29 Abril 2018
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B)
Mga Gawa 9, 26-31/Salmo 21/1 Juan 3, 8-14/Juan 15, 1-8
"Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin. Kumapit ka sa akin. Hindi Kita bibitawan." Ang mga salitang ito ay hango sa isang napakasikat na awitin. Napakaganda ang mensaheng hatid ng awiting ito, punung-puno ng kabuluhan, nagbibigay ng pag-asa sa bawat isa. Subalit, ang tanong - sino ba ang dapat nating kapitan? Sino ba dapat ang ating pagkatiwalaan?
Sa Ebanghelyo, winika ni Hesus sa mga apostol na mamumunga nang masagana ang mga mananatili sa Kanya. Ang Panginoong Hesus ang puno ng ubas at ang Kanyang mga alagad at tagasunod ang bumubuo sa mga sanga. Kung paanong ang mga sanga ay masaganang namumunga kapag ito'y nakakapit sa puno ng ubas, gayon din naman, ang bawat isa'y masaganang mamumunga kapag siya'y kumapit at nanatili kay Kristo at Siya naman sa kanya. Wala tayong magagawa, wala tayong halaga kapag hindi tayo kumakapit at nanatili kay Kristo. Tanging si Hesus lamang ang makakapagdulot sa atin ng kasaganaan ng bunga. Kapag tayo'y kumapit at nanatili sa Panginoong Hesukristo, ang ating pananampalataya, pananalig, at pag-ibig sa Kanya ay masaganang mamumunga.
Ito ang katangiang inilarawan sa Unang Pagbasa. Ang mga apostol at mga unang tagasunod ni Kristo ay kumapit at nanatili bang buong pananalig sa Kanya. Dahil sa pagkapit ng sinaunang sambayanang Kristiyano sa Panginoon, lalo silang tumatag at lumaganap. Lalong dumami ang mga umanib at nagpabilang sa sambayanang Kristiyano. Ang lahat ng iyon ay naging posible dahil sila'y kumapit at nanatiling tapat kay Kristo Hesus. Gaano mang karami ang mga pagsubok na kinailangan nilang harapin, hindi sila bumitaw kay Kristo. At dahil diyan, lalong lumago ang Simbahan sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig kay Kristo. Lalong dumami ang bilang ng mga umanib sa Simbahan. Lalong tumibay ang Simbahan; hindi ito natinag kahit kailan. At nananatili pa ring matibay ang Simbahang itinatag ng Panginoong Hesus sa batong si Apostol San Pedro magpahanggang ngayon.
Paano nga ba kumapit sa Panginoon? Ito'y sinagot ni Apostol San Juan sa Ikalawang Pagbasa. Para kay Apostol San Juan, ang bawat isa'y kumakapit at nananatili sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang mga utos. Tayo'y inuutusan ng Diyos na manalig sa Kanya na nagligtas sa ating lahat sa pamamagitan ni Kristo Hesus at magmahalan tulad ng Kanyang pagmamahal sa atin. Kung tunay tayong kumakapit sa Panginoon, tutuparin natin ang Kanyang mga utos. Ang pagtalima sa mga utos ng Panginoon ang nagpapatunay na tunay tayong kumakapit, nananatili, at pumapanig sa Kanya. Ang pagkapit at pananatili sa Panginoon ay tanda ng ating pananalig, pagsamba, at pagmamahal sa Kanya.
Dapat lagi tayong kumapit sa Panginoon. Siya ang dapat nating panaligan, sambahin, at asahan nang buong puso't kaluluwa. Siya lamang ang mapagkakatiwalaan at maaasahan sa bawat oras. Siya ang tunay na nagmamahal sa ating lahat. Kaya naman, nararapat lamang na Siya'y ating mahalin nang higit sa lahat. Marapat lamang na ibigay natin sa Kanya ang buong puso nating pananalig at pagsamba sa Kanya. Nararapat lamang na kumapit tayo sa Kanya na tumubos sa ating lahat dahil sa Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob. Nararapat lamang ibigay ang buo nating katapatan sa Kanya.
Iisa lamang ang puno ng ubas na dapat nating kapitan - ang Panginoong Hesus. Kumapit tayo sa Kanya; manatili tayo sa Kanya. Hayaan nating lumago ang ating pananampalataya, pananalig, pagmamahal, at pagsamba sa Kanya. Kung tayo'y kakapit sa Kanya, kung tayo'y mananatili sa Kanya, ang ating pananampalataya, pananalig, pagmamahal, at pagsamba sa Kanya ay mamumunga nang masagana. Mayroong gantimpala ang Ama para sa ating lahat kung ipapakita natin ang ating katapatan at pananalig sa Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng ating pagkapit sa Kanya. Sa pamamagitan ng pagkapit kay Kristo Hesus, inihahayag natin ang ating pagmamahal, pananalig, at pagsamba sa Kanya.
Kumapit kay Hesus, ang tunay na nagmamahal. Siya lamang ang nagbibigay ng saysay sa ating buhay. Kung hindi dahil sa Kanya, ang Panginoong maawain at mapagmahal, hindi magkakaroon ng kabuluhan ang ating buhay. At kung tayo'y kakapit sa Panginoon, ipagkakaloob sa atin ng Ama ang gantimpala ng kalangitan. Sapagkat ang pagkapit kay Hesus na ating Panginoon at Manunubos ay tanda ng ating katapatan, pagsamba, pananalig, at pagmamahal sa Kanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento