22 Marso 2020
Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (A)
1 Samuel 16, 1b. 6-7. 10-13a/Salmo 22/Efeso 5, 8-14/Juan 9, 1-41 (o kaya: 9, 1. 6-9. 13-17. 34-38)
Ang Pambungad na Antipona para sa Misa ng Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma ay isang panawagan upang magalak. Ang mga salitang ito'y ginagamit sa Antipona sa simula ng Misa para sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma dahil ang araw na ito ay tinatawag na Linggo ng Laetare o Linggo ng Kagalakan. Habang tayo'y napapaloob pa rin sa panahon ng Kuwaresma, nananawagan ang Simbahan sa bawat isa na magalak. Ano naman ang dapat ikagalak ng bawat isa sa atin? Hindi ba puwedeng hintayin na lamang sumapit ang Pasko ng Muling Pagkabuhay? Bakit tila ang aga naman ng panawagang ito? Hindi ba masyado pang maaga?
Tinalakay sa mga Pagbasa ang dahilan kung bakit kinakailangang magalak ang bawat isa, kahit napapaloob tayo sa isang panahon ng pagpepenitensya. Kahit napapaloob ang Simbahan sa panahon ng Kuwaresma na inilalaan sa pagbabalik-loob sa Diyos, kinakailangan pa ring magalak ang bawat mananampalataya. Iyan ay dahil ang Diyos ay ang pinagmulan ng kagalakan. Siya ang naghahatid ng galak sa bawat isa sa atin. Ang kagalakan ay isang biyaya mula sa Panginoon.
Galak ang inihatid ng Panginoong Hesukristo sa lalaking ipinaganak na bulag sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo. Si Hesus ang tunay na liwanag. Binigyan Niya ang lalaking ipinanganak na bulag ng pagkakataong makakita. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay, ang lalaking ito ay nakakita ng liwanag at kulay dahil kay Kristo. Ang lalaking ipinanganak na bulag ay biniyayaan ng Panginoong Hesus ng pagkakataong makakita. Sa pamamagitan ng pagpapagaling sa lalaking bulag mula sa kanyang pagsilang sa daigdig, ang Panginoong Hesus ay naghatid ng kagalakan sa kanya at pati na rin sa kanyang mga magulang.
Sabi ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang bawat isa ay nasa panig ng liwanag dahil sila'y nasa panig ng Panginoon. Ang Panginoon ay ang tunay na liwanag. Tayong lahat ay Kanyang pinalaya mula sa pagkaalipin sa kadiliman. Ang bawat isa sa atin ay hindi na tumatahak sa kadiliman dahil tayo'y nasisinagan ng Panginoon, ang tunay na liwanag. Ang Panginoon ang nagligtas at nagpalaya sa atin mula sa kadiliman. Kaya, marapat lamang na magalak.
Hindi rin naiba ang ginawa ng Panginoong Diyos sa Unang Pagbasa. Siya'y pumili at humirang ng isang hari - si David na isang pastol. Si David ay hinirang ng Diyos upang maging hari ng bayang Israel. Sa pamamagitan nito'y binigyan ng Diyos ng galak ang bayang Israel. Hindi Niya nililimot ang Kanyang bayan.
Maganda rin ang Salmo para sa araw na ito. "Pastol ko'y Panginoong Diyos, hindi ako magdarahop" (Salmo 22, 1). Ang Panginoon ang kumakalinga at umaaruga sa bawat isa sa atin na bumubuo sa Kanyang kawan dito sa mundo. Sapat na ang Kanyang pagkalinga at pag-aruga sa atin. Wala na tayong hahanapin o aasam pa dahil ang Panginoon ang bahala sa atin.
Kagalakan ang hatid sa atin ng tunay na liwanag na si Kristo. Patuloy Niya itong ibabahagi sa atin. Magalak tayo sa Panginoon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento