30 Hunyo 2019
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
1 Hari 19, 16b. 19-21/Salmo 15/Galacia 5, 1. 13-18/Lucas 9, 51-62
Sa Ebanghelyo, inihayag ng Panginoong Hesus na Siya'y dumating sa lupa upang iligtas ang sangkatauhan. Ito'y matapos sinuhestiyon ng dalawa sa Kanyang mga alagad na sina Apostol Santo Santiago at San Juan na magpaulan ng apoy mula sa langit bilang parusa sa mga Samaritanong hindi tumanggap sa kanila. Itinuturo ni Hesus sa Kanyang mga alagad na Siya'y tunay na maawain sa lahat ng tao. Ang awa ni Hesus ay hindi lamang ay hindi lamang para sa lahat ng mga tumatanggap sa Kanya. Ang awa ng Panginoong Hesus ay para sa lahat. Nasa kamay na ng bawat tao ang desisyon kung tatanggapin ba nila ang biyayang ito na kusang ibinibigay ng Panginoong Hesukristo. Hindi Siya namimilit.
Iyan ang larawang binigyan ng pansin ni Apostol San Pablo sa pambungad ng kanyang pangaral sa Ikalawang Pagbasa. Si Hesus ay dumating sa sanlibutan upang palayain ang sangkatauhan. Ang bawat tao ay nakakapamuhay nang malaya dahil sa awa ni Kristo. Sa ano tayo pinalaya ni Kristo? Tayong lahat ay pinalaya ni Kristo mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay. Ang krus at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus ang naghayag ng Kanyang awa at habag sa sangkatauhan. Awa at habag. Iyan ang nag-iisang dahilan kung bakit ipinasiya ni Hesukristo na tayong lahat ay iligtas at palayain mula sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang dakilang Misteryo Paskwal, ang Kanyang kamatayan sa krus at Muling Pagkabuhay.
Bago pa man dumating ang Diyos sa daigdig sa pamamagitan ni Kristo Hesus, naihayag Niya ang Kanyang awa at habag. Isang napakagandang halimbawa nito ay ang tampok na salaysay sa Unang Pagbasa. Si Eliseo ay pinili't hinirang ng Diyos upang maging kahalili ni propeta Elias. Sa pamamagitan ng paghirang sa mga propetang katulad nina Elias at Eliseo sa Matandang Tipan, inihayag ng Diyos ang Kanyang awa at habag para sa Kanyang bayan. Pinili't hinirang ng Panginoong Diyos ang mga propeta sa Lumang Tipan upang maging Kanyang mga tagapagsalita sa Kanyang bayan. Ang paghirang at pagsugo Niya sa mga propeta sa Lumang Tipan ay naghayag ng Kanyang habag at awa sa Kanyang bayan.
Katulad ng Kanyang pagtawag sa isang tao sa Ebanghelyo, tayong lahat ay patuloy na tinatawagan ng Panginoon na maranasan ang biyaya ng Kanyang awa at habag. Tayong lahat ay tinatawag Niyang makibahagi sa Kanyang awa at habag. Tayong lahat ay tinatawag Niyang sumunod sa Kanya at iwanan ang lahat ng nauukol sa ating mga sarili. Sa pamamagitan ng pagtalikod sa sarili at pagsunod sa Panginoong Hesukristo nang buong puso't sarili, tinatanggap natin ang Kanyang paanyayang makibahagi sa Kanyang awa at habag na isang tunay na pagpapala.
Dagdag pa ni Hesus sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo, ang pagsunod sa Kanya ay hindi nangangahulugang magiging maginhawa ang buhay dito sa lupa para sa bawat isa. Maraming hirap at pagsubok ang haharapin ng bawat isang tumanggap sa paanyaya ni Hesus. Subalit, kung bukal sa ating mga puso't loobin ang ating pagtanggap sa tawag ni Hesus, tayong lahat ay mananatiling tapat sa Kanya. Ito ay dahil ang buong pusong pagtanggap sa paanyaya ni Hesus ay nangangahulugang tinatanggap at pinananaligan natin ang Kanyang awa't habag na nagdudulot ng lakas ng loob. Ang lakas ng loob na kaloob ng awa't habag ni Hesus ang tutulong sa atin na harapin at pagtagumpayan ang mga madidilim na sandali ng ating buhay dito sa lupa. Ang awa't habag ni Hesus na nagdudulot ng lakas ng loob ang tutulong sa atin na manatiling tapat sa Kanya hanggang wakas.
Tayong lahat ay tinatawag ng Panginoong Hesus na sumunod sa Kanya. Hindi ito nangangahulugang magiging maginhawa ang buhay natin dito sa lupa sa lahat ng oras. Subalit, kung susunod tayo sa Kanya, matatamasa nating lahat ang biyaya ng Kanyang awa at habag. Ang Kanyang awa at habag na tumubos at nagpalaya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay. Ang Kanyang awa at habag na nagbibigay sa atin ng lakas ng loob upang manatiling tapat sa Kanya sa mga madidilim na sandali ng buhay dito sa lupa. Kapag ang Panginoong Hesus ay ipinasiya nating sundan, inihahayag natin ang buong puso nating pagtanggap sa biyayang ito na nagmumula sa Kanya. Kapag iyan ang ating ginawa, ang buhay na walang hanggan sa piling ng Panginoong Hesus sa langit ay ating matatamasa sa paglisan natin sa daigdig na ito.

Image courtesy of ABS-CBN News |

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento