28 Hulyo 2019
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Genesis 18, 20-32/Salmo 137/Colosas 2, 12-14/Lucas 11, 1-13
May dalawang bahagi na bumubuo sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo. Sa unang bahagi ng Ebanghelyo, itinuro ni Hesus ang pinakamasikat na panalangin na mas kilala bilang "Ama namin". At sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo, itinuro ni Hesus ang kahalagahan ng pananalig kapag nananalangin sa Diyos. Sa dalawang bahaging ito, itinuro ni Hesus ang mga katangian ng panalangin. Ipinaliwanag rin Niya kung bakit napakahalaga ang pananalig sa panalangin. Para kay Hesus, hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang ito dahil ang panalangin ay naghahayag ng pananalig sa Diyos. Walang silbi ang panalangin ng isang tao sa Diyos kapag wala naman siyang taglay na pananalig sa kanyang puso. Sapagkat ang pananalig sa Panginoong Diyos ay nahahayag sa pamamagitan ng panalangin.
Kapag nanalangin ang isang tao, kinikilala niya ang Diyos. Ipinapakita ng bawat tao ang kanyang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Kaya, ang bawat isa'y nananalangin sa Diyos dahil nananalig silang tutugunan Niya ang mga ito. Sa pamamagitan ng pananalangin, kinikilala ng bawat tao ang presenya ng Diyos. Ang Diyos ay kinikilala nila. Kinikilala nila na ang Diyos ay tunay na buhay at hindi isang guni-guni o kathang-isip lamang. Ang Diyos ay tunay na buhay at patuloy na nabubuhay kailanman.
Ang temang ito ay tinalakay sa Salmo. "Noong ako ay tumawag, tugon Mo'y aking tinanggap" (137, 3a). Tampok sa mga katagang ito ang pananalig ng mang-aawit ng Salmo. Nanalig ang mang-aawit ng Salmo na tutugunan ng Panginoong Diyos ang kanyang panalangin. Iyan ang aral na nais iparating ng mang-aawit ng Salmo. Ang bawat isa sa atin ay dapat magtaglay ng pananalig sa ating mga puso kapag tayo'y nanalangin sa Diyos. Bakit pa tayo mananalangin sa Panginoon kung wala naman tayong pananalig sa Kanya? Ano pa ba ang silbi ng pananalangin sa Diyos kung hindi naman natin Siya pananaligan?
Tampok sa salaysay sa Unang Pagbasa ang isa sa mga pagkakataon kung saan inihayag ni Abraham ang kanyang pananalig sa Diyos. Ang kanyang pagtatanong sa Diyos ay hindi nagpapatunay ng kanyang pagdududa. Bagkus, inihayag ng kanyang mga katanungan sa Panginoon ang kanyang pananalig. Si Abraham ay nanalig na hindi pababayaan ng Panginoon na mapahamak ang mga matutuwid. Nanalig si Abraham na ililigtas ng Diyos ang kanyang kamag-anak na si Lot na noo'y nakatira sa Sodoma. Dahil sa kanyang pananalig, siya'y nanalangin nang buong kataimtiman para sa kaligtasan nina Lot at ng kanyang pamilya.
Sa Ikalawang Pagbasa, si Apostol San Pablo ay nagsalita tungkol sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay napakahalaga para sa lahat ng mga Kristiyano sapagkat iyan naman talaga ang tunay na kadahilanan kung bakit nga ba nila tinanggap ang Kristiyanismo. Sila'y naging Kristiyano dahil ipinasiya nilang ibigay ang kanilang pananalig sa Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit nagpasiyang magpabinyag ang mga sinaunang Kristiyano. Pinili nilang tanggapin ang Panginoon at manalig sa Kanya. Pinili nilang makipag-ugnayan sa Panginoon. Ipinasiya nilang dumulog at lumapit sa Panginoong Diyos. Iyan ay dahil Siya lamang ang kanilang maaasahan at pananaligan sa lahat ng oras. Hindi Siya nambibigo kailanman. Kaya, iyan ang kanilang ipinasiya.
Huwag nating kalimutan ang dahilan kung bakit tayo'y nananalangin. Tayong lahat ay nananalangin dahil nananalig tayo sa Panginoon. Manalig tayo na ang ating mga panalangin ay Kanyang tutugunan. Manalig tayo sa kabutihan at kagandahang-loob ng Diyos. Iyan ang aral ng panalangin. Ang ating pananalig sa Diyos ay nahahayag sa pamamagitan ng panalangin. Kaya, napakahalaga ang pananalig sa panalangin. Kapag tayo'y nanalangin, inihahayag natin na ang Diyos ay ating pinanaligan.
Kapag walang taglay na pananalig ang ating pagdulog sa Panginoong Diyos, hindi na iyan panalangin. Ngumangawa lamang tayo kapag iyon ang ating ginawa. Ang tunay na panalangin ay may kalakip na pananalig. Ang panalangin ay sumasalamin sa pananalig ng bawat Kristiyano sa Diyos. Kaya, ang pananalig ay napakahalaga sa panalangin. Sa ating pananalangin sa Diyos araw-araw, dapat nating taglayin sa ating mga puso ang ating pananalig sa Kanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento