25 Marso 2018
Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon (B)
Unang Bahagi - Ang Prusisyon ng mga Palaspas:
Marcos 11, 1-10 (o kaya: Juan 12, 12-16)

Ikalawang Bahagi - Ang Misa:
Isaias 50, 4-7/Salmo 21/Filipos 2, 6-11/Marcos 14, 1-15, 47 (o kaya: 15, 1-39)

Isang propesiya ukol sa mga huling sandali ng buhay ng Mesiyas ang inilahad ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa. Ayon sa propesiya, ang mga huling sandali ng buhay ng Mesiyas ay mapupuno ng matinding pagdurusa. Labis Siyang pahihirapan ng Kanyang mga kaaway. Siya'y bubugbugin, lilibakin, at papatayin nila nang walang kalaban-laban. Siya'y tulad ng isang maamong tupa sa harap ng matinding panganib, sa harap ng mga asong-gubat na nakahandang hulihin at lamunin ito. Kaawa-awa ang Mesiyas sa mga huling sandali ng Kanyang buhay dahil napakatindi ng pagdurusang haharapin Niya at hindi ito maiiwasan o mapipigilan.
Batid ni Hesus sa Kanyang pagpasok sa Herusalem na magiging karumal-dumal ang mga hirap at sakit na Kanyang dadanasin. Batid Niya na ang mga taong sumalubong at nagbigay-pugay sa Kanya habang sumisigaw ng "Osana sa Anak ni David! Pinagpala ang naparirito sa Ngalan ng Panginoon! Mabuhay!" ang siya ring sisigaw ng "Ipako sa krus!" pagkalipas ng ilang araw. Sa araw na Siya'y ihaharap ni Poncio Pilato sa kanila, Siya'y tatalikuran nila't itatakwil kasabay ng kanilang kahilingan na hayaan niya sila ang managot sa pagdanak ng Kanyang Dugo. Batid ng Panginoong Hesus na labis-labis ang pagdurusang haharapin Niya habang pumapasok Siya sa Herusalem na nakasakay sa isang asno.
Hindi tinakasan ni Hesus ang pagdurusa't kamatayan sa krus. Bagkus, hinarap Niya ito nang buong kababaang-loob. Kahit na bigyan Siya ng pagkakataong iwasan ang matinding pagpapakasakit at pagkamatay sa krus sa kamay ng Kanyang mga kaaway, hindi Niya ito sinamantala ang pagkakataong iyon. Bagkus, ganap na napagpasiyahan ni Hesus na tumalima at tupdin ang kalooban ng Ama. Ito ang inilarawan ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos. Sa halip na iwasan o takasan ang malagim na katapusan sa Kanyang buhay kapag Siya'y tumuloy sa Herusalem, pinili ni Hesus na tanggapin, harapin, at danasin ang mga iyon bilang pagtalima sa Ama.
Masakit para sa Diyos na masilayan mula sa Kanyang kaharian sa langit ang pagdurusa't kamatayang dinanas ng Kanyang Bugtong na Anak na si Hesus. Mula sa langit, ang Ama'y nagdanas ng matinding pait at hapis. Labis Siyang nasaktan at nagdalamhati dahil sa dinanas ng Kanyang Bugtong na Anak. Subalit, wala Siyang ginawa upang matigil ang malagim na pagdurusa't kamatayan ni Kristo. Ipinakita ng Diyos sa pamamagitan ng pagpahintulot sa pagdurusa't kamatayan ni Kristo sa krus kung gaano Niya iniibig ang sangkatauhan. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, ipinasiya ng Diyos na maging tao katulad natin (maliban sa kasalanan) at ialay ang Kanyang buhay sa krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Kristo Hesus.
Kaya naman, tinatawag na "Mahal na Araw" ang buong sanlinggong ito sapagkat ang linggong ito ay inilalaan ng Simbahan sa taimtim na pagninilay at paggunita sa misteryo ng dakilang pag-ibig ng Diyos na inihayag sa Misteryo Paskwal ng Panginoong Hesukristo. Dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos, ipinasiya Niyang bumaba mula sa langit at maging tao katulad natin sa pamamagitan ng Bugtong na Anak Niyang si Kristo Hesus upang tayo'y iligtas. Sa pamamagitan ng paghahain ng sarili ni Kristo Hesus sa krus para sa ating kaligtasan, nahayag ang hiwaga ng dakilang pag-ibig ng Diyos. Ang dakilang pag-ibig ng Diyos na inihayag ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang Misteryo Paskwal ang nagdulot ng ating kaligtasan.
Tunay ngang dakila ang pag-ibig ng Diyos! Kahit hindi Niya kinailangang bumaba mula sa langit at maging tao sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak, ginawa pa rin Niya ito sapagkat tayong lahat ay tunay nga Niyang iniibig. Ang Diyos ang nagmamahal sa atin nang tunay. Dahil sa Kanyang pag-ibig na tunay ngang dakila't walang kapantay, tayong lahat ay Kanyang iniligtas at pinalaya mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Mesiyas at Tagapagligtas na si Hesus.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento