24 Hunyo 2018
Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista
Isaias 49, 1-6/Salmo 138/Mga Gawa 13, 22-26/Lucas 1, 57-66. 80
Tatlong tao lamang ang binibigyan ng karangalan ng Simbahan na gunitain at ipagdiwang ang araw ng kanilang pagsilang. Unang-una, ang Panginoong Hesukristo. Ang Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Hesukristo ay ipinagdiriwang tuwing sasapit ang ika-25 ng Disyembre. Pangalawa, ang Mahal na Birheng Maria. Ang Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria ay ipinagdiriwang ng Simbahan tuwing ika-8 ng Setyembre. At ang pangatlo't panghuli ay si San Juan Bautista. Ang kanyang pagsilang ay ipinagdiriwang sa araw na ito (ika-24 ng Hunyo).
Isinasalungguhit ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista ang kanyang kahalagahan sa kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos. Sa kanyang pangalan pa lamang malalaman ang kanyang kahalagahan. Ang pangalang "Juan" ay nangangahulugang "Ang Diyos ay mapagpala." At tunay ngang isang pagpapala mula sa Diyos si San Juan Bautista. Ipinapaalala ni San Juan Bautista na ang Diyos ay tunay na matapat sa Kanyang pangako. Hindi nakakalimot ang Panginoon sa Kanyang pangako. Lagi Niyang naaalala ang Kanyang pangako at tinutupad Niya rin ito pagdating ng takdang panahon.
Lalong nabibigyang-linaw ang kahalagahan ni San Juan Bautista sa papel na kanyang ginampanan sa kasaysayan ng pagtubos ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Kristo. Ang pinakadakilang pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan ay walang iba kundi ang Panginoong Hesus. Subalit, bago Siya dumating, si San Juan Bautista ay lumitaw. Si San Juan Bautista ang unang ipinagkaloob ng Diyos sa Kanyang bayan upang magsilbing hudyat na nalalapit na ang Kanyang pagliligtas na matutupad sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Kaya naman, isang tunay na pagpapala si San Juan Bautista sapagkat siya ang nagsilbing tagapanguna ng Mesiyas at Manunubos na si Hesus, ang pinakadakilang pagpapalang kaloob ng Diyos sa Kanyang bayan.
Nakasaad sa pahayag ng lingkod ng Diyos sa Unang Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias na ang lingkod ng Diyos na ito ay pinili bago siya isilang. Sa Ebanghelyo, isinalungguhit ni San Lucas na ang buhay ni San Juan Bautista ay nakatalaga na sa Diyos bago pa man siya isilang. Kaya nga ang tanong ng mga dumalaw kina Elisabet at Zacarias sa pagtutuli ni San Juan Bautista, "Magiging ano kaya ang batang ito?" (1, 66) Napagtanto ng mga dumalaw sa pagtutuli ni Juan Bautista na hindi siya isang ordinaryong bata. Hindi siya ipinangalan sa kanyang mga kamag-anak. Ang ama ng sanggol na si Zacarias ay nakapagsalita matapos pagtibayin na "Juan" nga ang pangalang ibibigay sa sanggol. Napaisip sila sa kung ano nga bang mayroon sa sanggol na iniluwal mula sa sinapupunan ni Elisabet. Ang sanggol na iniluwal ni Elisabet ay napakaespesyal sapagkat ang kanyang misyon at tungkulin ay ibinigay na sa kanya ng Diyos bago siya isilang. Nakatalaga na sa Diyos ang buhay ni San Juan Bautista bago siya ipaglihi at iluwal mula sa sinapupunan ng kanyang inang si Elisabet.
Ang pangangaral ni San Juan Bautista bago lumitaw ang Panginoong Hesus sa madla ay binanggit ni Apostol San Pablo bilang bahagi ng kanyang pangangaral sa Ikalawang Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol. Inilarawan ni Apostol San Pablo sa kanyang pangangaral ang papel na ginampanan ni Juan Bautista sa kasaysayan ng pagtubos ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sa pamamagitan ng pangangaral tungkol sa pagsisisi at pagbibinyag, inihanda ni San Juan Bautista ang daraanan ni Kristo. Inihanda ni San Juan Bautista ang bayang Israel para sa pagdating ng ipinangakong Mesiyas at Manunubos. At buong katapatan at kababaang-loob niyang tinupad at ginampanan ang tungkuling ibinigay sa kanya ng Diyos. Bilang tagapagpauna ng Panginoon, ang lahat ng mga bumubuo sa bayan ng Diyos ay inihanda ni San Juan Bautista para sa pagdating ng ipinangakong Tagapagligtas na mula sa bayan ng Nazaret.
Si San Juan Bautista ay isang tunay na pagpapala mula sa Diyos. Sa kanyang pagdating bilang tagapagpauna ng Mesiyas at Manunubos na si Hesus, siya'y nagsalita sa lahat tungkol sa katapatan ng Diyos sa pangakong Kanyang binitiwan sa Lumang Tipan. Inihayag niya na nalalapit na ang takdang panahon kung kailan tutuparin ng Diyos ang Kanyang pangako. Sa pamamagitan ng kanyang tungkulin bilang huling mensahero at propeta ng Diyos bago dumating si Kristo, ang bawat taong nananabik para sa katuparan ng pangako ng Diyos ay binigyan ng pag-asa. Ang Diyos ay nagbigay ng pag-asa sa mga naghahangad at nananabik para sa pagdating ng pinakadakilang pagpapalang kaloob Niya na si Kristo Hesus, ang ipinangakong Mesiyas at Manunubos, sa pamamagitan ng pagsugo Niya sa Kanyang Tagapagpauna na si San Juan Bautista.
Ipinapaalala sa atin ni San Juan Bautista na ang Diyos ay tunay na matapat. Hindi Siya nakakalimot sa pangako. Hindi Niya binabali ang mga pangakong binitiwan. Bagkus, lagi Siyang nakakaalala sa Kanyang mga pangako at lagi Niyang itinatakda ang panahon ng Kanyang pagtupad sa mga ito. May mga takdang panahon kung kailan tutuparin ng Diyos ang mga pangakong binitiwan. At ang Mabuting Balitang ito na siyang paksa ng pangangaral ni San Juan Bautista sa Ilog Jordan ay tunay ngang naghahatid ng pag-asa sa lahat ng mga nananalig at sumasampalataya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento