19 Hulyo 2020
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Karunungan 12, 13. 16-19/Salmo 85/Roma 8, 26-27/Mateo 13, 24-43 (o kaya: 13, 24-30)
Ang mga Pagbasa ay tungkol sa mga pagkakataong ibinibigay ng Diyos sa bawat isa sa atin upang magbagong-buhay. Habang tayo'y nabubuhay dito sa daigdig, mayroon tayong pagkakataong magbago. Ang bawat isa sa atin ay binibigyan ng pagkakataon ng Diyos na baguhin ang ating mga sarili. Kahit na hindi tayo karapat-dapat sa biyayang ito, lagi pa rin Niya itong ibinibigay sa atin. Hangga't hindi pa tayo nalalagutan ng hinihinga, mayroon pa tayong pagkakataong baguhin ang ating buhay. Ang pagkakataong iyon ay patuloy na ibinibigay ng Diyos sa atin.
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ni Hesus ang talinghaga tungkol sa mabuting binhi at masasamang damo sa triguhan. Sa halip na ipabunot agad ang mga masasamang damo, ipinasiya ng may-ari ng ubasan sa talinghagang ito ni Kristo na hayaan na lamang ang mga ito na lumago kasama ang mga mabubuting binhi hanggang sa anihan. Oo, ang masasamang damo ay hindi magiging mabuting binhi kailanman, pero hindi iyon ang aral na nais iparating ng Panginoong Hesukristo. Ang aral na nais iparating ng Panginoong Hesus sa talinghagang ito ay maawain ang Diyos.
Kung paanong hinayaan ng may-ari ng ubasan sa talinghaga ni Hesus na lumago ang mga masasamang damo kasama ang mga mabubuting binhi, pinapahintulutan ng Diyos ang bawat isa sa atin na baguhin ang ating buhay habang mayroon pang panahon. Habang hindi pa tayo nalalagutan ng hininga, may pag-asa pa ang bawat isa upang magbagong-buhay.
Tinalakay rin ang paksang ito sa Unang Pagbasa at Ikalawang Pagbasa. Sa Unang Pagbasa, inilarawan kung paanong binibigyan ng Panginoong Diyos ang bawat isa ng pagkakataong makapagsisi at magbalik-loob sa Kanya. Sa Ikalawang Pagbasa, inilarawan ni Apostol San Pablo kung paano tayo tinutulungan ng Espiritu Santo sa ating kahinaan (Roma 8, 26). Tinutulungan tayo ng Diyos na magbagong-buhay. Lagi Siyang handang tumulong sa bawat isa sa atin.
Hindi kinikitil agad ng Diyos ang buhay ng bawat isa sa atin sa kabila ng ating mga kasalanan laban sa Kanya. Kung tutuusin, sa dami ng mga kasalanan natin laban sa Kanya, mayroon naman Siyang karapatang bawiin ang ating buhay agad-agad. Ilang ulit tayong nagkasala sa Kanya. Hindi na mabilang kung ilan na ang ating mga nagawang kasalanan. Subalit, sa halip na ikitil ang ating buhay agad-agad, patuloy Siyang nagbibigay ng pagkakataon sa bawat isa sa atin upang baguhin ang ating buhay. Tinutulungan rin Niya tayong baguhin ang ating buhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento