13 Hunyo 2019
Paggunita kay San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan
Huwebes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
2 Corinto 3, 15-4, 1. 3-6/Salmo 84/Mateo 5, 20-26
Kilala si San Antonio de Padua bilang Pintakasi ng mga Nawawalang Bagay. Kapag may mga nawawalang bagay, manalangin lamang kay San Antonio de Padua. Siya ang lapitan upang hingan ng tulong sa paghahanap sa mga bagay na iyon. Kapag iyon ang ginawa, tiyak ay matatagpuan na rin sa wakas ang mga bagay na iyon. Sa tulong ng mga panalangin ni San Antonio de Padua, ang mga nawawalang bagay ay mahahanap ng bawat isa.
Subalit, madalas na nakakalimutan ng karamihan na ang dakilang santong ito ay isang pantas ng Simbahan. Si San Antonio de Padua ay kilala rin para sa kanyang mga pangaral. Mahusay siyang magbigay ng mga pagninilay tungkol sa mga aklat sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan. Mahusay rin siyang magbigay ng paliwanag tungkol sa mga aral at doktrina ng Simbahan. Ginamit niya ang karunungang bigay ng Diyos sa kanya upang sumaksi sa Panginoong Hesukristo. At iyon naman talaga ang misyon ng Simbahan. Sumaksi kay Kristo Hesus.
Tulad ni Apostol San Pablo sa Unang Pagbasa, si San Antonio de Padua ay hinirang ng Diyos upang mangaral at magpatotoo sa Mabuting Balita tungkol sa pagtubos ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo. Si Hesus na nangaral tungkol sa pagtupad sa kalooban ng Diyos nang buong katapatan sa Ebanghelyo ay tumupad rin sa kalooban ng Ama para sa Kanya. Sa pamamagitan ng Kanyang pagtupad sa kalooban ng Ama, inihayag ni Hesus ang habag at kagandahang-loob ng Diyos para sa sangkatauhan. Iyan ang dahilan kung bakit si Hesus ay ipinagkaloob ng Diyos sa ating lahat upang maging ating Mesiyas at Manunubos. Iyan rin ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang mga santong katulad nina Apostol San Pablo at San Antonio de Padua. Ginawa ng Diyos ang lahat ng iyon dahil sa Kanyang habag, pag-ibig, at kagandahang-loob.
Si San Antonio de Padua ay naging tapat na instrumento ng Diyos. Ginamit niya ang biyayang kaloob sa kanya ng Diyos upang mangaral at magpatotoo tungkol kay Kristo. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga biyayang kaloob ng Diyos, ang bawat isa'y nagiging instrumento ng Diyos. At ang mga instrumento ng Diyos ay laging bukas sa pagtupad sa Kanyang kalooban.
Kung nais nating maging banal katulad ni San Antonio de Padua, kinakailangan nating buksan ang ating mga sarili sa kalooban ng Diyos. Kailangan nating maging handa sa pagtupad sa kalooban ng Diyos nang buong katapatan. Kailangan nating gamitin ang mga pagpapalang kaloob Niya sa atin upang bigyan ng kaluwalhatian ang Panginoon. Kailangan nating bigyan ng pahintulot ang Panginoong upang tayong lahat ay Kanyang magamit bilang Kanyang mga instrumento.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento