27 Hunyo 2020
Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo
Ebanghelyo: Juan 19, 25-27
Sa Ebanghelyo para sa araw na ito, inihabilin ng Panginoong Hesus ang Mahal na Birheng Maria sa pangangalaga ni Apostol San Juan. Subalit, hindi lamang si Maria ang inihabilin ni Hesus. Bagkus, si Apostol San Juan ay inihabilin rin ni Hesus sa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria. Ito'y madalas nating hindi napapansin kapag binabasa o pinapakinggan natin ang bahaging ito ng Pasyon ni Kristo. Si Apostol San Juan ay inihabilin rin ni Hesus sa Mahal na Ina. Sa sandaling iyon, inihabilin ng Panginoong Hesukristo ang sambayanang Kristiyano sa maka-inang pagkalinga ni Maria. Inihabilin ni Hesus ang Simbahan sa pangangalaga ni Maria.
Hindi tayo karapat-dapat na maging mga anak ni Maria tulad ni Hesus. Ang Mahal na Birheng Maria ay Ina ng Diyos. Kaya naman, bakit naman ihahabilin ni Hesus, ang Diyos na nagkatawang-tao, ang sambayanang Kristiyano na binubuo ng mga makasalanan sa pangangalaga ng Kanyang Mahal na Ina?
Inihabilin ni Hesus ang bawat isa sa atin na bumubuo sa Simbahan sa maka-inang pag-aruga ng Mahal na Birheng Maria sa kabila ng ating pagkamakasalanan dahil sa Kanyang pag-ibig para sa atin. Ibinigay Niya sa atin ang Mahal na Birheng Maria upang tayo ay samahan at saklolohan sa lahat ng oras. Kapag dumating ang mga oras ng pagsubok sa buhay, mayroon tayong matatakbuhan. Sasaklolohan tayo ng Mahal na Ina. Hindi niya tayo pababayaan.
Mayroon tayong Ina na handang sumaklolo sa atin, ang Mahal na Birheng Maria. Siya ang ibinigay sa atin ni Kristo upang maging ating saklolo sa lahat ng oras. Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng Laging Saklolo, ang mga pagsubok na haharapin natin sa buhay ay ating malalampasan at mapagtatagumpayan. Ang bawat isa sa atin ay hindi niya pababayaang mabigo, matalo, at mapahamak kahit kailan. Iyan ang ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento