22 Abril 2018
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B)
"Linggo ng Mabuting Pastol"
Mga Gawa 4, 8-12/Salmo 117/1 Juan 3, 1-2/Juan 10, 11-18
Pinagninilayan tuwing sasapit Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ang isang titulo ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay. Ang titulong iyon ay ang titulo ng Mabuting Pastol. Ang Panginoong Hesus ay ipinapakilala ngayong Linggo bilang Mabuting Pastol. At bilang Mabuting Pastol, si Hesus ay mapagmahal at mapagkalinga sa Kanyang mga tupa. Tunay na minamahal at inaaruga ng Mabuting Pastol na si Hesus ang Kanyang mga tupa. Ang tunay na pagmamahal at pagkalinga ng Panginoong Hesukristo, ang Mabuting Pastol, sa Kanyang mga tupa ang paksang tinalakay sa mga Pagbasa para sa Linggong ito.
Sina Apostol San Pedro at San Juan ay nagpatotoo tungkol sa pag-ibig ng Diyos na inihayag sa pamamagitan ni Kristo Hesus sa Una at Ikalawang Pagbasa. Binigyang-diin ni Apostol San Pedro sa kanyang testimoniya sa harapan ng mga pinuno't matatanda ng bayan sa Unang Pagbasa ang Misteryo Paskwal ni Kristo. Si Kristo'y pinatay sa kamay ng mga autoridad sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, ngunit hindi nagtagal at Siya'y muling nabuhay sa ikatlong araw. Sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Kristo Hesus, nahayag ang dakilang pag-ibig ng Diyos. Nagwika naman si Apostol San Juan sa Ikalawang Pagbasa tungkol sa dakilang pag-ibig ng Diyos. Wika ni Apostol San Juan, ang dakilang pag-ibig ng Diyos ang dahilan kung bakit tayong lahat ay tinawag at tinuring Niyang mga anak Niya.
Inilarawan ng Panginoong Hesus sa Ebanghelyo kung ano uri Siya ng pastol. Bilang Mabuting Pastol, si Hesus ay mapagmahal at mapag-aruga sa Kanyang kawan. At ang pagmamahal at pagkalinga ni Hesus sa Kanyang mga tupa ay tunay. Hindi ito katulad ng ibang mga pastol na bahag ang buntot na tumatakas na lamang sa harap ng matinding panganib. Wika ni Hesus, "Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa." (10, 11) At iyon nga ang ginawa ni Hesus. Inialay ni Hesus ang Kanyang buhay sa krus sa Kalbaryo at nabuhay na mag-uli sa ikatlong araw para sa kaligtasan ng Kanyang kawan. Iyan ang pagmamahal ng Mabuting Pastol na si Kristo. Inialay Niya ang Kanyang buhay upang ang Kanyang mga tupa'y maligtas. Iyan ang inilarawan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ang krus at Muling Pagkabuhay ni Kristo Hesus ang nagpapatunay na tunay ang pagmamahal at pag-aruga sa Kanyang kawan. Tunay ngang Siya ang Mabuting Pastol.
Tayong lahat ay tunay ngang pinagpala sapagkat mayroon tayong pastol na tunay na nagmamahal at kumakalinga sa atin - si Hesus. Ang ating pastol ay ang Mabuting Pastol na si Hesus. Inihayag Niya kung gaano Niya tayo kamahal sa pamamagitan ng Kanyang Mahal na Pasyon at Muling Pagkabuhay. Ang Kanyang buhay ay kusa Niyang inialay para sa ating kaligtasan. Hindi Niya ipinahintulot na danasin natin ang matinding panganib na aakay sa atin patungo sa kapahamakan. Bagkus, tayong lahat ay Kanyang ipinagtanggol at iniligtas sa pamamagitan ng kusang paghahandog ng Kanyang sarili. Ipinakita Niyang tunay ang Kanyang pagmamahal at pag-aruga sa ating lahat na bumubuo sa Kanyang kawan.
Mayroon tayong misyon bilang sambayanang binuklod ng Panginoong Muling Nabuhay na Siyang ating Mabuting Pastol. Misyon natin ang magpatotoo tungkol sa Kanyang dakilang pag-ibig na nagdulot ng ating kaligtasan. Ipakilala natin sa lahat ang Mabuting Pastol na si Hesus. Ipakilala Siya sa lahat bilang Mabuting Pastol na may tunay na pagmamahal at pag-aruga sa Kanyang kawan. Ipakilala natin Siyang naghayag ng Kanyang pagmamahal at pag-aruga sa atin sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang buhay sa krus at nabuhay na mag-uli sa ikatlong araw upang tayong lahat na bumubuo sa Kanyang kawan ay maligtas.
Ang pagmamahal at pag-aruga ng Mabuting Pastol na si Kristo Hesus ay tunay ngang walang kapantay. Hinding-hindi mahihigitan o mapapantayan ang Kanyang pag-ibig at pag-aruga sa atin. Ito ang inilarawan ng Kanyang pagkamatay sa krus at Muling Pagkabuhay sa ikatlong araw.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento