4 Agosto 2019
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Mangangaral 1, 2; 2, 21-23/Salmo 89/Colosas 3, 1-5. 9-11/Lucas 12, 13-21
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ni Hesus ang talinghaga ng mayamang hangal. Ang aral o puntong nais iparating ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pagsalaysay ng talinghagang ito sa mga tao ay huwag isentro ang buhay sa mga kayamanan dito sa daigdig. Lalo't higit ang mga kayamanan at iba pang mga bagay dito sa daigdig ay lilipas lamang. Maglalaho ang lahat ng bagay dito sa daigdig. Kapag isinentro natin ang ating buhay sa mga bagay na iyan, mawawalan ito ng kabuluhan. Ang buhay na nakasentro sa mga bagay dito sa daigdig ay walang saysay.
Ang aral na tinalakay ni Kristo sa Ebanghelyo ay binigyan rin ng pansin sa Unang Pagbasa. Walang kabuluhan ang lahat ng gawain ng tao para sa kanyang sarili. Ang kanyang pagsusumikap at pamumuhanan ay walang saysay. Ang lahat ng gawin ng tao ay magdudulot lamang ng sakit at hinanakit. Para bang ipinapahiwatig na ang buhay dito sa lupa ay walang saysay.
Hindi naman pinatatamaan ng manunulat ng Unang Pagbasa ang kasipagan. Ang kasipagan ay napakahalaga. Subalit, nagiging problema lamang ito kapag ang bawat isa'y inuudyok na maging sakim. Kapag kasakiman na ang motibo ng bawat isa na maging masipag sa kanyang paghahanap-buhay at pagsusumikap, mababaluktot ang kanyang mga pananaw. Iisipin niyang kayamanan ang nagpapaikot sa daigdig. Para sa mga sakim, walang magpapakuntento sa kanila. Habang nabubuhay pa sila sa daigdig na ito, kailangan nilang paramihin ang kanilang yaman. Wala na silang ibang hinahangad kundi ang kamunduhan.
Isang halimbawa ng isang taong sakim ay ang mayamang hangal sa talinghaga ng Panginoong Hesukristo sa Ebanghelyo. Ang tanging hangarin ng mayamang hangal na ito ay pagyamanin ang kanyang sarili. Sarili lamang ang iniisip ng mayamang hangal na ito. Iniisip ng mayamang hangal na ito na umiikot sa mga yaman dito sa daigdig ang buhay. Isinentro niya ang kanyang buhay sa kanyang mga yaman. Kaya, ang kanyang buhay sa lupa ay walang kabuluhan, tulad ng pinagtuunan ng pansin sa Unang Pagbasa. Ang kanyang pagsusumikap at paghahanap-buhay ay walang kabuluhan dahil ipinagpalit niya ang Diyos sa mga bagay dito sa daigdig na lilipas lamang. Sa halip na isentro sa Panginoon ang kanyang buhay, isinentro niya ito sa mga kayamanang lilipas rin pagdating ng panahon.
Paano natin bibigyan ng kabuluhan ang ating buhay? Si Apostol San Pablo mismo ang sumagot sa tanong na ito sa Ikalawang Pagbasa. Sinabi niyang ang mga bagay na nauukol sa langit ang dapat nating isipin (3, 2). Isentro natin ang ating buhay sa Diyos. Isapuso't isaisip natin ang mga turo't aral ni Kristo. Talikdan at tutulan ang mga tukso't pang-aakit ng laman. Papasukin natin ang Panginoon sa ating buhay at iluklok Siya bilang hari ng ating mga buhay. Pairalin natin ang Kanyang kalooban. Kapag iyan ang ating ginawa, magiging makabuluhan ang ating buhay.
Magiging makabuluhan ang ating buhay kung ang Diyos lamang ay nasa sentro nito. Kapag Siya ang naghari sa ating mga puso, kapag pinahintulutan natin ang Diyos na tuparin ang Kanyang kalooban sa pamamagitan natin, magkakaroon ng saysay ang ating buhay. Kapag ang mga bagay dito sa daigdig, na maglalaho lamang pagdating ng panahon, ay ginawa nating hari ng ating buhay, sinasayang natin ang bawat sandali ng ating buhay. Sayang ang buhay natin kapag ang Panginoon ay wala sa sentro nito. Siya lamang ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating buhay. Kung ang Diyos ay wala sa sentro ng ating buhay, walang saysay ang ating buhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento