26 Marso 2018
Lunes Santo
Isaias 42, 1-7/Salmo 26/Juan 12, 1-11
Ang Panginoong Diyos ay nagsalita tungkol sa Mesiyas sa Unang Pagbasa. Ang Mesiyas ay ang lingkod ng Diyos na Kanyang itataas. Ang kahulugan ng "Mesiyas" ay "Hinirang." Ang Mesiyas ay pinili't hinirang ng Diyos upang pairalin ang Kanyang katarungan at kagandahang-loob sa lahat. Siya ang magiging tanda ng dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos. Ang pagtupad ng Mesiyas sa misyong ibinigay sa Kanya nang buong kahinahunan at kababaang-loob ay kalulugdan ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagtupad ng misyon ng Mesiyas, nahayag ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa lahat.
Natupad ang pahayag na ito sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Dumating Siya sa lupa upang ihayag ang misteryo ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang misyon bilang Mesiyas at Manunubos. Ang Kanyang Pasyon at Muling Pagkabuhay ang naging sagisag ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Ang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos ang dahilan kung bakit Niya ipinasiyang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Hesus. Sa pamamagitan ng Mahal na Pasyon at Muling Pagkabuhay ni Hesus, nahayag ang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos na nagdulot ng ating katubusan.
Isinalaysay sa Ebanghelyo kung paanong inihayag ni Santa Maria ng Betania ang kanyang pag-ibig at pasasalamat para sa Panginoon. Nilagyan Niya ng pabango ang mga paa ng Panginoon. Ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa Panginoong Hesus para sa ginawa Niya sa kanyang kapatid na si Lazaro. Sa pamamagitan ng Kanyang pagbuhay kay Lazaro, ipinakita ni Hesus kung gaano Niya minahal ang Kanyang mga kaibigang mula sa Betania, ang magkakapatid na sina Lazaro, Maria, at Marta.
Nang makita ni Hesus ang ginawa ni Maria para sa Kanya, nakita Niya na taos sa puso ang kanyang pasasalamat at pagmamahal. Kaya, ipinagtanggol Niya si Maria mula sa mga batikos ni Hudas Iskariote. Nakita ni Hesus ang pagiging tapat at sinsero ni Maria sa kanyang ginawa. Batid ni Hesus ang dalisay na intensyon ni Maria sa pagbili ng mamahaling pabango upang pahiran sa Kanyang mga paa. Sa ganitong paraan niyang ipinakita ang kanyang pagmamahal, pagpuri, at pasasalamat kay Kristo, ang ipinangakong Tagapagligtas na kaloob ng Diyos.
Ang Diyos ay nararapat na pasalamatan para sa Kanyang dakilang pag-ibig. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, isinugo Niya ang Kanyang Bugtong na Anak na si Hesus upang maging ating Mesiyas at Manunubos. Sa pamamagitan ng Kanyang misyon bilang Mesiyas at Manunubos, inihayag ni Hesus ang dakilang pag-ibig ng Diyos na nagdulot ng ating kaligtasan. Kaya naman, tulad ni Maria, pasalamatan natin ang Diyos dahil ipinakita Niya sa atin kung gaano Niya tayo iniibig. Sa pamamagitan ng ating pasasalamat sa Panginoong Diyos, inihahayag natin ang ating pagmamahal at pagsamba sa Kanya. Napakarami ng mga pamamaraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos. Subalit, sa ating pasasalamat sa Diyos, dapat nating alalahanin na dapat ito'y maging taos sa puso at hindi palabas lamang. Si Mariang taga-Betania ay nagpakita ng taos-pusong pasasalamat sa Panginoon. Tulad niya, ipakita rin natin ang ating taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Panginoon na unang umibig sa atin nang lubos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento