16 Hunyo 2019
Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (K)
Kawikaan 8, 22-31/Salmo 8/Roma 5, 1-5/Juan 16, 12-15
Ang pagkakaisa ng Banal na Santatlo ay hinding-hindi matitinag. Walang sandali kung saan ang pagkakaisa ng Banal na Santatlo ay natinag. Anuman ang mangyari, nananatiling matatag ang pagkakaisa ng Banal na Santatlo. At kung tutuusin, bago pa man nagsimula ang panahon, nandoon na ang Banal na Santatlo. Ang Banal na Santatlo ay magkasama na bago pa man nilikha ang daigdig. Ganyan katatag ang ugnayan at pagkakaisa ng Banal na Santatlo na ating sinasamba. Ang nag-iisang Diyos na binubuo ng Tatlong Persona - ang Ama, Anak, at Espiritu Santo - ay laging buo at matatag. Ang Banal na Santatlo ay laging nananatili at nagkakaisa. Iyan ang ating Diyos na binubuo ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. Laging nagkakaisa at nananatiling tapat at matatag. Kahanga-hanga ang pagkakaisa ng Diyos.
Sa Unang Pagbasa, ang Karunungan ng Diyos ay nagpatotoo tungkol sa Kanyang paglikha. Walang ibang naglikha sa Kanya kundi ang Panginoon. Ang iisang Diyos na binubuo ng Tatlong Persona - ang Ama, Anak, at Espiritu Santo. Siya lamang ang lumikha sa lahat ng bagay. Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay magkasama at magkasangga sa paglikha sa lahat ng bagay, kabilang na rito ang daigdig na ating tinitirhan nang pansamantala. Ang daigdig na ito na nilalakbayan ng bawat isa sa atin habang humihinga pa ay nilikha ng Diyos. Pati na rin ang ating hininga ay nagmula sa iisang Diyos na binubuo ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Binigyan ng pansin ni Apostol San Pablo sa kanyang pangaral sa Ikalawang Pagbasa ang pasiya ng Diyos na tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo. Ipinasiya ng Diyos na ang Anak na si Kristo Hesus ay pumanaog sa daigdig at maging tao katulad natin, maliban sa kasalanan, upang tayong lahat ay tubusin sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay. Kaya naman, ang bawat isa sa atin ay pinawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesus, gaya ng sinabi ni Apostol San Pablo sa pambungad ng Ikalawang Pagbasa.
Inihayag naman ni Hesus sa Ebanghelyo na darating ang Espiritu Santo pagsapit ng takdang panahon upang patnubayan ang mga apostol. At bilang Patnubay ng mga apostol, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa kanila tungkol sa lahat ng bagay na nagmumula kay Kristo (16, 14). Sa pamamagitan ng pamamatnubay ng Espiritu Santo, tinutulungan ng Diyos ang mga apostol. Ang mga apostol ay hinding-hindi pinabayaan ng Diyos kailanman sapagkat lagi nilang kasama ang Espiritu Santo sa bawat sandali ng kanilang misyon bilang mga saksi ni Kristo. Sa kasalukuyang kapanahunan, patuloy na pinapatnubayan ng Espiritu Santo ang Simbahan. Ang Diyos ay hindi nagpapabaya kailanman.
Malinaw ang pagkakaisa ng Banal na Santatlo. Nagkaisa ang Banal na Santatlo sa pagpasiyang likhain ang daigdig. Nagkaisa ang Banal na Santatlo sa pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesus. Nagkaisa ang Banal na Santatlo sa patuloy na pagbibigay ng pagtulong sa Simbahan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay laging nagkakaisa.
Tunay ngang nagkakaisa ang Diyos. Ang ugnayan ng nag-iisang Diyos na binubuo ng Tatlong Persona - ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, ay hindi mababali. Ang ugnayan ng Banal na Santatlo ay mananatiling matatag. Ang Banal na Santatlo ay laging mag-iibigan nang buong katapatan. Walang agawan ng kapangyarihan sa Banal na Santatlo. Walang paligsahan sa pagitan ng Tatlong Persona na bumubuo sa nag-iisang Diyos na makapangyarihan. Bagkus, ang ugnayan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo ay hindi magwawakas at hindi mapuputol. Mananatiling matibay ang ugnayan at samahan ng Banal na Santatlo magpakailanman. At ang ugnayang ito ay puspos ng pag-ibig at katapatan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento