10 Mayo 2020
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)
Mga Gawa 6, 1-7/Salmo 32/1 Pedro 2, 4-9/Juan 14, 1-12
Bagamat napapaloob sa panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang tampok na salaysay sa Ebanghelyo para sa Linggong ito ay mula sa ika-14 na kabanata ng Ebanghelyo ni San Juan. Ang Ebanghelyo para sa Linggong ito ay bahagi ng mga huling pangaral ng Panginoong Hesus sa mga apostoles bago Niya harapin ang Kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus. Bilang mga Kristiyano, alam natin na hindi nagtapos ang lahat para sa Panginoong Hesus sa krus. Ang kamatayan ng Panginoong Hesukristo sa krus ay hindi hudyat ng katapusan at kabiguan. Matapos mamatay sa krus, si Hesus ay nabuhay na mag-uli.
Ipinakilala ni Hesus ang Kanyang sarili sa Ebanghelyo gamit ang tatlong salita. Ang tatlong salitang ito ay daan, katotohanan, at buhay. Ang Panginoong Hesus ay ang daan, katotohanan, at buhay (Juan 14, 6). Ito ang dahilan kung bakit sa simula pa lamang ng salaysay sa Ebanghelyo ay sinabihan na ni Hesus ang mga apostol na huwag mabalisa, manalig sa Diyos, at manalig sa Kanya (Juan 14, 1). Dagdag pa ni Hesus matapos Niyang sabihing Siya ang daan, katotohanan, at buhay: "Walang makakalapit sa Ama kundi sa pamamagitan Ko" (Juan 14, 6).
Daan, katotohanan, at buhay. Ginamit ni Kristo ang mga salitang ito upang ipakilala ang Kanyang sarili. Mahalaga ring pagnilayan ang tatlong salitang ito. Subalit, ano nga bang mayroon sa mga salitang ito at ginamit ito ng Panginoong Hesukristo sa pagpapakilala ng Kanyang sarili?
Una, daan. Si Hesus ay ang daan. Siya ang daan patungo sa Ama. Sabi nga Niya matapos Niyang ipakilala ang Kanyang sarili bilang daan, katotohanan, at buhay: "Walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko" (Juan 14, 6). Iyan ang dahilan kung bakit si Hesus ay namatay sa krus alang-alang sa atin. Si Hesus ay nag-alay ng Kanyang buhay sa krus alang-alang sa atin upang ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng daan patungo sa langit. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sarili sa krus, ipinakita ni Hesus ang daan patungo sa Ama - Siya. Siya lamang at wala nang iba. Walang ibang daan tungo sa Amang nasa langit kundi si Hesus. Si Hesus ang daan na dapat nating tahakin kung hangad nating makapiling ang Amang nasa langit. Paano nating matatahak ang daang tungo sa Ama na mas kilala natin bilang si Hesus? Manalig at sumampalataya sa Kanya. Ipakita natin ang ating pananalig at pananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa. Kapag iyan ang ginawa natin, ipinapakita ng bawat isa sa atin ang pagtanggap natin kay Kristo Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Kapag si Kristo Hesus ay tinanggap natin bilang Panginoon at Tagapagligtas, tinatahak natin ang daan patungo sa Amang nasa langit na walang iba kundi Siya mismo.
Pangalawa, katotohanan. Si Hesus ang katotohanan. Si Hesus ang katotohanang ipinangaral sa Unang Pagbasa at Ikalawang Pagbasa. Sa Unang Pagbasa, buong sigasig na nangaral at nagpatotoo ang mga apostol tungkol sa katotohanang mas kilala bilang si Hesus sa bawat sandali ng kanilang misyon dito sa daigdig. Ito rin ang ginawa ni Apostol San Pedro sa Ikalawang Pagbasa. Pinatotohanan ng unang Santo Papa ng Simbahan na si Apostol San Pedro ang katotohanan na si Kristo sa kanyang pangaral sa Ikalawang Pagbasa. Ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo Hesus, ang katotohanan, ay ipinalaganap ng mga apostol nang buong sigasig sa bawat sandali ng kanilang misyon dito sa daigdig. Hindi sila tumigil kailanman. Ang misyong ito ay patuloy na tinutupad ng Simbahan hanggang sa kasalukuyan. Lumipas man ang maraming taon sa kasaysayan, ang Simbahan ay hindi tumigil sa pagpapatotoo tungkol sa katotohanan na si Kristo kailanman. Ang Panginoong Hesukristo ay ang katotohanang ating pinanaligan at sinasampalatayanan bilang mga Katoliko. Tayong lahat, bilang mga Kristiyanong bumubuo sa tunay at kaisa-isang Simbahang itinatag ni Kristo, ay buong puso't kaluluwang sumasampalataya at nananalig sa Kanya bilang ating katotohanan. Hindi ito magbabago kailanman.
Ikatlo, buhay. Si Hesus ay ang buhay. Siya ang pinagmulan ng buhay. Sabi nga sa Panalangin sa Banal na Awa na dinarasal tuwing sasapit ang ikatlo ng hapon: "O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos". Sa salaysay ng paglikha sa tao, hiningahan ng Diyos ang tao na Kanyang nilikha mula sa alabok (Genesis 2, 7). Napakalinaw na ang Diyos ay ang bukal ng buhay. Si Hesus ay Diyos. Siya ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo. Siya ang nagbibigay-buhay sa bawat isa sa atin. Siya ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Siya rin ang dahilan kung bakit ang bawat isa sa atin ay maaaring makibang sa biyaya ng buhay na walang hanggan sa langit. Hindi lahat ay makakapasok sa langit. Tanging ang mga dadaan sa Kanya ang makakapasok sa kaharian ng langit. Tanging ang mga tumatanggap, nananalig, at sumasampalataya sa Kanya nang buong katapatan hanggang sa huli ang makakapasok sa Kanyang kaharian sa langit. Kung nais nating matamasa ang buhay na walang hanggan sa langit, kailangan nating gawin ang mga ito. Iyan ay dahil si Hesus ay ang buhay. Siya ang nagbibigay-buhay at ang buhay. Kung wala si Hesus, wala tayong buhay.
Ang paalala ni Hesus sa pambungad ng salaysay sa Ebanghelyo ay hindi lamang para sa mga apostol. Ang paalalang ito'y para sa lahat ng mga Kristiyano. Lumipas man ang maraming taon mula noong ang mga salitang ito'y namutawi mula sa mga labi ng Panginoong Hesus, hindi ito magiging luma kailanman. Ang saysay ng mga salitang ito ay mananatili magpakailanman.
Kung tapat tayong nananalig at sumasampalataya sa daan, katotohanan, at buhay na si Hesus, wala tayong dapat ipangamba o ikabahala. Siya ang bahala sa atin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento