Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon
(Genesis 14, 18-20/Salmo 109/1 Corinto 11, 23-26/Lucas 9, 11b-17)
Gutom. Ito ang pagnanais ng pagkain ng pisikal. Kinakailangan nating kumain upang hindi tayo magutom. Mahalaga para sa ating mga tao ang kumain. Kailangan nating kumain upang maging malusog. Kailangan natin ang pagkain upang maging malakas. Sa pamamagitan ng pagkain, magagawa natin ang mga gusto at mga kinakailangan nating gawin.
Napakaraming pagkain ngayon. Alam po ninyo, tayong mga Pilipino, mahilig kumain. Hindi sapat para sa atin na kumain ng tatlong beses sa isang araw, diba? May ilan nga sa atin, nagmemerienda. Dalawa pa ata ang merienda natin sa isang araw. Baka naman, meron sa atin, kumakain sa hatinggabi. Ang tawag dito ay midnight snack. Ilan sa atin, kumakain ng apat, lima, o kaya anim na beses. Para bang matatakaw tayo.
May ilan sa atin na mapagbigay. Ilan sa atin ay mahilig magbigay. Tumutugon tayo sa pangangailangan ng iba, lalung-lalo na kung ang nangangailangan ay ang mga kaibigan natin. Tumutugon rin po tayo sa mga mahihirap. Binibigyan natin ng pansin ang kanilang gutom. Binibigyan natin ng pansin ang kanilang mga pangangailangan. Mga mabubuting gawa ang mga iyon.
Subalit, hindi po ba natin pinapansin na mayroong ibang uri ng gutom? Hindi po ba natin napapansin ang pagkagutom ng ating kaluluwa? Mayroon pong ibang uri ng gutom, at ito po ay ang gutom ng ating mga kaluluwa. Ang pisikal na pagkain ay hindi makakapagbusog dito.
Tingnan po natin, sa ating Mabuting Balita, nasa isang ilang na lugar ang Panginoon kasama ang mga tao. Nakikinig sa Panginoon ang mga taong nakapaligid sa Kanya. Nakikinig ang mga tao sa mga aral ng Panginoon tungkol sa Salita ng Diyos. Hindi lamang iyan. Tumugon Siya sa mga pangangailangan ng iba't ibang taong nakapaligid sa Kanya. Bago pinakain ng Panginoon ang mga tao, nagtuturo Siya tungkol sa Salita ng Diyos at pinapagaling Niya ang mga maysakit.
Napakahusay tumugon ang Panginoon sa mga pangangailangan ng mga taong iyon. Walang pasubali Niyang tinugon ang pangangailangan ng mga taong nakapaligid sa Kanya. Napakabait ng Panginoon. Isinasabuhay Niya ang mga tinuturo Niya tungkol sa paggawa ng mabuti. Sapagkat sabi nga Niya, "Hindi naparito ang Anak ng Tao upang paglingkuran, kundi upang maglingkod." Pinaglilingkuran Niya ang mga taong nasa paligid Niya.
Nang magdidilim na, sinabi ng mga alagad na pauwiin ang mga tao. Tandaan, ang lugar na iyon ay isang ilang na lugar. Malayo ang mga lugar na kung saan makakakuha ang mga tao ng pagkain. Wala rin silang matutuluyan. Isang ilang na lugar nga ito. Walang pagkain ang mga tao. Gutom na gutom sila. Walang mahahanap ang mga taong ito sa lugar na iyon.
Inutos ni Kristo sa mga alagad na pakainin nila ang mga tao. Ang pagkain na naroon lamang ay limang tinapay at dalawang isda. Napakaimposible sa unang tingin. Hindi mabubusog ang limanglibong tao sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawa isda. Paano nga ba mapapakain ng mga alagad ang mga tao? 'Di ba, mukhang imposible?
Si Hesus ay gumawa ng paraan. Gumawa Siya ng himala sa pamamagitan ng mga tinapay at isda. Nagpasalamat Siya sa Diyos Ama sa langit, at pinaghati-hati ang mga pagkain. Bigla na lamang dumami ang pagkain. Napakain ni Hesus sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda ang limanglibong tao. Nabusog ang lahat ng tao. Salamat kay Hesus. Gumawa Siya ng paraan upang mapakain at mabusog ang mga tao.
Ang problema natin ngayon ay marami sa atin ay mga KSP (Kulang sa Pansin). Mahilig natin kunin ang atensyon o pansin ng iba't ibang tao. Gusto natin pansinin tayo ng iba't ibang tao. Kaya, kung anu-ano na lamang ang sinasabi o ginagawa. Ang dahilan kung bakit napakarami sa atin ay mga KSP ay dahil sa inggit. Naiinggit tayo sa kapwa-tao. 'Di ba, isa sa mga Pitong Pangunahing Kasalanan ay inggit. Dapat, maging masaya para sa ating kapwa-tao.
Tumugon si Kristo sa pangangailangan ng Kanyang kapwa-tao. Dapat, ganyan rin po tayo. Dapat nating tumugon sa pangangailangan ng ating kapwa-tao. Huwag rin nating kalilimutan na tumugon rin tayo sa pangangailangan ng ating kaluluwa. Hindi lamang pampisikal ang gutom at uhaw. Meron ring pagkagutom at pagkauhaw ang ating mga kaluluwa.
Papaano natin mabubusog at mapawi ang uhaw ng ating kaluluwa? Makinig tayo kay Kristo Hesus. Tanggapin ang Katawan at Dugo ng Panginoong Hesukristo sa Banal na Eukaristiya. Makinig, at isabuhay ang mga turo ni Hesukristo sa atin. Sa pamamagitan nito, tinutugon natin ang pangangailangan ng ating mga kaluluwa.
Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” (Juan 6, 67-68)
Linggo, Hunyo 2, 2013
Linggo, Mayo 26, 2013
TATLO NGUNIT IISA
Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo - (K) - Puti
(Kawikaan 8, 22-31/Salmo 8/Roma 5, 1-5/Juan 16, 21-25)
Hayaan ko pong simulan ang pagbabahagi ko sa inyo ngayong Linggo ito sa pamamagitan ng isang biro na binasa ko sa Manila Bulletin sa column ni Fr. Bel San Luis, SVD.
May isang kwento tungkol sa isang babaing na nagdala ng napakaraming novenario sa Simbahan. Nang matagpuan siya ng pari, tinanong siya ng pari kung sino nga ba ang paborito niyang santo. Ang sagot ng babae na ang Mahal na Ina ang paborito niya sa lahat ng mga santo at banal, ngunit, nagugustuhan rin niya ang kanyang kapatid.
Aba'y nagtaka na ang pari. Wala namang nakasulat sa Biblia kung may kapatid na babae ba si Maria at kung ano ba ang pangalan noon. Kaya, tinanong ang babae ng pari, "Anong pangalan ng kapatid ng Mahal na Birheng Maria?" Alam po ba ninyo ang sagot ng babae? Ito ang sagot ng babae: "Santa Trinidad."
Walang sinasabi sa Bibliya kung may kapatid man si Maria o hindi. Kung meron, linawin niyo lamang po ako. I-PM ninyo ako sa Facebook o kaya i-email niyo ako sa aking e-mail account sa gmail. Baka hindi ko lang napansin. Si Maria ay may isang pinsan. Ang pinsan niya ay si Santa Isabel o mas kilala sa Biblia bilang Elisabet. Ngunit, ang Santa Trinidad naman, ito ang tawag sa Kabanal-banalang Santatlo.
Ipinapakita ng biro o kwento na ito na napakaraming mga nalilito tungkol sa misteryong ito ng ating pananampalataya. Napakalalim at napakahiwaga ang misteryo ng Banal na Santatlo. Kaya po napakahirap para sa mga pari ang magbigay ng homiliya para sa Linggong ito. Ito'y dahil sa hiwaga ng Santissima Trinidad. Sa halip, medyo nakakalito para sa mga tao ang misteryo ng Banal na Santatlo. Kaya nga, may ilang pari, pagkatapos basahin ang Ebanghelyo, diretsyo agad sa Kredo (biro lang po).
Marami pong ang mga nagsasabi na tatlong diyos ang sinasamba nating mga Katoliko. Ang tunay na sagot ng mga Katoliko ay hindi. Hindi tatlo ang diyos na sinasamba ng mga Katoliko. Sinasamba nating mga Katoliko ang tunay na Diyos. Wala kaming ibang diyos kundi ang iisa at natatanging Diyos lamang sa Langit. Ipinapaliwanag ko po, iisa lamang ang Diyos na sinasamba at binibigyan ng papuri't luwalhati.
Subalit, sa kabila nito, ang Diyos ay hindi nag-iisa. Sa iisang Diyos, tatlong persona ang bumubuo nito. Ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Silang tatlo ay tinatawag nating Banal na Trinidad. Tatlo man sila, ngunit iisa lamang ang katangian nila. At iyon ay ang pagka-diyos nila. Silang tatlo ay Diyos. Bagamat ang Diyos ay iisa lamang, tatlong persona ang bumubuo dito. At ang tatlong personang iyon ay tinatawag nating Banal na Trinidad.
Ang Diyos ay hindi nilikha. Sila'y sila na sa simula pa lamang. Ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo ay hindi nilikha. Wala silang simula at wala silang hangganan. Sila'y magpakailanman.
Ang Diyos Ama ang Unang Persona ng Banal na Trinidad. Siya ang makapangyarihan sa lahat, Siya ang maylikha ng lahat. Nilikha Niya ang langit at lupa. Nilikha Niya ang lahat ng uri ng hayop. Nilikha Niya ang kalikasan. At siyempre, nilikha tayong lahat ng Diyos Ama.
Ang Pangalang Persona ng Banal na Trinidad ay ang Diyos Anak. Siya ang ating Panginoong Hesukristo. Siya ang nag-iisang Bugtong na Anak ng Diyos. Siya ang Salita at ang Diyos na nagkatawang-tao lalang ng Espiritu Santo. Ipinanganak Siya ng Mahal na Birheng Maria. Siya'y nagpakasakit at namatay sa Krus alang-alang sa ating mga kasalanan. Noong sumapit ang ikatlong araw, Siya'y muling nabuhay. Umakyat Siya sa langit at nakaluklok na sa kanan ng Diyos Ama. Pagdating ng araw, huhukumin Niya ang lahat ng mga tao. Ito'y gaganapin sa Araw ng Paghuhukom.
Ang Pangatlong Persona ay ang Espiritu Santo. Siya ang Panginoon at ang nagbibigay-buhay. Siya ay ang ating Patnubay at Gabay. Ginagabayan tayo, pinapatnubayan tayo ng Espiritu Santo tungo kay Hesukristo at sa Diyos Ama. Hindi Siya gumagawa ng sariling katotohanan. Ituturo Niya ang katotohanan na itinuro na ng Panginoong Hesukristo na itinanggap Niya mula sa Diyos Ama.
Kaya nga, kapag ginagawa natin ang Tanda ng Krus, binabanggit natin ang mga pangalan ng Banal na Santatlo. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Ito'y binabanggit natin bago magsimula at magtapos ang pagdiriwang ng Banal na Misa. Ginagamit rin po ito sa iba't ibang mga sakramento. Ginagamit rin po natin ito bago at pagkatapos natin mag-Rosaryo, magdasal ng mga Dalangin ng Awa, at maraming iba pang mga panalangin.
Meron rin pong panalangin sa Banal na Trinidad. Ito'y dinarasal natin sa ilang mga panalangin, katulad ng Orasyon, Rosaryo, etc. Ang panalanging, "Luwalhati." Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang-hanggan.
Sa Ebanghelyo, mapapakinggan natin ang pamamaalam ni Kristo sa Kanyang mga alagad. Nalulungkot na ang mga alagad sapagkat ilang taon na nilang kasama ang Panginoon. Ngayon, maghihiwalay na sila. Ngunit, tinitiyak ni Kristo na hindi sila magiging mga ulila. Darating ang isang kasunod Niya. Ang magsisilbing gabay para sa mga alagad. Ang Espiritu Santo na Siyang Espiritu ng Katotohanan.
Ipapaalala ng Espiritu Santo sa mga alagad ang lahat ng mga sinabi sa kanila ng Panginoon. Makikinig muna sa Panginoon ang Espiritu Santo at ito nama'y uulitin ng Espiritu Santo sa mga alagad. Hindi mag-iimbento ng sarili o bagong katotohanan ang Espiritu Santo. Sa halip, ang katotohanan na ituturo ng Espiritu Santo muli sa mga alagad ay ang katotohanang itinuro na ni Hesus. Uulitin lamang ito ng Espiritu Santo upang maalala nila ang sinabi ni Kristo. At ang katotohanang tinanggap ni Kristo ay nagmula sa Diyos Ama.
Hindi humahanap ng parangal para sa sarili ang Espiritu Santo. Sa halip, humahanap ng parangal para kay Hesus ang Espiritu Santo. Ganyan rin si Hesus. Hindi parangal sa sarili ang nais Niya. Sa halip, parangal sa Ama ang nais Niya. Masdan natin kung gaanong mahal na mahal ng Banal na Santatlo ang isa't isa. Hindi sila nagkukumpitensya laban sa isa't isa. Sa halip, ang hinahanap nila ay parangal para sa isa't isa. Iyan ang tunay na pag-ibig. Iyan ang tunay na pagsasama. Iyan ang tunay na pagkakaisa. Iyan ang tunay na pagkakaugnay.
Noong si Hesus ay bininyagan, ang Espiritu Santo ay bumaba sa Kanya sa anyo ng kalapati. At isang tinig mula sa langit ay nagsabing, "Ito ang Aking Anak, na Aking kinalulugdan." Nangusap ang Diyos Ama. Ipinagmamalaki at ipinapakita ng Diyos Ama sa sanlibutan na si Hesus ang Kanyang Bugtong na Anak, ang Diyos Anak, ang ikalawang Persona sa Banal na Trinidad.
Noong nagbagong-anyo si Hesus, ang Diyos Ama ay nagsalita muli. Inuutusan na Niya ang mga alagad ni Hesus na makinig sa Kanya. Ito'y naganap habang kinausap ni Pedro si Hesus na manatili na lamang doon sa bundok na iyon. Nais ni Pedro na tumakas sa kalooban ng Diyos. Ngunit, si Hesus, ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. At ang kalooban ng Diyos - mamatay Siya para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
At noong si Hesus ay nakapako at naghihingalo sa Krus, humihingi Siya ng patawad mula sa Kanyang Ama para sa mga kasalanan na ginagawa laban sa Kanya. Tandaan, walang ginawang pagkakasala anuman ang Panginoon, ngunit, dahil sa pagmamahal Niya sa atin, humingi Siya ng tawad mula sa Ama. Iyon yung unang wika ng Siete Palabras. At sa ika-7 wika, isinusuko, ipinagkakatiwala, inihahabilin ni Kristo ang Kanyang Espiritu. Isinuko Niya ang lahat sa Diyos Ama.
Ganyan ang tunay at tamang paraan ng pagmamahal. Tularan natin ang Banal na Santatlo sa kanilang pagmamahal. Hindi nagkumpitensya ang Banal na Santatlo laban sa isa't isa. Sa halip, Sila ay nagmamahalan sa isa't isa. Ang pag-ibig ay mapagpakumbaba. Pagpapakumbaba. Ito ang pag-ibig na ipinapakita sa atin ng Banal na Trinidad. Kahit na makapangyarihan Silang Tatlo, hindi Nila ginagamit ito upang magtalo. Ginagamit nila ito sa tunay na pagmamahalan. Hindi lamang ang isa't isa ang minamahal nila, kundi minamahal nila ang kanilang mga nilikha.
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo:
kapara noong unang-una,
ngayon at magpakailanman,
at magpasawalang-hanggan.
Amen.
MALIGAYANG KAPISTAHAN NG SANTISSIMA TRINIDAD SA ATING LAHAT!!
(Kawikaan 8, 22-31/Salmo 8/Roma 5, 1-5/Juan 16, 21-25)
May isang kwento tungkol sa isang babaing na nagdala ng napakaraming novenario sa Simbahan. Nang matagpuan siya ng pari, tinanong siya ng pari kung sino nga ba ang paborito niyang santo. Ang sagot ng babae na ang Mahal na Ina ang paborito niya sa lahat ng mga santo at banal, ngunit, nagugustuhan rin niya ang kanyang kapatid.
Aba'y nagtaka na ang pari. Wala namang nakasulat sa Biblia kung may kapatid na babae ba si Maria at kung ano ba ang pangalan noon. Kaya, tinanong ang babae ng pari, "Anong pangalan ng kapatid ng Mahal na Birheng Maria?" Alam po ba ninyo ang sagot ng babae? Ito ang sagot ng babae: "Santa Trinidad."
Walang sinasabi sa Bibliya kung may kapatid man si Maria o hindi. Kung meron, linawin niyo lamang po ako. I-PM ninyo ako sa Facebook o kaya i-email niyo ako sa aking e-mail account sa gmail. Baka hindi ko lang napansin. Si Maria ay may isang pinsan. Ang pinsan niya ay si Santa Isabel o mas kilala sa Biblia bilang Elisabet. Ngunit, ang Santa Trinidad naman, ito ang tawag sa Kabanal-banalang Santatlo.
Ipinapakita ng biro o kwento na ito na napakaraming mga nalilito tungkol sa misteryong ito ng ating pananampalataya. Napakalalim at napakahiwaga ang misteryo ng Banal na Santatlo. Kaya po napakahirap para sa mga pari ang magbigay ng homiliya para sa Linggong ito. Ito'y dahil sa hiwaga ng Santissima Trinidad. Sa halip, medyo nakakalito para sa mga tao ang misteryo ng Banal na Santatlo. Kaya nga, may ilang pari, pagkatapos basahin ang Ebanghelyo, diretsyo agad sa Kredo (biro lang po).
Subalit, sa kabila nito, ang Diyos ay hindi nag-iisa. Sa iisang Diyos, tatlong persona ang bumubuo nito. Ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Silang tatlo ay tinatawag nating Banal na Trinidad. Tatlo man sila, ngunit iisa lamang ang katangian nila. At iyon ay ang pagka-diyos nila. Silang tatlo ay Diyos. Bagamat ang Diyos ay iisa lamang, tatlong persona ang bumubuo dito. At ang tatlong personang iyon ay tinatawag nating Banal na Trinidad.
Ang Diyos ay hindi nilikha. Sila'y sila na sa simula pa lamang. Ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo ay hindi nilikha. Wala silang simula at wala silang hangganan. Sila'y magpakailanman.
Ang Diyos Ama ang Unang Persona ng Banal na Trinidad. Siya ang makapangyarihan sa lahat, Siya ang maylikha ng lahat. Nilikha Niya ang langit at lupa. Nilikha Niya ang lahat ng uri ng hayop. Nilikha Niya ang kalikasan. At siyempre, nilikha tayong lahat ng Diyos Ama.
Ang Pangalang Persona ng Banal na Trinidad ay ang Diyos Anak. Siya ang ating Panginoong Hesukristo. Siya ang nag-iisang Bugtong na Anak ng Diyos. Siya ang Salita at ang Diyos na nagkatawang-tao lalang ng Espiritu Santo. Ipinanganak Siya ng Mahal na Birheng Maria. Siya'y nagpakasakit at namatay sa Krus alang-alang sa ating mga kasalanan. Noong sumapit ang ikatlong araw, Siya'y muling nabuhay. Umakyat Siya sa langit at nakaluklok na sa kanan ng Diyos Ama. Pagdating ng araw, huhukumin Niya ang lahat ng mga tao. Ito'y gaganapin sa Araw ng Paghuhukom.
Ang Pangatlong Persona ay ang Espiritu Santo. Siya ang Panginoon at ang nagbibigay-buhay. Siya ay ang ating Patnubay at Gabay. Ginagabayan tayo, pinapatnubayan tayo ng Espiritu Santo tungo kay Hesukristo at sa Diyos Ama. Hindi Siya gumagawa ng sariling katotohanan. Ituturo Niya ang katotohanan na itinuro na ng Panginoong Hesukristo na itinanggap Niya mula sa Diyos Ama.
Kaya nga, kapag ginagawa natin ang Tanda ng Krus, binabanggit natin ang mga pangalan ng Banal na Santatlo. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Ito'y binabanggit natin bago magsimula at magtapos ang pagdiriwang ng Banal na Misa. Ginagamit rin po ito sa iba't ibang mga sakramento. Ginagamit rin po natin ito bago at pagkatapos natin mag-Rosaryo, magdasal ng mga Dalangin ng Awa, at maraming iba pang mga panalangin.
Meron rin pong panalangin sa Banal na Trinidad. Ito'y dinarasal natin sa ilang mga panalangin, katulad ng Orasyon, Rosaryo, etc. Ang panalanging, "Luwalhati." Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang-hanggan.
Sa Ebanghelyo, mapapakinggan natin ang pamamaalam ni Kristo sa Kanyang mga alagad. Nalulungkot na ang mga alagad sapagkat ilang taon na nilang kasama ang Panginoon. Ngayon, maghihiwalay na sila. Ngunit, tinitiyak ni Kristo na hindi sila magiging mga ulila. Darating ang isang kasunod Niya. Ang magsisilbing gabay para sa mga alagad. Ang Espiritu Santo na Siyang Espiritu ng Katotohanan.
Ipapaalala ng Espiritu Santo sa mga alagad ang lahat ng mga sinabi sa kanila ng Panginoon. Makikinig muna sa Panginoon ang Espiritu Santo at ito nama'y uulitin ng Espiritu Santo sa mga alagad. Hindi mag-iimbento ng sarili o bagong katotohanan ang Espiritu Santo. Sa halip, ang katotohanan na ituturo ng Espiritu Santo muli sa mga alagad ay ang katotohanang itinuro na ni Hesus. Uulitin lamang ito ng Espiritu Santo upang maalala nila ang sinabi ni Kristo. At ang katotohanang tinanggap ni Kristo ay nagmula sa Diyos Ama.
Hindi humahanap ng parangal para sa sarili ang Espiritu Santo. Sa halip, humahanap ng parangal para kay Hesus ang Espiritu Santo. Ganyan rin si Hesus. Hindi parangal sa sarili ang nais Niya. Sa halip, parangal sa Ama ang nais Niya. Masdan natin kung gaanong mahal na mahal ng Banal na Santatlo ang isa't isa. Hindi sila nagkukumpitensya laban sa isa't isa. Sa halip, ang hinahanap nila ay parangal para sa isa't isa. Iyan ang tunay na pag-ibig. Iyan ang tunay na pagsasama. Iyan ang tunay na pagkakaisa. Iyan ang tunay na pagkakaugnay.
Noong si Hesus ay bininyagan, ang Espiritu Santo ay bumaba sa Kanya sa anyo ng kalapati. At isang tinig mula sa langit ay nagsabing, "Ito ang Aking Anak, na Aking kinalulugdan." Nangusap ang Diyos Ama. Ipinagmamalaki at ipinapakita ng Diyos Ama sa sanlibutan na si Hesus ang Kanyang Bugtong na Anak, ang Diyos Anak, ang ikalawang Persona sa Banal na Trinidad.
Noong nagbagong-anyo si Hesus, ang Diyos Ama ay nagsalita muli. Inuutusan na Niya ang mga alagad ni Hesus na makinig sa Kanya. Ito'y naganap habang kinausap ni Pedro si Hesus na manatili na lamang doon sa bundok na iyon. Nais ni Pedro na tumakas sa kalooban ng Diyos. Ngunit, si Hesus, ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. At ang kalooban ng Diyos - mamatay Siya para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Ganyan ang tunay at tamang paraan ng pagmamahal. Tularan natin ang Banal na Santatlo sa kanilang pagmamahal. Hindi nagkumpitensya ang Banal na Santatlo laban sa isa't isa. Sa halip, Sila ay nagmamahalan sa isa't isa. Ang pag-ibig ay mapagpakumbaba. Pagpapakumbaba. Ito ang pag-ibig na ipinapakita sa atin ng Banal na Trinidad. Kahit na makapangyarihan Silang Tatlo, hindi Nila ginagamit ito upang magtalo. Ginagamit nila ito sa tunay na pagmamahalan. Hindi lamang ang isa't isa ang minamahal nila, kundi minamahal nila ang kanilang mga nilikha.
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo:
kapara noong unang-una,
ngayon at magpakailanman,
at magpasawalang-hanggan.
Amen.
MALIGAYANG KAPISTAHAN NG SANTISSIMA TRINIDAD SA ATING LAHAT!!
Linggo, Mayo 19, 2013
HALINA ESPIRITU SANTO!
Mayo 19, 2013 - Linggo ng Pentekostes - (K) - Pula
(Mga Gawa 2:1-11/Salmo 103/1 Korinto 12:3b-7, 12-13)
Juan 20:19-23 (o kaya: Juan 14:15-16, 23b-26)
Maligayang Kaarawan! Alam po ba ninyo kung bakit binabati ko ang lahat ng maligayang kaarawan? Binabati ko ang lahat ng maligayang kaarawan dahil ngayon po ay ang kaarawan ng ating Simbahan. Sa pagdiriwang natin ng Linggo ng Pentekostes, nagsimula ang misyon ng mga apostoles. Sinisimulan ng mga alagad ang misyon na ibinigay sa kanila ng Panginoong Hesukristo. At ano ang misyon na iyon? Ang misyon nila ay ipahayag ang Mabuting Balita at maging mga saksi ni Hesukristo sa bawat sulok ng daigdig.
Ang ating Unang Pagbasa ay ang salaysay ng Pentekostes. Isinalaysay ni San Lukas sa Unang Pagbasa kung paanong naghintay ang mga alagad para sa pangakong susuguin ng Diyos Ama sa ngalan ng Diyos Anak. Ang Diyos Espiritu Santo. Nagkatipon ang mga alagad sa isang lugar, at hinintay nila na manaog sa kanila ang Espiritu Santo. At nangyari nga, ang Banal na Espiritu ay nanaog sa kanila sa pamamagitan dilang apoy. Pinuspos silang lahat ng Banal na Espiritu.
Noong lumabas ang mga alagad, nagsasalita na sila ng iba't ibang wika. Nagulat na nga ang mga dayo roon sa Herusalem. Bakit? Sapagkat alam ng mga Hudyo na ang mga ito ay mga taga-Galilea. Sila ay mga mangingisda lamang mula sa Galilea. Ngunit, imbes na ang wika nila ang lumalabas mula sa bibig nila, iba't ibang wika ng mga dumarayo sa Herusalem ang lumalabas mula sa bibig nila. Kataka-taka. Kamangha-mangha. Naiintindihan ng mga dayo ang mga sinasabi ng mga alagad. Alam nila na pinupuri ng mga alagad ang Diyos sa iba't ibang wika nila.
Nagtataka tuloy ang mga tao. Imposible na nakapagsalita ng ganitong mga wika ang mga alagad. Mga mangingisda lamang sila. Nagulat sila sa biyaya at pagpapala ng Diyos na ipinagkaloob sa kanila. Ang mga alagad ay nagkaroon ng karunungan. Ang karunungan ng mga alagad ay nagmula at ipinagkaloob ng Espiritu Santo. Sa tulong at gabay ng Espiritu Santo, nakapagsasalita ang mga alagad ng napakaraming wika na nakakagulat para sa mga nandoon.
Isa sa mga kaloob ng Espiritu Santo ay ang karunungan. Karunungan ng tama o mali, karunungan ng iba't ibang wika, karunungan tungkol sa lahat ng bagay at marami pang iba. Hindi lamang isa ang mga kaloob ng Espiritu Santo, kundi pito. Pitong biyaya ang kaloob ng Espiritu Santo. Anu-ano ang mga pitong biyayang ito? Una, ang karunungan. Pangalawa, ang kaalaman. Pangatlo, ang kaunawaan. Pang-apat, kahatulan. Pang-lima, kabanalan. Pang-anim, lakas ng loob. At ang pang-pito, Banal na Takot sa Diyos.
Lahat ng ito'y ipinagkaloob sa mga alagad. Tinanggap naman ito ng mga alagad. Kinailangan ng mga alagad ang mga biyayang ito para sa kanilang misyon. Ang kanilang misyon ay ipangaral ang Mabuting Balita ng Panginoon at sumaksi kay Kristo dito sa lupa. Mahirap ang misyon ito para sa mga alagad, ngunit, kasama nila ang Espiritu Santo na pumapatnubay sa kanila sa kanilang buhay-misyonero. Nagkaroon sila ng mga pusong misyonero. Sila, mula noong araw na iyon, ay naging mga misyonerong isinugo ni Kristo. Ang misyon ng mga alagad ay para sa ikaluluwalhati ng Diyos. Kaya, buong puso't kaluluwa ipapapahayag ang Mabuting Balita at sumaksi sa Panginoong Hesukristo.
Ipinagkakaloob rin ito ng Espiritu Santo ang mga biyayang ito sa atin. Ang problema nga lamang, paminsan-minsan, inaabuso natin ang biyayang ito. Ginagamit natin ang biyayang ito sa mali. Ang mga biyayang kaloob ng Espiritu Santo, ginagamit dapat sa tama, hindi sa mali. Mga halimbawa lamang ng pag-aabuso sa mga kaloob ng Espiritu Santo. Ginagamit ang talino, ang karunungan, upang magyabang, upang maliitin ang kapwa-tao, at baka pa naman, maliitin ang Diyos. Naku po, Diyos ko po, pang-aabuso na iyan. Hindi para doon ang kalooban at pagpapala ng Diyos.
Isa pa, ang lakas ng loob. Mayroon nga, ilan sa atin, ginagamit ang lakas ng loob upang mag-rebelde, sumuway, maghimagsik sa mga kautusan, lalung-lalo na ang Utos ng Diyos. Ang lakas ng loob ay ginagamit upang panindigan ang katotohanan, ang tama. Hindi ito upang maging matigas-ulo, maghimagsik, mag-rebelde, o kaya sumuway sa batas. Kung matigas ang mga ulo at puso natin, paano natin masusundan ang batas ng pamilya, ng pamahalaan, o kaya ang Batas ng Diyos? Paano natin magagawang sundan ito kung matigas-ulo tayo?
Ang pag-aabuso sa mga pagpapala't biyayang kaloob ng Diyos ay hindi nais ni Hesus. Ang nais ni Hesus na gawin sa mga biyayang ito ay gamitin para sa tama. Binibigyan tayo ng kakayanan ng Diyos upang gumawa ng mabuti. Hindi tayo dapat maging abusado sa mga pagpapalang ito. Sa halip, gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Panginoon sa atin nang tama. Sa gayon, maipapahayag natin ang ating pananampalataya sa Diyos sa isip, salita, at gawa.
Sa mundo ngayon, uso na po ang mga makabagong teknolohiya. Sa tulong ng makabagong teknolohiya, makakapag-unay pa rin tayo sa mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Iba pa nga sa atin, ginagamit ang modernong teknolohiya upang maglaro sa internet. Ginagamit natin ang mga social networking sites katulad ng Facebook, Twitter, Instagram, etc. Ngunit, paano kaya, kung pwede ring gamitin ang makabagong teknolohiya upang ipahayag ang Salita ng Diyos? Ako pa nga, kahit 14 na taong gulang pa lang ako, ginagamit ko ang aking Facebook at ang blog na ito upang maipahayag ang Salita ng Diyos. Ginagamit ko ang mga social networking sites upang makapagnilay tayo sa Salita ng Diyos linggo-linggo. Hamon ko lamang po, gamitin natin ang makabagong teknolohiya upang ipahayag ang Salita ng Diyos.
Isang misyon para sa atin ngayon ang maging mga saksi ng Mabuting Balita. Kaya, atin pong ipahayag ang Salita ng Diyos sa makabagong panahon ngayon. Paano? Sa pamamagitan ng isip, wika, at gawa, maipapahayag natin ang Salita ng Diyos at magamit natin sa mabuti ang mga biyayang kaloob sa atin ng Espiritu Santo. Kaya po, mga kapanalig, atin pong ipahayag ang Salita ng Diyos sa makabagong panahon ngayon. Ito nga ay isang misyon para sa ating mga misyonerong Katoliko. Ipahayag ang ating pananampalataya sa Diyos at maging mga saksi ni Hesukristo sa panahon natin ngayon.
Halina, Espiritu Santo at tulungan Mo po kaming lahat, mga misyonerong Katoliko, sa aming pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa bagong panahon. Tulungan Mo rin pong huwag maging mga abusado kami sa mga pagpapalang ipinagkaloob Mo sa amin. Bagkus, magamit namin para sa kabutihan ang mga biyayang kaloob Mo sa amin. Gabayan Mo rin kami sa aming paglalakbay bilang mga misyonerong sumasaksi kay Kristo sa mundo ngayon. Amen.
(Mga Gawa 2:1-11/Salmo 103/1 Korinto 12:3b-7, 12-13)
Juan 20:19-23 (o kaya: Juan 14:15-16, 23b-26)
Maligayang Kaarawan! Alam po ba ninyo kung bakit binabati ko ang lahat ng maligayang kaarawan? Binabati ko ang lahat ng maligayang kaarawan dahil ngayon po ay ang kaarawan ng ating Simbahan. Sa pagdiriwang natin ng Linggo ng Pentekostes, nagsimula ang misyon ng mga apostoles. Sinisimulan ng mga alagad ang misyon na ibinigay sa kanila ng Panginoong Hesukristo. At ano ang misyon na iyon? Ang misyon nila ay ipahayag ang Mabuting Balita at maging mga saksi ni Hesukristo sa bawat sulok ng daigdig.
Ang ating Unang Pagbasa ay ang salaysay ng Pentekostes. Isinalaysay ni San Lukas sa Unang Pagbasa kung paanong naghintay ang mga alagad para sa pangakong susuguin ng Diyos Ama sa ngalan ng Diyos Anak. Ang Diyos Espiritu Santo. Nagkatipon ang mga alagad sa isang lugar, at hinintay nila na manaog sa kanila ang Espiritu Santo. At nangyari nga, ang Banal na Espiritu ay nanaog sa kanila sa pamamagitan dilang apoy. Pinuspos silang lahat ng Banal na Espiritu.
Noong lumabas ang mga alagad, nagsasalita na sila ng iba't ibang wika. Nagulat na nga ang mga dayo roon sa Herusalem. Bakit? Sapagkat alam ng mga Hudyo na ang mga ito ay mga taga-Galilea. Sila ay mga mangingisda lamang mula sa Galilea. Ngunit, imbes na ang wika nila ang lumalabas mula sa bibig nila, iba't ibang wika ng mga dumarayo sa Herusalem ang lumalabas mula sa bibig nila. Kataka-taka. Kamangha-mangha. Naiintindihan ng mga dayo ang mga sinasabi ng mga alagad. Alam nila na pinupuri ng mga alagad ang Diyos sa iba't ibang wika nila.
Nagtataka tuloy ang mga tao. Imposible na nakapagsalita ng ganitong mga wika ang mga alagad. Mga mangingisda lamang sila. Nagulat sila sa biyaya at pagpapala ng Diyos na ipinagkaloob sa kanila. Ang mga alagad ay nagkaroon ng karunungan. Ang karunungan ng mga alagad ay nagmula at ipinagkaloob ng Espiritu Santo. Sa tulong at gabay ng Espiritu Santo, nakapagsasalita ang mga alagad ng napakaraming wika na nakakagulat para sa mga nandoon.
Isa sa mga kaloob ng Espiritu Santo ay ang karunungan. Karunungan ng tama o mali, karunungan ng iba't ibang wika, karunungan tungkol sa lahat ng bagay at marami pang iba. Hindi lamang isa ang mga kaloob ng Espiritu Santo, kundi pito. Pitong biyaya ang kaloob ng Espiritu Santo. Anu-ano ang mga pitong biyayang ito? Una, ang karunungan. Pangalawa, ang kaalaman. Pangatlo, ang kaunawaan. Pang-apat, kahatulan. Pang-lima, kabanalan. Pang-anim, lakas ng loob. At ang pang-pito, Banal na Takot sa Diyos.Lahat ng ito'y ipinagkaloob sa mga alagad. Tinanggap naman ito ng mga alagad. Kinailangan ng mga alagad ang mga biyayang ito para sa kanilang misyon. Ang kanilang misyon ay ipangaral ang Mabuting Balita ng Panginoon at sumaksi kay Kristo dito sa lupa. Mahirap ang misyon ito para sa mga alagad, ngunit, kasama nila ang Espiritu Santo na pumapatnubay sa kanila sa kanilang buhay-misyonero. Nagkaroon sila ng mga pusong misyonero. Sila, mula noong araw na iyon, ay naging mga misyonerong isinugo ni Kristo. Ang misyon ng mga alagad ay para sa ikaluluwalhati ng Diyos. Kaya, buong puso't kaluluwa ipapapahayag ang Mabuting Balita at sumaksi sa Panginoong Hesukristo.
Ipinagkakaloob rin ito ng Espiritu Santo ang mga biyayang ito sa atin. Ang problema nga lamang, paminsan-minsan, inaabuso natin ang biyayang ito. Ginagamit natin ang biyayang ito sa mali. Ang mga biyayang kaloob ng Espiritu Santo, ginagamit dapat sa tama, hindi sa mali. Mga halimbawa lamang ng pag-aabuso sa mga kaloob ng Espiritu Santo. Ginagamit ang talino, ang karunungan, upang magyabang, upang maliitin ang kapwa-tao, at baka pa naman, maliitin ang Diyos. Naku po, Diyos ko po, pang-aabuso na iyan. Hindi para doon ang kalooban at pagpapala ng Diyos.
Isa pa, ang lakas ng loob. Mayroon nga, ilan sa atin, ginagamit ang lakas ng loob upang mag-rebelde, sumuway, maghimagsik sa mga kautusan, lalung-lalo na ang Utos ng Diyos. Ang lakas ng loob ay ginagamit upang panindigan ang katotohanan, ang tama. Hindi ito upang maging matigas-ulo, maghimagsik, mag-rebelde, o kaya sumuway sa batas. Kung matigas ang mga ulo at puso natin, paano natin masusundan ang batas ng pamilya, ng pamahalaan, o kaya ang Batas ng Diyos? Paano natin magagawang sundan ito kung matigas-ulo tayo?
Sa mundo ngayon, uso na po ang mga makabagong teknolohiya. Sa tulong ng makabagong teknolohiya, makakapag-unay pa rin tayo sa mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Iba pa nga sa atin, ginagamit ang modernong teknolohiya upang maglaro sa internet. Ginagamit natin ang mga social networking sites katulad ng Facebook, Twitter, Instagram, etc. Ngunit, paano kaya, kung pwede ring gamitin ang makabagong teknolohiya upang ipahayag ang Salita ng Diyos? Ako pa nga, kahit 14 na taong gulang pa lang ako, ginagamit ko ang aking Facebook at ang blog na ito upang maipahayag ang Salita ng Diyos. Ginagamit ko ang mga social networking sites upang makapagnilay tayo sa Salita ng Diyos linggo-linggo. Hamon ko lamang po, gamitin natin ang makabagong teknolohiya upang ipahayag ang Salita ng Diyos.
Isang misyon para sa atin ngayon ang maging mga saksi ng Mabuting Balita. Kaya, atin pong ipahayag ang Salita ng Diyos sa makabagong panahon ngayon. Paano? Sa pamamagitan ng isip, wika, at gawa, maipapahayag natin ang Salita ng Diyos at magamit natin sa mabuti ang mga biyayang kaloob sa atin ng Espiritu Santo. Kaya po, mga kapanalig, atin pong ipahayag ang Salita ng Diyos sa makabagong panahon ngayon. Ito nga ay isang misyon para sa ating mga misyonerong Katoliko. Ipahayag ang ating pananampalataya sa Diyos at maging mga saksi ni Hesukristo sa panahon natin ngayon.
Halina, Espiritu Santo at tulungan Mo po kaming lahat, mga misyonerong Katoliko, sa aming pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa bagong panahon. Tulungan Mo rin pong huwag maging mga abusado kami sa mga pagpapalang ipinagkaloob Mo sa amin. Bagkus, magamit namin para sa kabutihan ang mga biyayang kaloob Mo sa amin. Gabayan Mo rin kami sa aming paglalakbay bilang mga misyonerong sumasaksi kay Kristo sa mundo ngayon. Amen.
VENI SANCTE SPIRITUS!
Linggo, Mayo 12, 2013
MAGING MGA SAKSI NI KRISTO SA SANLIBUTAN
Mayo 12, 2013 - Dakilang Kapistahan ng Pag-Akyat sa Langit ng Panginoon (K) - Puti
(Gawa 1, 1-11/Salmo 46/Efeso 1, 17-23/Lukas 24, 46-53)
Apat na pagdiriwang ang ipinagdiriwang natin ngayong araw ng Linggo na ito. Ang una, ang Dakilang Kapistahan ng Pag-Akyat sa Langit ng Panginoong Hesukristo. Pangalawa, ang ika-47 Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon na may temang Social Networks: portals of truth and faith, new evangelization. Pangatlo, ang Kapistahan ng Inang Mapag-ampon doon sa Marikina. Ang araw po ng kanilang kapistahan ay tuwing ikalawang Linggo ng buwan ng Mayo. Maligayang Kapistahan po sa inyo, mga taga-Marikina! At siyempre, dahil po ngayon rin po ay Araw ng mga Ina (Mother's Day), atin pong babatiin ang lahat ng mga nanay, lalung-lalo na ang Mahal na Ina, ang Birheng Maria. Happy Mother's Day po sa lahat ng mga nanay.
Ang Unang Pagbasa at Mabuting Balita para sa araw ng Linggong ito ay parehas isinulat ni San Lukas. Kaya, mayroong pagkakatulad ang ating Unang Pagbasa at Ebanghelyo ngayon. Sinasamahan ni Kristo ang Kanyang mga alagad pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay. Apatnapung araw sinasamahan muli ni Kristo ang Kanyang mga alagad at tinuturuan Niya sila muli.
Tinuturuan muli ni Kristo ang mga alagad. Kung atin pong alalahanin, noong Biyernes Santo, nagkawatak-watak ang mga alagad. Nangamba, natakot, dahil ayaw rin nilang matulad sa Panginoon. Idinakip ang Panginoon, kaya nagkahiwalay ang mga alagad. Ngunit, alam ng Panginoon ang kahinaan ng mga alagad at alam rin Niya na iiwanan Siya sa mga huling sandali ng Kanyang buhay. Noong si Hesus ay muling nabuhay, nagtagumpay ang Kanyang pagiging mapagpasensya. Nagpasensya si Hesus sa mga alagad dahil tinuturuan Niya uli ang mga alagad sa pagsasama nila muli. Alam ni Hesus na hindi naiintindihan ng mga alagad ang mga pangyayaring gumanap. Kaya, nililinawan ng Panginoon muli ang mga alagad.
Ano ang tinuturo ni Kristo? Ang tinuturo at ipinapaliwanag ni Kristo sa Kanyang mga alagad ay ang mga isinulat sa Banal na Kasulatan tungkol sa Kanya. Nililinaw ng Panginoon ang Kanyang mga alagad na kinakailangang matupad ang nasasaad sa Banal na Kasulatan tungkol sa Kanya. Kinakailangan Niyang magtiis ng hirap, magpakasakit, at mamatay sa krus. Ngunit, sa ikatlong araw, Siya'y muling mabubuhay. Ang mga propesiya ng mga propeta sa Matandang Tipan ay tinupad sa pamamagitan ni Hesus.
Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ang mga alagad tungkol sa kaharian ng Diyos. Sinabihan sila ng Panginoon na huwag umalis ng Herusalem hangga't hindi pa dumating ang Espiritu Santo na susuguin ng Diyos Ama. Ang kaharian na iniisip ng mga alagad ay ang kahariang makamundo. Ang kaharian ng Diyos ay hindi katulad ng anumang kaharian dito sa mundo. Kaya, ang sinagot ng Panginoon ay hindi dapat abalahin ng mga alagad ang bagay na iyon. Simple lang ang sagot ni Kristo sa katangungang ito ng mga alagad - huwag nang abalahin ang bagay na iyon. Itatayo ang kaharian ng Diyos sa panahon ng Diyos, at hindi sa ating panahon.
Ngayon, isinusugo na ng Panginoon ang Kanyang mga alagad. Isinusugo Niya ang Kanyang mga alagad bilang mga misyonerong sumasaksi sa Kanya. Ang mga alagad ay sasaksi kay Kristo sa bawat sulok ng daigdig. Hindi lamang ang mga alagad ang dapat sumaksi kay Kristo. Dapat, tayo rin ay sumaksi kay Kristo. Tandaan, ngayon po ay ang Taon ng Pananampalataya. Sa pamamagitan ng Taon ng Pananampalataya, binibigyan tayo ng oportunidad o pagkakataon ng Inang Simbahan na balikan at pagnilayan ang CREDO o ang ating pananampalataya.
Ngunit, alam ni Hesus na mahina ang mga alagad ngayong aalis na Siya. Kahit ang alaala ng mga alagad, hindi makakayanan ang mga sinabi ni Hesus. Kaya, katulad ng Kanyang ipinangako, susuguin ng Diyos Ama ang Banal na Espiritu. Ang Espiritu Santo ang siyang mag-uutos at magpapaalala sa mga alagad tungkol sa mga tinuro at sinabi ni Kristo. Ang Espiritu Santo ang magiging Patnubay ng mga alagad sa kanilang misyon. Ang kanilang misyon - sumaksi kay Hesukristo sa bawat sulok ng daigdig.
Ngayon, pagkatapos ng mga sinabi ni Hesus, Siya'y iniakyat sa Kanyang Kaluwalhatian sa Langit. Ito ang hudyat ng katapusan ng Kanyang misyon sa lupa. Isinugo si Hesus mula sa langit, inalay ang Kanyang buhay alang-alang sa atin. Ngayon, bumabalik si Hesus sa presensya ng Diyos Ama. Siya ngayon ay nakaluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan. Siya na ang may hawak ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Ayon sa Ikalawang Pagbasa, ito'y ibinibigay kay Hesus ng Diyos Ama. Ang kapangyarihang iyon ay galing sa kaitaasan. Galing sa Diyos mismo ang kapangyarihan.
Sa tuwing binabasa ko ang mga salaysay ng Pag-Akyat ni Hesus, dalawang awitin ang pumapasok sa isipan ko. Ang dalawang awiting ito ay binibigyan ako ng lakas, Ipinapaalala sa akin ng dalawang kantang ito na hinding-hindi ako papabayaan ni Kristo sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos at maging isang Pilipinong Katolikong sumasaksi kay Kristo. Ang dalawang awiting ito ay para bang isang mensahe mula sa Panginoon sa akin. Ang dalawang kantang iyon ay "Wag Ka Nang Umiyak" ni KZ Tandingan at "Huwag Kang Mangamba" ng Bukas Palad Music Ministry.
Kahit nasa langit si Hesus, patuloy Niyang pinapalakas ang mga sumasaksi sa Kanya dito sa lupa. Tayong lahat, mga mananamapalatayang Katoliko, ay mga misyonero. Binibigyan tayong mga misyonero ng lakas. At ang lakas na iyon ay nanggagaling kay Kristong nakaluklok sa kanan ng Diyos Amang nasa langit. Tinutulungan at pinapatnubayan ng Espiritu Santo na maging mga mananampalatayang Katolikong sumasaksi kay Kristo.
Papalakasin ng Espiritu Santo ang mga alagad ni Kristo at ipapaalala Niya sa kanila ang mga sinabi sa kanila ni Kristo. Hindi lamang ginagawa ito ng Espiritu Santo sa mga alagad. Ginagawa rin Niya ito sa atin. Binibigyan tayo ng lakas ng Espiritu Santo at sa tulong ng Espiritu Santo, maalala natin ang mga sinasabi ni Kristo sa Banal na Bibliya. Ang Espiritu Santo ang magiging Patnubay at Gabay natin sa ating misyon sa pagsaksi kay Hesus sa bawat sulok ng daigdig. Tandaan, isa sa mga dahilan kung bakit umakyat muli si Hesus sa langit ay upang maipalakas tayong mga Katolikong sumasaksi sa Kanya. Hinding-hindi Niya tayo papabayaan.
Nawa, tayong lahat ay maging mga Katolikong sumasaksi kay Hesukristo, sa makabagong panahon. Gamitin nawa natin ang makabagong teknolohiya at mga social networking sites katulad ng Facebook, Twitter, Youtube, etc. upang sumaksi sa Panginoong Hesukristo at ipahayag ang kadakilaan ng Diyos sa bawat sulok ng daigdig. Maipahayag nawa natin at huwag ikahiya ang ating pananampalatayang Katoliko. Tapos na ang misyon ni Hesus dito sa lupa, ngayon, simulan natin ang ating misyon - sumaksi tayo kay Hesus.
Linggo, Mayo 5, 2013
"KAPAYAPAAN ANG INIIWAN KO SA INYO"
Mayo 5, 2013 - Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay - (K) - Puti
(Gawa 15:1-2, 22-29/Salmo 67/Pahayag 21:10-14, 22-23/Juan 14:23-29)
Nakakalungkot po ang ating Ebanghelyo ngayon. Mapapakinggan natin na namamaalam na ang Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad. Iiwanan na Niya ang mga alagad. Kung atin pong mapapansin, ang pamamaalam na ito'y naganap sa gabi bago Siya pumanaw sa Krus doon sa Kalbaryo. Kung meron po kayong mga Bibliya, basahin ninyo ang buong Mabuting Balita ayon kay San Juan. Sa gayon, malalaman natin na naganap ang pamamaalam na iyon bago namatay sa Krus si Hesus.
Halimbawa lamang po. Ayaw nating mawalan ng mga mahal sa buhay. Darating ang araw kung saan tayo o isa sa mga mahal natin sa buhay ay papanaw. Ayaw nating dumating ang araw na iyon. Nakakalungkot po kapag nakikita natin ang mga mahal natin sa buhay na naghihingalo sa ospital. Gusto natin mamuhay pa sila hanggang sa magtapos ang mundo. Isang malungkot na pangyayari ang makita natin mamatay ang mga mahal natin sa buhay.
Ganyan rin ang dinaranas ng mga alagad. Ayaw nilang iwanan sila ni Kristo. Gusto nilang palagi nilang kasama ang Panginoon. Kaya, ang mga alagad, handang ipagtanggol ang Panginoon kung sakaling may gustong umaresto sa Kanya. Ngunit, kinailangang dakipin si Kristo upang maganap ang kaligtasang naiplano ng Diyos para sa sangkatauhan. Nakakalungkot po. Pagkatapos noon, hindi na makakasama ng mga alagad si Hesus ng pisikal. Ang maiiwan na lamang ay mga alaala ng kahapon. Mga alaala ng mga araw lumipas.
Ngunit, pinapalakas ni Hesukristo ang loob ng Kanyang mga alagad. Tutal, merong ibinigay Siya sa Kanyang mga alagad. Kapayapaan. Shalom. Ito'y para hindi magkawatak-watak ang mga alagad. Hindi magkakagulo ang mga alagad sa kapayapaan ng Diyos. Ngunit, ang kapayapaang ipinagkaloob ni Kristo ba'y katulad ng kapayapaan sa mundo? Hindi. Ang kapayapaang ibinigay ni Hesus sa Kanyang mga alagad ay ibang-iba sa kapayapaan ng sanlibutan. Hindi magkakaroon ng tunay na kapayapaan dito sa mundo kung walang lugar ang Diyos sa puso ng tao.
Kung ganun, paano nating makakamit ang tunay na kapayapaan? Sa pamamagitan ng ating pakikipag-ugnay o relasyon sa Diyos. Nagmumula ang kapayapaan sa mahiwatig na relasyon sa Diyos. Ang relasyon ay tungkol sa pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig kay Hesus ay hindi lamang sa pagbikas lamang. Hindi salita lamang naipaparamdam ang pag-ibig natin kay Hesus. Dapat maging totoo tayo sa Salita ni Hesus. At kung tutuparin natin ang Salita ni Hesus, hindi lamang si Hesus ang mananahan sa ating lahat, kundi pati ang Diyos Ama ang mananahan.
Isang regalo lang ang kapayapaan na ipinagkaloob ni Hesus. Meron pang isa. Ano pa yung isa pang regalo? Isang Patnubay. Magpapadala ang Diyos Ama sa ngalan ng Panginoong Hesus ang Espiritu Santo na magsisilbing Patnubay natin lahat. Hindi lamang Patnubay para sa atin ang Banal na Espiritu. Siya ang magpapaalala sa atin kung ano ang sinabi ng Panginoon. Ang Espiritu Santo rin ang Panginoon at ang Nagbibigay-buhay (Sa Ingles, the Lord and Giver of Life). Ang Espiritu Santo rin ay magbibigay lakas, gabay, at inspirasyon para sa ating lahat.
Kaya, alam po ba ninyo kung paano ako nakukuha ng inspirasyon? Alam po ba ninyo kung paano kong ginagawa ito kahit bata pa ako at hindi pa ako pari? Humihingi ako ng tulong sa Espiritu Santo. Siya ang nagbibigay inspirasyon, gabay, lakas, at buhay. Ipinapaalala rin Niya, hindi lamang sa akin, hindi lamang para sa mga Pari, Madre, Obispo, Kardinal, Santo Papa, o mga relihoyoso't relihiyosa, kundi sa ating lahat, mga sumasampalataya sa Diyos, ang mga sinabi ni Kristo.
Alam po ninyo, tayong mga Pilipino, ayaw makalimutan. Kadalasan, kapag merong aalis, may parting gift tayo para sa kanila. Ang parting gift na ito ay para hindi tayo makalimutan. Maalala pa rin natin ang mga araw na lumipas. Maalala natin ang mga nangyari kahapon. Alam natin na magugustuhan ng mga taong iyon ang regalo natin para sa kanya. Isang halimbawa lamang po.
Ganyan rin si Hesus, Kahit hindi Siya kasama natin dito sa mundo, huwag nating kalimutan, hinding-hindi tayo papabayaan ng Diyos. Ang Diyos ay Emanuel. Nasa atin o sumasaatin ang Diyos. Sabi nga ni Hesus sa wakas ng Mabuting Balita ayon kay San Mateo: "Tandaan ninyo: Ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng mundo." (Mateo 28:20) Ibinigay ng Panginoong Hesukristo sa Kanyang mga alagad ang regalo ng kapayapaan. Ibinabahagi Niya sa atin ang Kanyang kapayapaan na hindi katulad ng kapayapaan sa mundo. Sa pamamagitan ng kapayapaan na nagmula sa Kanya, palagi natin Siyang kasama. Hinding-hindi Niya tayo pinapabayaan. Ang Diyos Ama at Diyos Anak ay mananahan sa ating lahat. Iyan ay dahil sa pag-ibig at pagsunod natin sa Salita ni Hesukristo. Amen.

Linggo, Abril 28, 2013
HABILIN NI HESUKRISTO: MAGMAHALAN
Abril 28, 2013 - Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay - (K) - Puti
(Gawa 14, 21b-27/Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab/Pahayag 21, 1-5a/Juan 13, 31-33a. 34-35)
Ang ating Ebanghelyo ay tungkol sa habilin at utos ni Kristo sa Kanyang mga alagad pagkaalis ni Hudas Iskariote. Hindi naabutan ni Hudas ang utos at habilin ni Kristo. Ang dahilan ay umalis siya upang ipagkanulo si Kristo para maidakip ng mga Hudyong nagagalit sa kanya. Ano ang habilin at utos ni Hesus sa Huling Hapunan? Magmahalan katulad ng pagmamahal Niya sa atin.
Noong pinalaya ng Diyos ang mga Israelita mula sa kaalipinan sa Ehipto, binigay niya ang Sampung Utos kay Moises para sa mga tao. Ang mga Israelita, dapat susunod sila sa Sampung Utos ng Diyos. Pero napakahirap sumunod sa Sampung Utos. Bakit? Masyadong marami at baka may mga pumalpak pa sa pagsunod sa Sampung Utos.
Naalala ko po na sinabi ng isang bata sa kanyang nanay, "Inay, daig niyo pa ang Diyos. Kung ang Diyos, sampung utos lamang, kayo, sandamakmak ang utos niyo." Well, kasama sa Sampung Utos ang igalang ang inyong mga magulang, pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng bata dito. Pero, paminsan-minsan ganyan rin po tayo. Nagrereklamo tayo dahil maraming mga utos ang dapat sundan natin.
Kaya nga, paglipas ng panahon, ginawang dalawa na lang ang Sampung Utos. Pinaghalo ang Sampung Utos sa dalawang utos. Ang dalawang utos na iyon ay (1) Ibigin ninyo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip at nang buong lakas. (2) Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Walang nagbago, ngunit pinaghalo lamang ang Sampung Utos ng Diyos.
Noong dumating si Hesukristo sa lupa, pinaghalo na naman uli ang Sampung Utos ng Diyos. Ngunit, ginawang isa na lang. At ano iyon? Ang bagong utos ni Hesukristo - magmahal. Ang ika-13 kabanata ng unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Korinto ay tungkol sa pag-ibig. Basahin po ninyo ang ika-13 kabanata ng unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Korinto. Malalaman po ninyo kung ano ang sabi ni San Pablo Apostol tungkol sa pag-ibig.
Ang pag-ibig ay mapagpasensya. Hindi na kailangang daanan pa sa mga tula ang pag-ibig. Hindi na kailangang romantiko ang pag-ibig, katulad ng kadalasang pinapalabas sa telebisyon o sa mga sinehan. Mabusilak, mabuti, ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi dapat inaabuso. Hindi dapat inaabuso ang kagandahan ng pag-ibig. Dapat, ang ipinaparamdam ay ang tunay at ang tamang pag-ibig. Ang pag-ibig ay nagagalak sa kabutihan.
Iyan ang pag-ibig na tinutukoy ni Hesus. Ang pag-ibig na nais ni Hesus ay ang pag-ibig na walang kundisyon, walang pasubali, ganap. Sabi ni Fr. Enrico Gonzales, OP, sa panahon ngayon, ang madalas na ipinaparamdam ay ang maling pag-ibig. Walang sobra-sobra o kulang sa pag-ibig. Hindi rin sinusukat ang pag-ibig. Kasi, kung ganun, nawawasak ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay tama o mali lamang.
Ilan sa mga maling paraan ng pag-ibig ay ang pakikiapid at ang pangangalunya. Wasak na wasak ang pag-ibig dahil diyan. Hindi pwedeng magmahal and at the same time mangangalunya at makikiapid rin. Ano ba ang tawag doon? Ewan ko na po. Ginagawang gimik, kaekekan (in the words of Cardinal Chito Tagle) ang pag-ibig. Dinadaya, niloloko ang asawa o ang sinumang minamahal, tama ba na gawing kalokohan o biro lamang ang pag-ibig? Hindi! Dahil kung biro o kalokohan lang, ang pag-ibig, inaabuso at winawasak.
Pornograpiya. Mahirap iwasan iyan. Dahil, ang pornograpiya, ginagamit ang hubad na katawan ng tao upang makipagtalik lamang. Ang buhay ng pag-ibig, puro pakikipagtalik lamang? Kinakailangan pa ba iyon sa pag-ibig? Dapat magtalik ba upang patunayan mo sa isang tao na mahal mo siya? Hindi. Anong klaseng pag-ibig iyan? Sa pamamagitan nito, inaabuso at nawawasak ang pag-ibig. Nawawala ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hindi iyan ang halimbawa ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Kaya nga sabi sa Sampung Utos ng Diyos, "Bawal makiapid." Bakit bawal ang pakikiapid o pangangalunya? Dahil inaabuso nito ang pag-ibig.
Maganda ang sinabi ni Ms. Cherry Pie Picache sa pelikulang Tanging Yaman. Ang sabi niya, ang pag-ibig ay hindi damdamin lamang. Dahil, kung damdamin lamang ang pag-ibig, siguro marami na ang nag-aaway. Ang pag-ibig ay ang paggawa ng mabuti kahit wala namang kabutihang ginagawa sa iyo. Kahit abusado, hambog, loko-loko ang minamahal mo, dapat mahalin mo pa rin nang walang kundisyon. Iyan ang pag-ibig ni Hesus.
Ang pag-ibig, mapagpasensya. Inuulit ko po. Mapagpasensya ang pag-ibig. Pagdating sa pag-ibig, walang kundisyon o namimili ang Diyos. Mahal na mahal tayo ng Diyos sa kabila ng ating pagiging mga makasalanan. Ang mga utos na ibinigay ng Diyos sa atin ay para sa ating kabutihan. Magmahalan tayo katulad ng pagmamahal sa atin ni Hesukristo. Dahil sa tunay at dakilang pagmamahal Niya sa atin, inialay Niya ang Kanyang Sarili sa Krus upang iligtas at palayain mula sa kadiliman at kaalipinan ng kasalanan.

Linggo, Abril 21, 2013
TUMULAD AT MAKINIG TAYO KAY HESUS, ANG MABUTING PASTOL
Abril 21, 2013 - Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay - (K) - Puti
(Gawa 13, 14. 43-52/Salmo 99, 2. 3. 5/Pahayag 7, 9. 14b-17/Juan 10, 27-30)
Ngayong Linggong ito ay ang Linggo ng Mabuting Pastol at ang Ika-50 Pandaigdigang Araw ng Pananalangin para sa Bokasyon. Sa Linggong ito, ipanalangin natin sa Panginoong Diyos na patuloy Siyang magpadala ng mga paring maglilingkod sa Kanya at sa kapwa-tao.
Ang mga pari ay mga tagapangasiwa lamang. Ang Diyos ay ang tunay na pastol. Ang gawain lamang ng mga pari ay akayin ang mga tao dito sa mundo patungo sa Panginoon. Tayo, mga tao, ay ang mga tupa na inaalagaan ni Kristo. Paminsan-minsan, ilan nga sa atin, lalung-lalo na ang mga pari, ay naliligaw ng landas. Ang mga pari, tao rin sila. Huwag po ninyong aakalaing perpekto o walang kasalanan ang mga pari.
May ilang dahilan ang pagdapa ng mga pari sa kanilang misyon na ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos. Una, hindi na siya nagdarasal. Pangalawa, wala nang nagdarasal para sa kanila, at pangatlo, walang oras para magdasal. Kaya, ang pagdarasal o pananalangin ang kailangan para sa mga pari. Kinakailangan ng mga pari ang mga dasal ng mga tao upang bumangon siya mula sa kanyang pagkadapa.
Sa ordinasyon sa pagkadiyakono, ipinapangako ng seminarista na magiging diyakono na hindi na siya kailanman magiging asawa. Ipinapangako ng mga seminarista ito sa harapan ng (Ars)Obispo o Kardinal na nag-oorden sa kanila. Kaya, pagdating sa pagka-orden sa mga pari, mapapansin natin na ang mga kandidato sa pagkapari ay nakahanda nang maglingkod sa Diyos at sa kapwa-tao. Handa na ang mga kandidatong ito na hanapin ang mga tupang naliligaw ng landas at ibalik sila sa kandungan ng Panginoon. Iiwanan nila ang lahat at susunod kay Hesus.
Ngunit, may ilan sa mga pari na nagkakadapa. Marami ngang mga iskandalo dito sa simbahan. Halimbawa, ang pari ay nagkakaroon ng syota, o kaya nang-aabuso ng bata, etc. Ang simbahan, sa halip na parusahan, ipinagdarasal ang mga paring iyon na makabangon mula sa kasalanan. Humihingi sila ng kapatawaran mula sa Diyos para sa kasalanan ng mga paring iyon. Ang mga paring iyon rin mismo ay humihingi ng kapatawaran mula sa Diyos dahil sa bigat ng kasalanang ginawa niya. Kasama rin sa pananalangin ang mga tao sa simbahan.
Ako po, hindi po ako pari. Isa pa po akong teenager. Marami pa po akong daraanan dito sa buhay ko bago ako pumasok sa adult life. Marami akong daraanan at matutunahan sa bahaging ito ng aking buhay. Ako, gusto ko pong maging pari. Simula sa aking pagkabata, iniisip ko nang maging pari kapag lumaki na ako. Nagbabasa na ako ng Bibliya. Tumutulong ako sa simbahan. Marami rin akong kilalang mga santo at mga pari. Iniisip ko pong pumasok sa San Carlos Seminary doon sa Makati o kaya sa San Jose Seminary doon sa Ateneo de Manila University sa Quezon City. Bata pa lamang ako, ngunit, may plano nang magpari. Kaya, ipagdasal po ninyo ako na sana mangyari nawa ang kalooban ng Diyos para sa akin.
Isa pa, ang Mahal na Kardinal ng Arkidiyosesis ng Maynila, Luis Antonio "Chito" Tagle. Napanood ko isang araw yung programang Ang Makabagong Disipulo. Isa po itong dokumentaryo na ipinalabas noong 2012 sa ABS-CBN (Ipinalabas muli ito sa TV Maria noong Mahal na Araw). Dito, ikinuwento ni Kardinal Chito kay Ms. Bernadette Sembrano ang kanyang pagkabata hanggang sa pagkapari niya ngayon. Sabi niya na ang unang balak ay maging doktor. Inanyayahan siya ng isang pari (yata) na mag-entrance test doon sa Ateneo. Ngunit, entrance exam iyon para sa seminaryo. Nagreklamo siya sa naganyaya sa kanya kung bakit hindi niya sinabing exam iyon para sa seminaryo. Ang sagot niya ay ang dahilan kung bakit hindi niya sinabing entrance test iyon para sa seminaryo ay dahil hindi siya papayag. Pagkatapos noon, nagkaroon siya ng pagnanais na magpari. Pumasok siya sa seminaryo kahit hindi siya pumasa dahil pinayagan na ng rektor ng seminaryo (yata) na pumasok siya.
Ngayon, dapat makinig tayo sa ating Panginoong Hesukristo, ang Mabuting Pastol. Ang pakikinig kay Hesukristo ay iba sa pakikinig ng musika sa radyo na kinakailangang malakas upang mapakinggan natin ang kanta at paminsan-minsan sinasabayan natin ang kanta. Aminin na po ninyo, ginagawa ninyo iyon. Inaamin ko rin po, ginagawa ko po iyon kapag maganda ang kanta. Kahit malakas o mahina ang boses ng Panginoon, makinig pa rin tayo sa Kanya. Hindi radyo si Hesus na kailangan natin itaas ang tono ng boses Niya. Dapat maigi ang pakikinig natin sa Panginoon.
Tayong lahat ay pananagutan ng mga pari. Kapag naligaw ng landas ang mga tupa (tayo), pananagutan iyon ng pari. Tandaan, ang mga tupa ay ipinagkatiwala lamang ng Diyos sa mga pari. Kaya, kung may masamang nangyari sa atin, ang pari ang mananagot doon. Ang mahirap sa atin, matigas ang ating mga ulo. Ayaw natin makinig kay Father. Kaya, paminsan-minsan, hindi tayo nagkakaintindihan ni Father. Kung naiintindihan tayo ng pari, dapat rin, intindihin natin ang sinasabi ng pari. Dapat, ang tupa at ang pastol ay nagkakaintindihan at magkakasundo.
Mahirap na ilan sa atin ay nagbibingi-bingihan kapag nagsasalita ang Panginoong Hesus. Kumbaga, may iba tayong pinapakinggan. Naka-headphones tayo na hindi na mapakinggan natin ang boses ni Hesus. Kaya nga, paminsan-minsan, nagtataka tayo kung bakit hindi natin madinig ang boses ni Hesus kapag tinatawagan Niya tayo. Huwag matigas ang ulo, huwag magbingi-binighan, makinig tayo kay Hesus.
Panahon na naman po ng eleksyon o halalan. Darating na ang ika-13 ng Mayo ng taong ito. Sa araw na ito, iboboto ng sambayanang Pilipino ng mga pinuno ng bayan. May mga alkalde ay naghahanap ng pangalawang termino. Ang dapat natin iboto ay ang mga mabubuting pinuno. Hindi po kumakampi ang Simbahang Katoliko sa mga kandidato. Ngunit, ang payo ng ating Inang Simbahan ay piliin ang mga kandidato na mula sa ating konsensiya. Ipinagbabawal ng Simbahan na sabihin ng mga pari ang dapat iboto sapagkat kung may kinakampihan, talo sa huli. Pag-isipan nating mabuti kung sinu-sino ang karapat-dapat maging mga pinuno ng ating bayan.
Sa Ebanghelyo sa Taon B, sinasabi ni Hesus na tumatakas ang upahan. Isang duwag ang upahan. Takot na takot ang upahan sa mga asong-gubat. Ayaw niyang mamatay. Mas mahalaga para sa kanya ang kanyang buhay kaysa sa buhay ng mga tupa. Ang upahan na ito'y makasarili, hindi tunay na pinuno. Hindi iyan ang pinuno ang hinahanap ng bayan. Ang pinunong na hinahanap ng bayan ay ang pinunong mapagpakumbaba, binibigyan ng halaga ang kanyang bayan, lalung-lalo na ang kanyang kapwa-tao.
Ganyan si Hesus. Hindi Siya takot, kahit sa asong-gubat. Hindi Siya matatakot mamatay alang-alang sa ating kaligtasan. Babantayan Niya ang Kanyang mga tupa mula sa panganib. Dahil mahal na mahal Niya ang Kanyang mga tupa, ibibgay Niyang buong-buo ang Kanyang buhay para sa kaligtasan ng mga tupa. Sabi nga ni Hesus, "Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan." (Juan 15:13)
Dapat ganyan rin tayo sa ating kapwa. Tayo ay dapat maging mapagmahal, tulungan at paglinkuran ang ating kapwa-tao. Ang tunay na pagmamahal ay ang pagbibigay o pag-aalay ng buhay para sa kanyang kapwa. Dapat ganyan tayo. Sa pamamagitan nito, tayo ay tumutulad at nakikinig sa tinig ni Hesus, ang Mabuting Pastol.
Bilang pagtapos, mga kapanalig, narito po ang mga awitin na ihahandog ko sa inyo ngayong Linggong ito:
Ang Panginoon Ang Aking Pastol (Sr. Bubble Bandojo, rc)
Ang Panginoon Ang Aking Pastol
Salmo 23 (Ang Panginoon Ang Aking Pastol) - Magnaye
(Gawa 13, 14. 43-52/Salmo 99, 2. 3. 5/Pahayag 7, 9. 14b-17/Juan 10, 27-30)
Ngayong Linggong ito ay ang Linggo ng Mabuting Pastol at ang Ika-50 Pandaigdigang Araw ng Pananalangin para sa Bokasyon. Sa Linggong ito, ipanalangin natin sa Panginoong Diyos na patuloy Siyang magpadala ng mga paring maglilingkod sa Kanya at sa kapwa-tao.
Ang mga pari ay mga tagapangasiwa lamang. Ang Diyos ay ang tunay na pastol. Ang gawain lamang ng mga pari ay akayin ang mga tao dito sa mundo patungo sa Panginoon. Tayo, mga tao, ay ang mga tupa na inaalagaan ni Kristo. Paminsan-minsan, ilan nga sa atin, lalung-lalo na ang mga pari, ay naliligaw ng landas. Ang mga pari, tao rin sila. Huwag po ninyong aakalaing perpekto o walang kasalanan ang mga pari.
May ilang dahilan ang pagdapa ng mga pari sa kanilang misyon na ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos. Una, hindi na siya nagdarasal. Pangalawa, wala nang nagdarasal para sa kanila, at pangatlo, walang oras para magdasal. Kaya, ang pagdarasal o pananalangin ang kailangan para sa mga pari. Kinakailangan ng mga pari ang mga dasal ng mga tao upang bumangon siya mula sa kanyang pagkadapa.
Sa ordinasyon sa pagkadiyakono, ipinapangako ng seminarista na magiging diyakono na hindi na siya kailanman magiging asawa. Ipinapangako ng mga seminarista ito sa harapan ng (Ars)Obispo o Kardinal na nag-oorden sa kanila. Kaya, pagdating sa pagka-orden sa mga pari, mapapansin natin na ang mga kandidato sa pagkapari ay nakahanda nang maglingkod sa Diyos at sa kapwa-tao. Handa na ang mga kandidatong ito na hanapin ang mga tupang naliligaw ng landas at ibalik sila sa kandungan ng Panginoon. Iiwanan nila ang lahat at susunod kay Hesus.
Ngunit, may ilan sa mga pari na nagkakadapa. Marami ngang mga iskandalo dito sa simbahan. Halimbawa, ang pari ay nagkakaroon ng syota, o kaya nang-aabuso ng bata, etc. Ang simbahan, sa halip na parusahan, ipinagdarasal ang mga paring iyon na makabangon mula sa kasalanan. Humihingi sila ng kapatawaran mula sa Diyos para sa kasalanan ng mga paring iyon. Ang mga paring iyon rin mismo ay humihingi ng kapatawaran mula sa Diyos dahil sa bigat ng kasalanang ginawa niya. Kasama rin sa pananalangin ang mga tao sa simbahan.
Ako po, hindi po ako pari. Isa pa po akong teenager. Marami pa po akong daraanan dito sa buhay ko bago ako pumasok sa adult life. Marami akong daraanan at matutunahan sa bahaging ito ng aking buhay. Ako, gusto ko pong maging pari. Simula sa aking pagkabata, iniisip ko nang maging pari kapag lumaki na ako. Nagbabasa na ako ng Bibliya. Tumutulong ako sa simbahan. Marami rin akong kilalang mga santo at mga pari. Iniisip ko pong pumasok sa San Carlos Seminary doon sa Makati o kaya sa San Jose Seminary doon sa Ateneo de Manila University sa Quezon City. Bata pa lamang ako, ngunit, may plano nang magpari. Kaya, ipagdasal po ninyo ako na sana mangyari nawa ang kalooban ng Diyos para sa akin.
Isa pa, ang Mahal na Kardinal ng Arkidiyosesis ng Maynila, Luis Antonio "Chito" Tagle. Napanood ko isang araw yung programang Ang Makabagong Disipulo. Isa po itong dokumentaryo na ipinalabas noong 2012 sa ABS-CBN (Ipinalabas muli ito sa TV Maria noong Mahal na Araw). Dito, ikinuwento ni Kardinal Chito kay Ms. Bernadette Sembrano ang kanyang pagkabata hanggang sa pagkapari niya ngayon. Sabi niya na ang unang balak ay maging doktor. Inanyayahan siya ng isang pari (yata) na mag-entrance test doon sa Ateneo. Ngunit, entrance exam iyon para sa seminaryo. Nagreklamo siya sa naganyaya sa kanya kung bakit hindi niya sinabing exam iyon para sa seminaryo. Ang sagot niya ay ang dahilan kung bakit hindi niya sinabing entrance test iyon para sa seminaryo ay dahil hindi siya papayag. Pagkatapos noon, nagkaroon siya ng pagnanais na magpari. Pumasok siya sa seminaryo kahit hindi siya pumasa dahil pinayagan na ng rektor ng seminaryo (yata) na pumasok siya.
Ngayon, dapat makinig tayo sa ating Panginoong Hesukristo, ang Mabuting Pastol. Ang pakikinig kay Hesukristo ay iba sa pakikinig ng musika sa radyo na kinakailangang malakas upang mapakinggan natin ang kanta at paminsan-minsan sinasabayan natin ang kanta. Aminin na po ninyo, ginagawa ninyo iyon. Inaamin ko rin po, ginagawa ko po iyon kapag maganda ang kanta. Kahit malakas o mahina ang boses ng Panginoon, makinig pa rin tayo sa Kanya. Hindi radyo si Hesus na kailangan natin itaas ang tono ng boses Niya. Dapat maigi ang pakikinig natin sa Panginoon.
Tayong lahat ay pananagutan ng mga pari. Kapag naligaw ng landas ang mga tupa (tayo), pananagutan iyon ng pari. Tandaan, ang mga tupa ay ipinagkatiwala lamang ng Diyos sa mga pari. Kaya, kung may masamang nangyari sa atin, ang pari ang mananagot doon. Ang mahirap sa atin, matigas ang ating mga ulo. Ayaw natin makinig kay Father. Kaya, paminsan-minsan, hindi tayo nagkakaintindihan ni Father. Kung naiintindihan tayo ng pari, dapat rin, intindihin natin ang sinasabi ng pari. Dapat, ang tupa at ang pastol ay nagkakaintindihan at magkakasundo.
Mahirap na ilan sa atin ay nagbibingi-bingihan kapag nagsasalita ang Panginoong Hesus. Kumbaga, may iba tayong pinapakinggan. Naka-headphones tayo na hindi na mapakinggan natin ang boses ni Hesus. Kaya nga, paminsan-minsan, nagtataka tayo kung bakit hindi natin madinig ang boses ni Hesus kapag tinatawagan Niya tayo. Huwag matigas ang ulo, huwag magbingi-binighan, makinig tayo kay Hesus.Panahon na naman po ng eleksyon o halalan. Darating na ang ika-13 ng Mayo ng taong ito. Sa araw na ito, iboboto ng sambayanang Pilipino ng mga pinuno ng bayan. May mga alkalde ay naghahanap ng pangalawang termino. Ang dapat natin iboto ay ang mga mabubuting pinuno. Hindi po kumakampi ang Simbahang Katoliko sa mga kandidato. Ngunit, ang payo ng ating Inang Simbahan ay piliin ang mga kandidato na mula sa ating konsensiya. Ipinagbabawal ng Simbahan na sabihin ng mga pari ang dapat iboto sapagkat kung may kinakampihan, talo sa huli. Pag-isipan nating mabuti kung sinu-sino ang karapat-dapat maging mga pinuno ng ating bayan.
Sa Ebanghelyo sa Taon B, sinasabi ni Hesus na tumatakas ang upahan. Isang duwag ang upahan. Takot na takot ang upahan sa mga asong-gubat. Ayaw niyang mamatay. Mas mahalaga para sa kanya ang kanyang buhay kaysa sa buhay ng mga tupa. Ang upahan na ito'y makasarili, hindi tunay na pinuno. Hindi iyan ang pinuno ang hinahanap ng bayan. Ang pinunong na hinahanap ng bayan ay ang pinunong mapagpakumbaba, binibigyan ng halaga ang kanyang bayan, lalung-lalo na ang kanyang kapwa-tao.
Ganyan si Hesus. Hindi Siya takot, kahit sa asong-gubat. Hindi Siya matatakot mamatay alang-alang sa ating kaligtasan. Babantayan Niya ang Kanyang mga tupa mula sa panganib. Dahil mahal na mahal Niya ang Kanyang mga tupa, ibibgay Niyang buong-buo ang Kanyang buhay para sa kaligtasan ng mga tupa. Sabi nga ni Hesus, "Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan." (Juan 15:13)Dapat ganyan rin tayo sa ating kapwa. Tayo ay dapat maging mapagmahal, tulungan at paglinkuran ang ating kapwa-tao. Ang tunay na pagmamahal ay ang pagbibigay o pag-aalay ng buhay para sa kanyang kapwa. Dapat ganyan tayo. Sa pamamagitan nito, tayo ay tumutulad at nakikinig sa tinig ni Hesus, ang Mabuting Pastol.
Bilang pagtapos, mga kapanalig, narito po ang mga awitin na ihahandog ko sa inyo ngayong Linggong ito:
Ang Panginoon Ang Aking Pastol (Sr. Bubble Bandojo, rc)
Ang Panginoon Ang Aking Pastol
Salmo 23 (Ang Panginoon Ang Aking Pastol) - Magnaye
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)