IKATLONG WIKA:
"Ginang, narito ang iyong Anak . . . Narito ang iyong Ina!"
(Juan 19, 26-27)
Sabi sa simula ng imnong Stabat Mater, "Ang Inang nangungulila / sa Anak n'yang nagdurusa / ay nasa tabi ng krus." Sa simula pa lamang ng imnong ito, inilarawan kung ano ang nararamdaman ng Mahal na Birheng Maria samantalang siya'y nasa paanan ng krus ng Panginoong Hesus. Hindi lamang siya napupuspos ng hapis, lungkot, at sakit sa mga sandaling yaon. Siya'y nangulila dahil kay Kristo Hesus, ang kanyang minamahal na Anak.
Ano ang ibig sabihin ng salitang "nangungulila"? Ang ibig sabihin ng salitang ito ay naghahangad. Kapag nangulila ang isang tao, hinahangad niya ang presensya ng kanyang minamahal. Nais niyang makapiling ang kanyang minamahal. Para bang hindi niya kaya mag-isa kapag wala ang kanyang iniirog. Ang tanging nais niya ay makasama ang kanyang minamahal.
Bihirang gamitin ang mga malalaim na salitang tulad ng "nangungulila," lalung-lalo na sa kasalukuyang panahon. Kapag hinahangad nating makapiling ang ating mga minamahal, lalung-lalo na ang mga nakatira sa mga malalayong lugar, sinasabi na lamang natin na "I miss you." Bihira na lamang natin maririnig ang mga malalim na salita, lalo't higit baka hindi na magkaintindihan ang mga magkasintahan. Kapag ginamit ang mga salitang katulad ng "nangungulila", baka hindi na magkaunawaan ang mga magkasintahan o 'di kaya mabaduyan yung isa sa kanila.
Ngayon, sa kaso ng Mahal na Inang si Maria, nangulila siya dahil kay Hesus. Ang kanyang minamahal na Anak na si Hesus ang dahilan ng kanyang pangungulila. Si Hesus na minamasdan niyang naghihingalo sa krus ay gusto niyang makapiling at makasama, lalung-lalo na sa mga sandaling yaon. Ang puso ni Maria ay nangulila para kay Kristo. Kahit sa mga sandali ng matinding hapis, wala siyang ibang ninais o hinangad kundi ang makasama si Kristo hanggang sa huli.
Hindi ininda ng Mahal na Birheng Maria ang hapis at sakit sa kanyang puso. Kahit napakasakit para sa kanya na masilayan ang pagkamatay ng kanyang Anak na si Kristo, pinili pa rin niyang makapiling ang kanyang Anak. Sa kabila ng paulit-ulit na paglibak at pagkutya ng mga tao, sa kabila ng hapdi at sakit na dulot ng sandaling ito sa kanyang buhay, pinili pa rin ni Maria na makapiling si Kristo sa Kalbaryo. Ang sakit dulot ng pagdurusa't kamatayan ni Hesus ay hindi naging hadlang para kay Maria. Walang nakapagpigil kay Maria na samahan si Hesus hanggang sa huli.
Iyan ang dahilan kung bakit ipinagkatiwala ni Hesus ang Kanyang Inang si Maria sa ating lahat na noo'y kinatawan ni Apostol San Juan sa paanan ng krus. Sinamahan ng Mahal na Birheng Maria ang Panginoong Hesukristo hanggang sa huli. Iyan ang hangad ng Panginoong Hesukristo para sa bawat isa sa atin na bahagi ng Kanyang Simbahan dito sa mundo. Nais ni Hesus na tayo'y samahan ni Maria hanggang sa kahuli-hulihan, tulad ng kanyang ginawa para sa kanyang Anak. Hindi ninanais ng Panginoong Hesus na isipin natin na tayo'y pinabayaan na mag-isa lamang.
Marami tayong kasama sa ating buhay. Ang Panginoon ay kasama natin sa bawat sandali ng ating buhay dito sa lupa. Kasama rin natin ang lahat ng mga anghel at banal sa langit na nananalangin para sa atin. At higit sa lahat, kasama rin natin ang ating Mahal na Inang si Maria. Sa hirap at ginhawa sa buhay, hindi tayo nag-iisa. Gaano mang kasakit ang ating pinagdadaanan, hindi tayo nag-iisa. Lagi nating kasama sa katahimikan ang Panginoon at ang Mahal na Ina, pati na rin ang lahat ng mga anghel at banal sa langit. Hindi tayo nag-iisa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento