24 Hunyo 2020
Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista
Isaias 49, 1-6/Salmo 138/Mga Gawa 13, 22-26/Lucas 1, 57-66. 80
Magandang pagnilayan sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista ang kabutihan ng Panginoong Diyos. Sa araw na ito, tayong lahat ay inaaanyayahan ng Simbahan na maakit muli sa kabutihan ng Diyos. Ang bawat isa sa atin ay hinihimok na magnilay nang buong kataimtiman sa katangiang ito ng butihing Panginoon habang buong galak nating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista.
Layunin ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista ay tulungan tayong maakit muli sa kabutihan ng Diyos. Kung minsan kasi, hindi na natin binibigyan ng halaga ang kabutihan ng Diyos. Kaya, mahalaga na ang bawat isa sa atin ay maakit o mabighani muli sa kagandahan ng kabutihan ng Panginoon. Kaya, ang araw na ito ay isang napakagandang pagkakataon upang gawin ito. Sa tulong ni San Juan Bautista, ang Tagapaghanda ng daraanan ng Panginoon, ang bawat isa sa atin ay mamumulat at mabibighani muli sa kabutihan ng Diyos.
Kung tutuusin, sa pangalan pa lamang ni San Juan Bautista, malalaman natin kung bakit siya isinilang. Isinilang si San Juan Bautista upang ihayag ang kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng paghanda sa daraanan ng Panginoong Hesukristo, ang ipinangakong Mesiyas, inihayag ni San Juan Bautista ang kabutihan ng Diyos.
Ang misyon ni San Juan Bautista ay ihayag ang kabutihan ng Diyos. Kung tutuusin, masasabi nating ginawa na niya ito sa sandali ng kanyang pagsilang sa daigdig na isinalaysay sa Ebanghelyo. Si San Juan Bautista ay sumagisag sa kabutihan ng Panginoon sa kanyang mga magulang na sina Zacarias at Elisabet. Sa kabila ng kanilang katandaan, sina Zacarias at Elisabet ay biniyayaan pa rin ng Panginoong Diyos ng isang anak na walang iba kundi si San Juan Bautista. Hindi pa man siya nagsasalita sa mga sandaling iyon dahil isa pa lamang siyang bagong silang na sanggol, inihayag na ni San Juan Bautista ang kabutihan ng Diyos. Ang Diyos ay tunay ngang mabuti. Iyan ang ipinapaalala ni San Juan Bautista.
Sa Ikalawang Pagbasa, inilarawan ni Apostol San Pablo sa kanyang pangaral ang papel ni San Juan Bautista sa kasaysayan ng kaligtasan. Noong siya'y malaki na, ginamit ni San Juan Bautista ang kanyang bibig upang gampanan ang kanyang misyon. Ang kanyang misyon ay ihayag ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng paghanda sa daraanan ni Kristo. Ginamit ni Juan Bautista ang kanyang mga labi upang tulungan ang mga Israelita na ihanda ang kanilang mga sarili para sa pagdating ng ipinangakong Mesiyas na si Hesus. Hindi niya ginamit ang kanyang mga labi upang magpasikat at agawin ang atensyon ng mga tao mula kay Hesus, ang tunay na Mesiyas. Bagkus, tinulungan niya ang mga tao upang ihanda ang kanilang mga sarili para sa pagdating ni Kristo.
Hindi nagkaroon ng ambisyon si San Juan Bautista na pabanguhin ang kanyang sarili sa mata ng madla kailanman. Hindi niya hinangad o binalak na linlangin ang mga tao upang lalo pa siyang sumikat. Bagkus, pinili niyang tuparin ang misyong ibinigay sa kanya ng Panginoong Diyos. Sabi nga sa Unang Pagbasa, "Pinili na ako ng Panginoon bago pa isilang at hinirang Niya ako para Siya'y paglingkuran (Isaias 49, 1). Iyan si San Juan Bautista. Pinili niyang maglingkod sa Panginoong Diyos nang may katapatan hanggang sa huli. Sa pamamagitan ng kanyang tapat na paglingkod sa Diyos bilang tagapaghanda ng daraanan ng Mesiyas, inihayag ni Juan Bautista ang kabutihan ng Diyos.
Ipinapaalala sa atin sa araw na ito na ang Panginoon ay tunay ngang mabuti. Ang kabutihan ng Panginoong Diyos ay hindi magwawakas kailanman. Sa tulong ni San Juan Bautista, maakit nawa tayo muli sa kagandahan ng kabutihan ng Diyos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento