21 Hunyo 2020
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Jeremias 20, 10-13/Salmo 68/Roma 5, 12-15/Mateo 10, 26-33
Bagamat ang mga salita ng Panginoong Hesus sa Ebanghelyo ay para sa mga alagad upang sila'y magkaroon ng lakas ng loob kapag sinimulan nila ang kanilang misyon bilang Kanyang mga saksi, masasabi ring isa itong babala para sa mga hindi makikinig o tatanggap sa kanilang pagpapatotoo tungkol sa Kanya. Ang sabi ni Hesus sa mga apostoles, hindi nila dapat katakutan ang mga may kakayahang pumatay ng katawan lamang kundi ang may kakayahang pumatay ng katawan at kaluluwa sa impyerno (Mateo 10, 28).
Nalalaman ni Hesus na may mga hindi tatanggap sa mga patotoo ng mga apostol tungkol sa Kanya. Kaya, sinasabi ng Panginoon sa mga apostol na ang mga ayaw makinig o tumanggap sa kanilang patotoo tungkol sa Kanya ay magbabayad rin balang araw. Napakatindi ng kanilang sasapitin kapag hindi tinanggap si Kristo. Sila ay ibabagsak sa impyerno.
Magtataka siguro ang marami kung bakit nasabi ni Kristo ang mga salitang ito sa Ebanghelyo. Tila, nasanay na ang karamihan sa atin sa pagsasalarawan kay Kristo bilang isang Panginoon mahabagin at maibigin. Tulad na lamang ng paglarawan ni Apostol San Pablo sa awa at kagandahang-loob ng Diyos sa Ikalawang Pagbasa. Inilarawan niya kung paanong inihayag ng Diyos ang Kanyang kagandahang-loob para sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Kristo. Kaya naman, ang mga salitang namutawi mula sa mga labi ni Kristo ay tiyak na nakakagulat.
Hindi ba mahalaga sa Diyos ang buhay ng bawat tao? Hindi ba ang Panginoon ay puspos ng awa at habag?
Oo, mayroong awa at habag ang Diyos. Ang Diyos ay may kagandahang-loob para sa sangkatauhan. Subalit, hindi ibig sabihin nito na kukunsintihin Niya ang mga pang-aapi, pang-aabuso, at iba pang mga kasalanan. Ang Diyos ay mayroon ring katarungan. Ito ang inilarawan ni propeta Jeremias sa Unang Pagbasa. Ililigtas ng Diyos ang mga api mula sa mga gumagawa ng masama (Jeremias 20, 13). Ang paggawa ng iba't ibang mga kasalanan katulad na lamang ng pang-aapi ay hindi kukunsintihin ng Diyos kailanman. Iyan ay dahil ang kasamaang katulad ng pang-aapi ay isang katangian ng mga hindi tumatanggap sa Panginoon.
Labag man sa kalooban ng Panginoon na may maparusahan magpakailanman sa impiyerno, hindi Siya papayag na makakapasok sa Kanyang kaharian sa langit ang mga mapang-abuso at mapang-api. Pagbabayarin ng Panginoon ang mga ayaw tumanggap sa Kanya at nagpapatuloy sa paggawa ng kasamaang katulad ng pang-aabuso at pang-aapi.
Kaya naman, may panawagan ang Panginoon para sa atin. Tanggapin natin Siya nang buong puso. Habang tayo'y naglalakbay sa daigdig, ipakita natin ang ating taos-pusong pagtanggap sa Kanya. Itigil na natin ang pang-aabuso at pang-aapi, lalung-lalo na sa mga mahihirap. Ang buhay ng bawat tao ay dapat pahalagahan at igalang. Pagsisihan natin ang ating mga kasalanan. Iyan ang mga katangian ng mga tunay na tumatanggap sa Panginoon.
Ang buhay natin dito sa mundo ay pansamantala lang. Kaya, habang may panahon pa, tanggapin natin ang Panginoon sa ating buhay. Huwag na nating patigasin ang mga puso't loobin natin sa Kanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento