24 Marso 2019
Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K)
Exodo 3, 1-8a. 13-15/Salmo 102/1 Corinto 10, 1-6. 10-12/Lucas 13, 1-9
Photo credits: LUMO project (www.LumoProject.com) |
Sa Ebanghelyo, inilahad ni San Lucas ang panawagan ng Panginoong Hesus sa lahat na magsisi't magbalik-loob sa Diyos. Ginawa Niya ito sa pamamagitan ng isang babala at ng isang talinghaga. Isa lamang ang mensaheng nais iparating ng Panginoong Hesukristo sa lahat - pagsisihan, talikdan, at itakwil ang kasalanan at manumbalik sa Diyos habang may panahon pa.
Ang panawagang ito ni Hesus ay sumasalamin sa Kanyang awa't habag para sa lahat. Sa panawagan ni Hesus sa kabuuan ng Ebanghelyo, nakita kung gaano Niya kinahahabagan at iniibig ang lahat. Nais ng Panginoon na ang bawat isa'y maligtas, hindi mapahamak. Nais ng Diyos na makinabang ang bawat isa sa Kanyang awa't pag-ibig. Nais ng Diyos na mamuhay ang bawat isa sa Kanyang piling sa langit. Nais ng Panginoon na maranasan ng bawat isa ang biyaya ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Ito ang dahilan kung bakit nanawagan Siya sa lahat na magsisi't magbalik-loob sa Kanya. Hangad Niyang makasama ang lahat sa langit.
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit dumating si Hesus sa sanlibutan. Kahit na hindi naman kailangang gawin iyon, si Hesus ay dumating sa daigdig upang ihayag ang Kanyang habag at kagandahang-loob para sa lahat. Kung paanong ipinakita ng Diyos ang Kanyang habag para sa bayang Israel sa pamamagitan ng paghirang at pagsugo Niya kay Moises upang palayain sila mula sa pagkaalipin sa Ehipto, tulad ng nasasaad sa salaysay sa Unang Pagbasa at nabanggit ni Apostol San Pablo sa kanyang pangangaral sa Ikalawang Pagbasa, ipinakita ng Diyos ang habag Niyang walang kapantay para sa lahat sa pamamagitan ni Kristo.
Kaya naman, ang mga salita sa Salmo ay naangkop sa temang pinagtuunan ng pansin sa mga Pagbasa. "Ang ating mahabaging Diyos ay nagmamagandang-loob." (102, 8a) Ang mga kaganapang itinampok sa mga Pagbasa ay ilan lamang sa mga sandaling ipinamalas ng Diyos ang Kanyang habag at kagandahang-loob. Subalit, hindi mahihigitan ng mga ito sa naganap sa bundok ng Kalbaryo noong unang Biyernes Santo. Ang Diyos na nagkatawang-tao na si Kristo Hesus ay kusang naghain ng buhay sa krus para sa kaligtasan ng lahat. Ang ginawang paghahain ng sarili ni Hesus sa Kalbaryo ang pinakadakilang larawan ng habag at kagandahang-loob ng Diyos para sa lahat. Dahil sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Hesus, ang Kanyang Misteryo Paskwal, ang lahat ng tao'y naligtas.
Tayong lahat ay iniligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus upang makapiling natin Siya sa langit sa katapusan ng ating buhay dito sa lupa. Kaya naman, habang ang bawat isa sa atin ay naglalakbay dito sa lupa, dinggin natin ang panawagan ng Panginoon. Tayong lahat ay tinatawag ng Panginoon na magsisi't magbalik-loob sa Kanya habang may oras pa tayo. Kung ang panawagang ito ng Panginoon ay ating diringgin, inihahayag natin ang pagtanggap natin sa biyaya ng kaligtasang kaloob Niya. Ang sinumang tumanggap sa biyaya ng kaligtasang kaloob ng Panginoon sa lahat ay pagpapalain at isasama Niya sa Kanyang kaharian sa langit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento