8 Abril 2018
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B)
"Linggo ng Banal na Awa"
Mga Gawa 4, 32-35/Salmo 117/1 Juan 5, 1-6/Juan 20, 19-31
Ang Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ay kilala rin bilang Linggo ng Banal na Awa. Inihabilin ng Panginoong Hesus sa isa sa Kanyang mga aparisyon kay Santa Faustina na ipagdiwang ang Kapistahan ng Banal na Awa sa unang Linggo matapos ang Pasko ng Muling Pagkabuhay. Ang Pagsisiyam sa karangalan ng Banal na Awa ay sinimulan noong Biyernes Santo. At siyam na araw makalipas ang Biyernes Santo, ipinagdiriwang ang Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay na siya ring Linggo ng Banal na Awa. Ang dakilang araw na ito'y inilaan sa taimtim na pagninilay at pagpapalalim ng ating pang-unawa tungkol sa misteryo ng Awa ng Diyos na ipinamalas sa lahat sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Ang bawat isa'y binibigyan ng pagkakataong damhin ang Dakilang Awa ng Diyos na siyang sanhi ng ating kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo sa pistang ito.
Binibigyang-diin sa araw na ito na tunay ang Banal na Awa. Hindi gawa-gawa, hindi guni-guni ang Banal na Awa. Ang Dakilang Awa ng Diyos ay hindi lamang isang hamak na konsepto na dapat pag-aralan kung ito ba'y totoo o hindi. Ang Banal na Awa ay isang misteryo tungkol sa katangian ng Diyos. At ang mga misteryong katulad nito ay dapat nating pagnilayan nang buong kataimtiman. Sapagkat sa pamamagitan ng mga misteryo, ang Diyos ay nagpapakilala ng Kanyang sarili. Sa misteryo ng Banal na Awa, ang Diyos ay nagpapakilala sa atin bilang Panginoon at Tagapagligtas na puspos ng awa para sa lahat. At ang Awa at Habag ng Diyos ang dahilan kung bakit ipinasiya Niyang tayo'y iligtas sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
Malaki ang koneksyon ng mga Pagbasa sa pagdiriwang para sa araw na ito. Tampok sa mga Pagbasa para sa araw na ito ang karanasan ng mga apostol ng Banal na Awa ng Panginoon. Naranasan ng mga apostol ang Banal na Awang hatid ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay. Ito naman ang kanilang pinatotohanan sa lahat ng tao mula sa iba't ibang lipi, wika, bayan, at bansa sa buong daigdig. Sa kanilang paglalakbay patungo sa iba't ibang lugar sa kanilang pagmimisyon, ang Awa ng Diyos na naihayag sa pamamagitan ng Panginoong Muling Nabuhay ang paksa ng kanilang pangangaral at pagpapatotoo.
Wika ni Apostol San Juan sa huling bahagi ng Ikalawang Pagbasa na naparito si Hesus sa sanlibutan. Ano ang dahilan ng pagparito ni Hesus? Si Hesus ay pumarito upang ibubo ang Kanyang Dugo sa Kanyang kamatayan para sa ating kaligtasan. Isa itong pagsasalarawan ng Banal na Awa. Si Hesus ay pumanaog sa sanlibutan upang tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan ng Misteryo Paskwal ni Hesus, ang Kanyang krus at Muling Pagkabuhay, nahayag ang tagumpay ng Banal na Awa. Ang Banal na Awang ito ang paksa ng pagpapatotoo ng mga apostol sa mga tao sa Unang Pagbasa. Ang mga apostol ay nagsilbing mga saksi ng Banal na Awang inihatid sa kanila ni Kristong Muling Nabuhay, ang Panginoon at Hari ng Awa.
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang dalawang pagpapakita ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay sa mga apostol. Dalawang ulit Siyang nagpakita sa mga apostol upang ibahagi sa kanila ang Kanyang Banal na Awa. Hindi Siya nagpakita sa mga apostol upang iparamdam sa kanila ang Kanyang galit at paghihiganti. Bagkus, nagpakita Siya sa kanila upang iparamdam sa kanila ang Kanyang Banal na Awa. Ang Banal na Awang nagtagumpay sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay. Dahil sa Kanyang Awa, dalawang ulit Niya itong ginawa. Ginawa Niya ito sa unang pagkakataon noong gabi ng unang Linggo ng Pagkabuhay. Siya'y nagpakita muli walong araw ang nakalipas upang ibahagi ito kay Tomas na hindi kasama ng ibang mga apostol noong una Siyang nagpakita.
Inihayag ni Tomas sa Ebanghelyo na hindi siya maniniwalang si Kristo ay nabuhay na mag-uli at nagpakita sa mga apostol hangga't nakita niya mismo ang mga sugat sa Kanyang mga katawan. Dahil sa Awa ng Panginoon, ipinagkaloob Niya ang kahilingan ni Tomas na puno ng pag-aalinlangan. Noong Siya'y nagpakita sa ikalawang pagkakataon, ipinakita ni Hesus ang mga sugat sa Kanyang mga kamay at paa, at sa Kanyang tagiliran. Wika ni Tomas nang makita ito, "Panginoon ko at Diyos ko!" (20, 28) Sa pamamagitan nito'y nahayag ni Tomas na tunay ngang nabuhay na mag-uli si Hesus. Nakita na rin niya sa wakas ang Muling Nabuhay na si Hesus, ang Panginoong mapagmahal at maawain. Nakita na rin niya ang Panginoong nagwagi laban sa kasalanan at kamatayan.
Ang mga sugat sa katawan ni Kristo ay tanda ng Kanyang Banal na Awa. Siya'y labis na sinugatan sa mga huling sandali ng Kanyang buhay. Tiniis Niya ang lahat ng mga pagpapahirap at pagpapakasakit sa kamay ng Kanyang mga kaaway. Si Hesus ay sinugatan nang Siya'y bugbugin, hampasan sa haliging bato, pinutungan ng koronang tinik, pinagpasan ng isang mabigat na krus, at ipinako sa mismong krus na Kanyang pinasan. At nang mamatay, Siya'y sinugatan ng sundalong nag-ulos ng kaniyang sibat. At nang Siya'y mabuhay na mag-uli, ipinakita ni Hesus ang Kanyang mga sugat upang patunayan na tunay ngang Siya'y puspos ng habag at pag-ibig para sa lahat. Ipinakita ng Panginoong Hesus ang mga sugat sa Kanyang katawan sapagkat ang mga ito'y palatandaan ng tagumpay ng Kanyang Banal na Awa. Ang mga sugat sa Kanyang Katawan ay Kanyang ipinakita upang patunayan na Siya nga ang Panginoong puspos ng pag-ibig at awa na nagtagumpay. Inihahatid Niya sa lahat ang Mabuting Balita ng tagumpay ng Kanyang Awa na nagdudulot ng kagalakan. Sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo, nagtagumpay ang Banal na Awa.
Hindi guni-guni ang misteryo ng Banal na Awa. Hindi ito gawa-gawa, hindi ito kathang-isip, hindi ito kalokohan, hindi ito pekeng balita. Tunay ang Banal na Awa. Tunay ang Banal na Awang hatid ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay. Ang mga sugat sa Kanyang katawan ang nagpapatunay na tunay ang Awang Kanyang hatid sa lahat. Dahil sa Kanyang Banal na Awa, tiniis ni Hesus ang lahat ng pagdurusa't pagpapakasakit hanggang sa mamatay upang makamit ang tagumpay sa Muling Pagkabuhay. Hinarap ni Hesus ang Kanyang Misteryo Paskwal para sa ating lahat. Ang krus at Muling Pagkabuhay ni Hesus ang sagisag ng tagumpay ng Banal na Awang sanhi ng ating kaligtasan. Ito ang ipinapaalala sa atin ng mga sugat sa katawan ng Panginoong Hesus. Dahil sa Kanyang Banal na Awa, tayong lahat ay Kanyang iniligtas sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento