2 Abril 2018
Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Mga Gawa 2, 14. 22-33/Salmo 16/Mateo 28, 8-15
Sa Ebanghelyo, ang Panginoong Hesus na Muling Nabuhay ay nagpakita sa mga babaeng pumunta sa libingan. Habang sila'y patakbong bumalik sa kinaroroonan mga apostol, sinalubong sila ng Muling Nabuhay na si Hesus sa daan. Binati ni Hesus ang mga babaeng pumunta sa libingan at isinugo sa mga apostol upang ipamalita sa mga apostol na tunay ngang Siya'y muling nabuhay. Nagpatotoo si Apostol San Pedro sa Unang Pagbasa tungkol sa pagpapakita ng Panginoong Muling Nabuhay sa kanila. Pinatay ang Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus, ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw. At nang mabuhay na mag-uli, si Hesus ay nagpakita sa kanila.
Ang nakakatawag ng pansin sa mga salaysay ng mga pagpapakita ng Panginoong Muling Nabuhay ay kung paano Niyang nilalapitan at binabati ang Kanyang mga tagasunod. Siya ang unang lumalapit at bumabati. Hindi Niya iniiwasan o nilalayuan ang Kanyang mga tagasunod na Kanyang nakakatagpo. Bagkus, kusa Niyang nilalapitan at binabati ang lahat ng Kanyang mga tagasunod na Kanyang pinagpapakitaan o di kaya nakakatagpo, tulad na lamang ng Kanyang ginawa sa mga kababaihang pumunta sa libingan na isinalaysay sa Ebanghelyo.
Nais ituro ni Kristo na kahit na Siya'y muling nabuhay, kahit iba na ang Kanyang kalagayan ng pag-iral kaysa sa iba, hindi Niya nilalayo ang Kanyang sarili mula sa atin. Bagkus, nais pa rin Niyang maging malapit sa atin. Nais Niyang lalo tayong mapalapit sa Kanyang loob. Batid Niya na tayong lahat bilang tao ay marupok. Batid Niya na tayong lahat ay makasalanan. Nahihiya tayong lumapit sa Kanya sapagkat ang ating mga kasalanan ang siyang dahilan kung bakit Siya ipinako sa krus at namatay roon. Kaya naman, nais ipakita ni Kristong Muling Nabuhay na higit na dakila ang Kanyang kapangyarihan kaysa sa kapangyarihan ng kasalanan. At tayong lahat ay nilalapitan Niya upang ating maranasan ang Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob na Siyang dahilan ng ating kaligtasan sa pamamagitan Niya.
Kahit hindi tayo karapat-dapat dahil sa ating mga pagkakasala, nilalapitan at binabati pa rin tayo ni Hesus. Siya ang lumalapit at bumabati sa atin. Nais ng ating Panginoon na maranasan natin ang Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob na ugat ng ating kaligtasan. Nais ng ating Panginoon na makinabang tayo sa Kaniyang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob na lumilinis sa atin mula sa ating mga kasalanan upang makasalo natin Siya sa banal na piging na Kanyang inihanda.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento