23 Hunyo 2019
Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (K)
Genesis 14, 18-20/Salmo 109/1 Corinto 11, 23-26/Lucas 9, 11b-17
Pinagtutuunan ng pansin sa mga Pagbasa para sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoong Hesukristo ang Kanyang papel bilang dakilang saserdote. Siya'y ipinakilala ng manunulat ng Sulat sa mga Hebreo bilang walang hanggang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec (5, 10). Paulit-ulit na ipinakilala si Hesus bilang dakilang saserdote sa Sulat na iyon. Bakit Siya ang dakilang saserdote? Sapagkat dakila ang Kanyang ginawa para sa lahat ng tao. Kusa Niyang inihandog ang Kanyang sarili nang buong kababaang-loob upang ang sangkatauhan ay maligtas. Sa pamamagitan nito'y nahayag ang Kanyang dakilang habag at kagandahang-loob. Tunay nga Siyang maawain at mahabagin.
Maraming pagkakataon kung saan si Hesus ay nagpakita ng habag at kagandahang-loob. Tulad na lamang ng Kanyang ginawa sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo kung saan limang-libong tao ang Kanyang pinakain, kahit na sila'y nasa isang ilang na lugar. Pinarami Niya ang limang tinapay at dalawang isda. Dahil sa dami ng mga tinapay at isda, nakapuno ng labindalawang bakol ang mga alagad nang mabusog ang lahat ng mga tao (9, 17). Dahil sa Kanyang habag, pinakain ni Hesus ang limang-libong katao. Subalit, walang makahihigit pa sa kusa Niyang pag-aalay ng buo Niyang sarili alang-alang sa sangkatauhan. Nahayag sa pag-aalay ng sarili ni Hesus ang kadakilaan ng Kanyang habag at kagandahang-loob.
Iyan ang ginugunita sa tuwing ipinagdiriwang ang Banal na Eukaristiya. Si Hesus, ang dakilang saserdote, ay naghandog ng buong sarili para sa kaligtasan ng lahat ng tao. Ibinigay Niya ang Kanyang Katawan at Dugo para sa ating kaligtasan. At sa salaysay sa Ikalawang Pagbasa, itinatag ni Hesus ang Banal na Eukaristiya. Ang Banal na Eukaristiya ay itinatag ni Hesus upang makapiling ang bawat tao. Siya, na naghandog ng Kanyang Katawan at Dugo para sa kaligtasan ng lahat, ay muling dumarating sa pagdiriwang ng Banal na Misa upang pawiin ang pagkagutom at pagkauhaw ng bawat Kristiyano. At ang pagkain at inuming ibinibigay ni Kristo Hesus sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya na ipinagdiriwang ng Simbahan sa bawat araw ay ang walang iba kundi ang Kanyang Katawan at Dugo. Hindi Siya nandadamot. Bagkus, Siya'y mapagbigay. Kusa Niyang ibinibigay ang Kanyang Katawan at Dugo. Iyan ang Panginoong Hesus. Tunay nga Siyang mahabagin at mapagbigay. Hindi madamot si Hesus.
Walang hanggan ang pagkapari ni Hesus. Sabi sa Salmo, "Ika'y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec" (109, 4bk). Si Melquisedec ay itinampok sa Unang Pagbasa. Maikli lamang ang paglalarawan sa kanya sa tampok na salaysay na ito. Siya ay ipinakilala "hari ng Salem at saserdote ng Kataas-taasang Diyos" (14, 18). Kung paanong si Melquisedec ay hari at saserdote, gayon din naman, si Hesus ay hari at saserdote. At ang pagkahari at pagkasaserdote ni Hesus ay walang katapusan. Si Hesus ay mananatiling hari at pari magpakailanman. Bilang hari at pari, patuloy na ibinubuhos ni Kristo Hesus ang Kanyang habag at kagandahang-loob. Hindi magmamaliw ang Kanyang habag at kagandahang-loob. Hindi Siya titigil sa pagpapakita ng Kanyang habag at kagandahang-loob na walang hanggan.
Sa tuwing ipinagdiriwang natin ang Banal na Eukaristiya, nakakapiling natin ang dakilang saserdoteng si Hesus. Ang Panginoong Hesus ay patuloy na dumarating sa ating piling sa pagdiriwang ng Banal na Misa upang tayo'y pakainin at inumin. Ang Kanyang Kabanal-banalang Katawan at Dugo ay patuloy Niyang ibinibigay sa atin bilang pagkain at inumin sa bawat pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya. At sa tuwing tinatanggap natin sa Banal na Misa ang Katawan at Dugo ni Kristo, patuloy Niyang ibinubuhos sa atin ang Kanyang habag at kagandahang-loob. Ang Kanyang habag at kagandahang-loob ay dumadaloy sa atin sa tuwing tinatanggap natin sa Pakikinabang ang Kanyang Kabanal-banalang Katawan at Dugo.
Tayong lahat ay tunay na mapalad sapagkat ang dakilang saserdoteng si Hesukristo ay tunay na mahabagin at mapagbigay. Hindi Siya nandadamot kailanman. Bagkus, patuloy Niyang ibinubuhos ang Kanyang habag at kagandahang-loob sa ating lahat. Sa pagdiriwang ng Banal na Misa, dumadaloy ang Kanyang habag at kagandahang-loob. Patuloy Niyang ibinubuhos ang Kanyang habag at kagandahang-loob na hindi magwawakas kailanman sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang Katawan at Dugo bilang pagkain at inumin sa Banal na Misa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento