16 Hulyo 2020
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen
Zacarias 2, 14-17/Lucas 1/Mateo 12, 46-50
Bundok del Carmen. Bundok ng Carmelo. Sa bundok na ito, naganap ang isang napakahalagang pangyayari na isinalaysay sa isa sa mga aklat sa Lumang Tipan, ang Unang Aklat ng mga Hari. Sa bundok na ito, ipinamalas ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan laban sa diyus-diyusang si Baal. Pinatunayan ng Panginoon na Siya lamang ang tunay na Diyos. Pinatunayan ng Panginoong Diyos na si Baal ay isa lamang huwad na diyus-diyusan. Tinugon ng Diyos ang panalangin ni propeta Elias. Siya'y tumugon sa pamamagitan ng apoy.
Tanging si propeta Elias lamang ang nanalangin sa Diyos samantalang ang diyus-diyusang si Baal ay may 450 propeta. Subalit, sa kabila ng dami ng mga propeta ng diyus-diyusang si Baal, walang nangyari sa kanilang panalangin. Napatunayang huwad at peke si Baal. Hindi na mahalaga kung gaano karami ang mga propeta ni Baal dahil hindi naman siya ang tunay na diyos. Ang tunay na Diyos ay walang iba kundi ang Panginoon na tumugon sa panalangin ni Elias sa pamamagitan ng apoy.
Ito rin ang nais pagtuunan ng pansin ng titulo ng Mahal na Birheng Maria na ating ginugunita sa araw na ito. Iisa lamang ang Diyos. Iyan ang aral na itinuturo sa atin ng Mahal na Patrona ng Orden Carmelitana na walang iba kundi ang Mahal na Birhen ng Bundok del Carmen. Iisa lamang ang tunay na Diyos. Wala nang ibang diyos kundi Siya lamang. Ang Panginoon ay ang tunay na Diyos. Mayroong Tatlong Persona na bumubuo sa iisang Diyos - ang Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Binigyan ng pansin sa mga Pagbasa ang pagiging malapit ng tunay na Diyos sa lahat. Kahit na Siya'y nasa langit, ang Kanyang Puso ay hindi malayo sa bawat isa. Malapit Siya sa bawat isa. Sa Unang Pagbasa, inihayag ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ni propeta Zacarias na Siya'y maninirahan at mananahan sa piling ng Kanyang bayan (2, 14). Sa pamamagitan ng mga salitang ito, inilarawan Niya ang hangarin Niyang mapalapit sa bawat isa. Hindi Siya nagpapakalayo mula sa bawat isa. Bagkus, pinili Niyang maging malapit sa bawat isa sa atin sa kabila ng ating mga kasalanan bilang tao. Ito rin ang binigyang-pansin ni Hesus sa Ebanghelyo. Si Hesus ay nagsalita tungkol sa pagiging bahagi ng Kanyang pamilya sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo. Ang mga salita ng Panginoon sa Ebanghelyo ay isang paanyaya sa bawat isa sa atin. Maging bahagi ng Kanyang pamilya. Paano natin ito magagawa? Sa pamamagitan ng pakikinig at pagsunod sa kalooban ng Diyos (Mateo 12, 50). Maliwanag sa mga salitang ito ni Kristo ang Kanyang hangarin na ang bawat isa sa atin ay maging bahagi ng pamilya ng Diyos.
Ang Mahal na Inang si Maria, ang Birhen ng Bundok del Carmen, ay naging bahagi ng pamilya ng Diyos dahil sinunod niya ang kalooban ng Diyos para sa kanya. Ang responsibilidad ng pagiging Ina ng Diyos na nagkatawang-tao na si Kristo Hesus ay buong kababaang-loob niyang tinanggap at sinunod. Iyan ang dahilan kung bakit siya itinatampok at pinaparangalan sa araw na ito.
Itinuturo sa atin ng Mahal na Birheng Maria, ang Birhen ng Bundok del Carmen, ang tunay na Diyos. Ang Diyos na nag-aanyaya sa bawat isa sa atin na maging bahagi ng Kanyang pamilya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento