salitang ito ang pagka-Diyos ng Panginoong Hesus. Walang maililihim ang bawat tao sa Panginoong Hesus. Tunay na nababatid ni Hesus ang lahat tungkol sa bawat tao. Batid ni Hesus ang mga tunay na nilalaman ng puso't isipan ng bawat tao. Alam ni Hesus kung tunay ngang sinsero at totoo ang isang tao o kung nanlilinlang at nanamantala lamang siya.
Isang halimbawa ng pagiging maalam ni Hesus tungkol sa tunay na nilalaman ng puso ng bawat tao ay ibinigay ng Ebanghelistang si Apostol San Juan sa unang bahagi ng Ebanghelyo. Nang makita ni Hesus ang mga nagtitinda at namimili sa loob ng Templo, nakita Niya ang kanilang mga tunay na intensyon. Nakita ni Hesus na hinahangad ng bawat mangangalakal sa Templo ang makakuha ng malaking kita mula sa kanilang mga paninda. Nakita ni Hesus na hinahangad ng mga namimili sa Templo na gampanan ang mga iniuutos sa kanila para lamang matapos iyon agad-agad at makabalik sa kanilang karaniwang pamumuhay. Nakita ni Hesus ang kawalan ng pagmamahal at paggalang sa Diyos sa kanilang mga puso't isipan.
Labis na ikinagalit at ikinalungkot ng Panginoong Hesus ang kawalan ng pagmamahal, paggalang, at pananalig sa Diyos sa puso ng mga taong naroroon sa Templo na kanila namang isinasagawa. Ang Diyos ay hindi na nila sinasamba't minamahal. Hindi na ang Diyos ang nasa sentro ng kanilang buhay. Hindi na totoo, sinsero, ang kanilang pagsamba't pagmamahal sa Diyos. Ang mga ritwal na hinihingi ng Kautusan na gawin ay ginagawa nga nila subalit hindi nila ito ginagawa nang taos-puso. Kaya, nawawalan ng saysay ang kanilang pagtupad at pagsunod sa mga ritwal na iniatasan ng Kautusan dahil hindi sinsero ang kanilang mga intensyon sa pagtupad sa mga ito. Hindi bukal sa kanilang kalooban ang kanilang pagtupad sa Kautusan, ang kanilang pagmamahal at pagsamba sa Panginoong Diyos, dahil iba na ang diyos na kanilang sinasamba't minamahal. Iba na ang nasa sentro ng kanilang buhay. Wala na ang Diyos sa sentro ng kanilang buhay.
Tumatalima nga sila sa mga utos ng Diyos, lalung-lalo na sa Sampung Utos ng Diyos na nakasaad sa Unang Pagbasa mula sa aklat ng Exodo (20, 1-17). Subalit, ang kanilang pagtalima't pagtupad sa mga ito ay sapilitan na lamang. Nakalimot sila sa tunay na layunin at diwa ng mga utos ng Diyos, lalung-lalo na ang Sampung Utos. Nakalimutan nila ang tunay na dahilan kung bakit ang Diyos ay nagbigay ng mga utos. Dahil diyan, ang kanilang pagsunod at pagtupad sa mga hinihingi ng Kautusan ay naging mga ritwal at gawaing hungkag.
Walang ibang ipinakita't ipinadama ng Diyos kundi ang Kanyang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob. Ang pinakadakilang gawa ng Diyos na nagpakita ng Kanyang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ay ang Kanyang kusang pagbaba mula sa langit at pagkakatawang-tao sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Kristo Hesus para sa kaligtasan ng lahat ng tao. Matapos gawin ng Diyos ang lahat para sa kaligtasan ng sangkatauhan, susuklian Siya sa ganitong pamamaraan?
Nakakalungkot isipin na patuloy itong nangyayari magpahanggang ngayon. Tinubos tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Hesus dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob sa atin. Inalay ni Kristo ang Kanyang buhay sa krus para sa ating kaligtasan upang ihayag sa lahat kung gaano tayo kahalaga sa paningin ng Diyos. Sabi nga ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang krus ni Kristo ay kanyang ipinangangaral, tulad ng iba pang mga apostol at mga misyonero (1, 23). Sapagkat sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Hesus, inihayag ang tagumpay ng dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos. Sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Hesus, iniligtas ang sangkatauhan. Subalit, bakit ganoon? Matapos Niya tayong tubusin sa pamamagitan ni Kristo dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, bakit mayroong mga pagkakataong ipinagpapalit natin ang Diyos bilang sentro ng ating buhay? Bakit nating hinahayaang maagawan ng puwesto ang Panginoong Diyos sa ating buhay, sa sentro ng ating buhay? Bakit hinahayaan nating maghari ang ibang mga bagay sa sentro ng ating buhay kaysa ang Diyos?
Marapat lamang na ang Diyos ay ating ibigin at sambahin nang buong puso't kaluluwa. Nararapat lamang na Siya ang maging sentro ng ating buhay. Siya lang ang dapat maghari sa ating puso't kalooban. Matapos ipakita ng Diyos ang Kanyang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob sa pamamagitan ni Kristo Hesus, nararapat lamang ibigay sa Kanya ang ating pagmamahal at pagsamba. Nararapat lamang na taos-pusong tayong tumalima't tumupad sa Kanyang mga utos. Sapagkat sa pamamagitan ng buong puso't kaluluwang pagtalima sa Kanyang mga utos, inihahayag natin ang ating pananalig, pagmamahal, at pagsamba sa Kanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento