Huwebes, Enero 18, 2024

BIYAYA NG PAGBABAGONG-BUHAY

25 Enero 2024 
Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni Apostol San Pablo 
Mga Gawa 22, 3-16 (o kaya: Gawa 9, 1-22)/Salmo 116/Marcos 16, 15-18 

This faithful photographic reproduction of the painting (c. Between 1651 and 1670) La Conversion de Saint Paul by Giovanni Battista Gaulli (1639–1709), as well as the actual work of art itself from the Musée des Augustins, is in the Public Domain ("No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas, including the United States, where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer due to its age.


Ang Kapistahang ipinagdiriwang ng Simbahan sa araw na ito ay isang paggunita sa isang sorpresa mula sa Diyos. Isang dating masigasig na taga-usig ng Simbahan ay nagbagong-buhay. Dahil sa habag at awa ng Diyos, nagbagong-buhay ang dating taga-usig na ito ng Simbahan. Hindi na niya inilaan ang kaniyang sigasig at lakas sa pag-uusig ng mga sinaunang Kristiyano. Bagkus, inilaan na niya ito sa pagiging isang misyonero at apostol sa mga Hentil. Si Apostol San Pablo ang dating taga-usig na ito. 

Inilahad sa Unang Pagbasa kung paanong si Apostol San Pablo ay nagbagong-buhay at naging bahagi ng Simbahan. Mula sa pagiging taga-usig ng mga Kristiyano, naging bahagi ng Simbahan at isa ring apostol at misyonero si Apostol San Pablo. Ang lahat ng ito ay nangyari dahil sa habag at awa ng Panginoong Diyos. Niloob ng Panginoong Diyos na si Apostol San Pablo ay maging isang apostol at misyonero. Kahit na buong sigasig niyang inusig ang mga sinaunang Kristiyano noon, hindi ito naging dahilan na pagbawalan ng Diyos si Apostol San Pablo na maging bahagi ng Simbahan. Dahil sa habag at awa ng Diyos, ang Muling Nabuhay na si Jesus Nazareno ay nagpakita sa kaniya sa daan patungong Damasco. 

Nang magbagong-buhay si Apostol San Pablo, binuksan niya nang buong pananalig at kababaang-loob ang kaniyang sarili sa kalooban ng Diyos para sa kaniya. Buong pananalig at kababaang-loob niyang tinanggap ang misyon at tungkuling ibinigay sa kaniya ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. Inilarawan ng Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno sa mga apostol ang kanilang misyon sa Ebanghelyo. Sa mga salitang ito na binigkas ng Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno sa Ebanghelyo ang mga salita sa Salmong Tugunan. Ang kanilang misyon ay ipakilala sa lahat ng mga tao ang Mahal na Poong Jesus Nazareno. Tinanggap rin ni Apostol San Pablo ang misyong ito bilang apostol at misyonero ng Mahal na Poon at ibinuhos ang buo niyang sigasig at lakas sa pagtupad nito hanggan sa huli. 

Sinong mag-aakalang isang dating taga-usig ng Simbahan ay magbabagong-buhay at magiging isa sa mga apostol at misyonerong sumasaksi kay Kristo? Wala. Subalit, nangyari pa rin iyon dahil sa habag at awa ng Poong Jesus Nazareno. Maging bukas rin nawa tayo sa biyayang ito ng Poong Jesus Nazareno, gaya ni Apostol San Pablo. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento