21 Hulyo 2019
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Genesis 18, 1-10a/Salmo 14/Colosas 1, 24-28/Lucas 10, 38-42
Unahin ang Diyos. Iyan ang paksang pinagtuunan ng pansin sa mga Pagbasa. Ang dapat maging pangunahing prioridad sa ating buhay ay ang Panginoon. Nararapat lamang na Siya'y nasa sentro ng ating buhay. Hindi dapat maagawan ninuman o anumang bagay ang puwesto ng Diyos sa ating buhay. Ang Diyos ang dapat maging sentro ng ating buhay at wala nang iba pa.
Sa Unang Pagbasa, isinalaysay kung paanong ang Panginoong Diyos ay dumalaw kay Abraham. Noong siya'y dalawin ng Diyos, ibinigay ni Abraham ang buo niyang atensyon. Inasikaso niya ang Panginoong noong Siya'y dumalaw sa kanya. Inihayag naman ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ang kanyang galak dahil sa mga paghihirap na kanyang dinaranas alang-alang sa Panginoong Hesus. Ang lahat ng mga tiisin sa buhay ay buong puso niyang tinanggap dahil kay Kristo. Ikinagalak ni Apostol San Pablo ang bawat tiisin na kanyang binabata dahil si Kristo ang nasa sentro ng kanyang buhay. At sa Ebanghelyo, dinalaw ni Hesus ang magkapatid na Marta, Maria, at Lazaro. Ipinagtanggol ni Hesus ang pasiya ni Maria na maupo na lamang sa Kanyang paanan upang makinig sa Kanya. Katunayan, pinuri Niya ang dalawang magkapatid na babae dahil sa kanilang mga ipinakita. Una, si Marta para sa kanyang kasipagan sa paghahanda. At pangalawa, si Maria dahil pinili niyang makinig sa Panginoong Hesukristo.
Para kay Hesus, mas importante na maging sentro Siya ng buhay ng bawat isa. Siya ang dapat maging unang prioridad. Hindi Niya tinutulan ang kasipagang ipinakita ni Marta. Subalit, ang problema lamang kay Marta ay hindi niya alam kung ano ang dapat unahin. Para bang mas importante ang handaan kaysa kay Hesus. Naging sentro na ng kanyang atensyon ang handaan kaysa kay Hesus. Kaya, nakalimutan ni Marta sa mga sandaling iyon na sa Panginoong Hesus dapat sumentro ang kanyang oras at atensyon sa mga sandaling iyon. At lalo't higit sa bawat sandali ng kanyang buhay. Ang Panginoong Hesus ang dapat maging una.
Nakakalungkot isipin na may mga pagkakataon kung saang nakakalimutan nating isentro ang ating buhay sa Panginoon. May mga pagkakataon kung saang nasisilaw tayo sa pera. May mga pagkakataon kung saan tayo'y nasisilaw sa relasyon. May mga pagkakataon kung saan nasisilaw tayo sa kamunduhan. Ang daming bagay na ginagawa nating sentro ng ating buhay. Mga bagay na mawawala din naman balang araw. Mga magpapaligaya sa atin nang pansamantala. Nakakalungkot, hindi na ang Diyos ang sentro ng ating buhay kundi ang mga bagay dito sa mundo.
Wala namang problema sa pagiging mayaman. Wala ring problema sa pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga kaibigan at pamilya. Wala rin namang problema sa pagkakaroon ng kasintahan o asawa. Magkakaroon lamang ng malaking problema kapag tao o kayamanan na ang ginawang sentro ng buhay natin. Kapag sila na ang ginawa nating sentro ng ating buhay sa halip na ang Diyos, makatitiyak tayo na isang napakalaking problema ang ating haharapin.
Huwag nating ipagpalit ang Diyos sa sinuman o anumang bagay. Ibalik natin Siya sa sentro ng ating buhay. Ibigay sa Kanya ang nararapat. Ibigay natin sa Kanya ang buo nating puso't kaluluwa. Italaga natin ang ating mga sarili sa Kanya. Ang Diyos ang dapat maging una sa ating buhay. Sa Kanya dapat nakasentro ang buhay natin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento