29 Hunyo 2019
Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo
Mga Gawa 12, 1-11/Salmo 33/2 Timeoteo 4, 6-8. 17-18/Mateo 16, 13-19
Hindi biro ang pagiging apostol ni Kristo. Hindi biro ang bigat ng pananagutang kailangan nilang gampanan. Ang mga apostol ay pinili't hinirang ni Kristo upang ipangaral ang Magandang Balita sa iba't ibang panig ng daigdig. Mahirap na nga ang misyong ibinigay sa kanila ng Panginoon sapagkat kinailangan nilang maglibot sa iba't ibang bahagi ng daigdig upang maging Kanyang mga saksi. Magsasalita sila tungkol kay Kristo sa mga taong mula sa iba't ibang mga kultura.
Naranasan nina Apostol San Pedro at San Pablo. Alam nila kung gaano kabigat ang pananagutang iniatasan ng Panginoong Hesus sa mga apostol katulad nila. Kung tutuusin, mas mahirap ito para kay Apostol San Pedro sapagkat siya ang iniatasan ng Panginoong Hesukristo na maging unang Santo Papa ng Kanyang Simbahan, ang tampok na eksena sa salaysay sa Ebanghelyo. At sa kaso ni Apostol San Pablo, marami siyang pinuntahan. Napakalayo ng kanyang nilakbay mula Herusalem patungo sa iba't ibang bayan. Iyan ang ipinahiwatig ng kanyang mga sulat sa iba't ibang bayan tulad ng Roma, Corinto, Efeso, at iba pa.
Ipinahihiwatig sa mga Pagbasa ang mga paghihirap at pagsubok na kalakip ng misyon nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga saksi ni Kristo. Sa Unang Pagbasa, isinalaysay kung paanong si Apostol San Pedro ay binilanggo ni Herodes, ang hari noong kapanahunang yaon. Sabi pa sa unang bahagi na si Herodes rin ang nag-utos na pugutan ang ulo ni Apostol Santo Santiago na kapatid ni Apostol San Juan (12, 2). Nakatakas lamang si Apostol San Pedro mula sa bilangguang buong kahigpitang binantayan ng mga kawal ni Haring Herodes sa tulong ng Panginoon na nagpadala ng isang anghel upang tulungan siya makalabas mula sa bilangguan. At sa Ikalawang Pagbasa, ipinahiwatig ni Apostol San Pablo na marami siyang pinagdaanang hirap at pagsubok sa kanyang misyon bilang misyonero ni Kristo Hesus sa mga Hentil.
Ang pananagutang kinailangang gampanan nina Apostol San Pedro at San Pablo at ng iba pang mga kasama nilang apostol ay hindi biro. Hindi madaling tuparin ang tungkuling ibinigay sa kanila, lalung-lalo na't maraming hirap at pagsubok ang kanilang iniharap at tiniis sa bawat sandali ng kanilang misyon bilang apostol. Ang buhay nila ay hindi naging madali dahil sa kanilang misyon. Marami silang mga hinarap na pag-uusig sa kanila dahil may mga bayang hindi tumanggap sa kanila o sa kanilang ipinangaral. Ang kanilang pasiyang pumanig sa Panginoong Hesukristo ay hindi nangangahulugang magiging maginhawa ang buhay sa lupa. Ang pagsunod kay Hesus, ang pagpanig sa Kanya, at ang pagtupad sa Kanyang mga utos ay hindi isang simpleng gawain na maaaring gawin, kahit nakapikit ang mga mata. Sina Apostol San Pedro at San Pablo ang dalawa sa mga nagpapatunay ng katotohanang ito tungkol sa pagsunod kay Kristo Hesus.
Kung ipinasiya nating sumunod kay Hesus at tuparin ang Kanyang kalooban para sa bawat isa sa atin dahil iniisip nating giginhawa ang buhay natin dito sa daigdig, nagkamali tayo ng ipinasiya. Hindi mawawala ang lahat ng hirap at pagsubok sa buhay dito sa lupa kung susunod tayo kay Hesus. Nagkamali tayo ng akala kapag iyon ang nangyari. Hindi madali ang ipinagagawa ni Hesus sa ating lahat. Hindi madaling sumunod at manatiling tapat kay Hesus hanggang wakas.
Subalit, paano sila nanatiling tapat hanggang sa huli? Dahil sa awa ng Diyos. Ang awa ng Diyos ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang manatiling tapat sa kabila ng mga pag-uusig na kanilang dinanas. Kaya nila tiniis ang lahat ng hirap at pagsubok na kalakip ng kanilang misyon bilang mga saksi ni Kristo. Kaya sila naging matiyaga sa pagtupad ng misyong ibinigay sa kanila ni Kristo. Ang awa ng Diyos ang nagpalakas sa kanila. Dahil sa awa ng Panginoon, buong katapata nilang ipinagpatuloy ang pangangaral at pagsaksi kay Kristo Hesus. Sa kabila ng mga pag-uusig, ang mga apostol katulad nina Apostol San Pedro at San Pablo ay nanatiling tapat hanggang sa huli dahil sa awa at habag ng Panginoon
Maraming tiniis na hirap at pasakit sina Apostol San Pedro at San Pablo hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay dito sa lupa. Ang pangunahing dahilan nito ay ang kanilang pagtupad sa misyong ibinigay sa kanila ni Kristo Hesus. Hindi sila tinanggap dahil sa kanilang misyon bilang mga saksi ni Hesus. Maraming nagbanta laban sa kanila dahil sa kanilang pagsaksi kay Hesus. Hindi naging madali ang buhay para kina Apostol San Pedro at San Pablo, at pati na rin sa kanilang mga kapwa apostol at misyonero. Subalit, nanatili silang tapat sa misyon hanggang sa huli dahil sa awa ng Diyos. Dahil sa awa ng Diyos, patuloy nilang ginampanan ang pananagutang iniatas sa kanila hanggang sa kanilang pagkamatay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento