IKALAWANG WIKA:
"Sinasabi Ko sa iyo: Ngayon di'y isasama Kita sa Paraiso."
(Lucas 23, 43)
Kapag narinig natin ang salitang "Paraiso", iniisip natin ang isang napakagandang lugar. Sa Paraiso, maginhawa ang buhay. Sa Paraiso, walang usok o polusyon. Sa Paraiso, may kulay at masarap ang buhay. Walang dumi sa Paraiso. Ang Paraiso ay isang napakalinis na lugar. Kay ganda ng buhay sa Paraiso.
Ang problema nga lamang, madalas na hinahanap ng mga tao ang Paraiso dito sa lupa. Nagpapakahirap ang bawat tao na mahanap ang Paraiso dito sa lupa. Bukod pa roon, madalas na ginagamit ang salitang "Paraiso" ng ilang mga negosyo o 'di kaya mga establisyemento upang akitin ang mga tao. Katunayan, mas madalas pa nga itong nakikita sa mga bakasyunan. "Experience paradise", ika nga ng marami.
Hindi mahahanap sa daigdig na ito ang Paraiso. Ang tunay na Paraiso ay wala sa daigdig na ito. Lakbayin man natin ang lahat ng mga bansa sa daigdig, hindi natin mahahanap ang tunay na Paraiso. Oo, maraming mga magagandang tanawin dito sa daigdig. Maraming mga magagandang lugar sa daigdig. Subalit, gaano pa mang kaganda ang ilang mga lugar sa daigdig na ito, hindi iyan ang tunay na Paraiso. At gaano pa mang kaganda ang daigdig na ito, na ating tinitirhan ngayon at lilisanin rin natin balang araw, hindi ito ang tunay na Paraiso.
Saan natin mahahanap ang tunay na Paraiso? May tunay bang Paraiso? Oo, may tunay na Paraiso. Ang tunay na Paraiso ay mahahanap sa langit. Ang kaharian ng Diyos sa langit ang tunay na Paraiso. Iyon lamang ang kaisa-isang Paraiso. Hindi mahihigitan o mapapantayan ang kagandahan at kalinisan sa Paraisong ito.
Napagtanto ng salaring nagbalik-loob na si Dimas ang katotohanang ito sa mga huling sandali ng kanyang buhay sa daigdig. Kaya naman, ang kanyang kahilingan kay Hesus habang siya'y nakapako sa krus kasabay Niya ay huwag siyang limutin sa Kanyang maluwalhating pagbalik sa Kanyang trono sa langit. Kinilala niya ang Panginoong Hesus bilang tunay na Hari. Kinilala niya ang Panginoong Hesukristo bilang Hari ng langit, ang tunay na Paraiso.
Paano tayo makakapasok sa tunay na Paraiso na ito? Habang nabubuhay pa tayo dito sa daigdig, pagsisihan natin at talikuran ang ating mga kasalanan. Hingin natin ang awa at kapatawaran ng Panginoon. Tandaan, walang dumi sa langit (Pahayag 21, 27). Buong kababaang-loob nating hilingin sa Panginoon na tayo'y linisin mula sa dungis ng ating mga kasalanan. Kapag iyan ang ating ginawa, matutulad tayo kay Dimas. Matatamasa natin ang biyaya at kaligayahan ng Paraiso.
Tunay ang Paraiso. Hindi ito gawa-gawa, guni-guni, o kathang-isip lamang. Totoo ngang may Paraiso. Ang kaharian ng Panginoong Diyos sa langit ay ang tunay na Paraiso. Kung hangad nating matamasa ang biyaya at kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa tunay na Paraiso, ang kaharian ng Diyos sa langit, hingin natin ang awa at habag ng Diyos nang buong kababaang-loob. Pahintulutan natin ang Diyos na tayo'y linisin mula sa dungis ng ating mga kasalanan. Tularan natin ang salaring si Dimas na inamin at pinagsisihan ang kanyang kasalanan nang buong kababaang-loob at kinilala si Kristo bilang tunay na Hari ng Paraiso. Kung iyan ang gagawin natin, matatamasa natin ang pangako ng Paraiso.
Maawain at mahabagin ang Panginoon. Inaalok Niya sa atin ang biyaya ng buhay na walang hanggan sa langit, ang tunay na Paraiso na hindi mahahanap sa lupa. Ipagkakaloob ng Panginoon ang pagpapalang ito sa atin kung tutularan natin ang kababaang-loob na ipinakita ni Dimas. Kung buong kababaang-loob nating pagsisisihan at tatalikuran ang ating mga kasalanan at hihingin ang Kanyang awa at habag, ihahatid Niya tayo sa tunay na Paraiso.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento