Sabado, Oktubre 25, 2025

DALISAY NA PAGSAMBA ANG DAPAT IHANDOG SA BUKAL NG TUNAY NA PAG-ASA

21 Nobyembre 2025 
Paggunita sa Pagdadala sa Mahal na Birhen sa Templo 
1 Macabeo 4, 36-37. 52-59/1 Mga Cronica 29/Lucas 19, 45-48 


Tampok sa Ebanghelyo ang salaysay ng paglilinis sa Templo. Ang Templo ay nilinis ng ipinangakong Mesiyas at Manunubos na walang iba kundi ang Mahal na Poong Jesus Nazareno. Pinalayas Niya mula sa Templo ang lahat ng mga nagtitinda roon. Buong linaw na isinalungguhit ng Mahal na Poong Jesus Nazareno sa pamamagitan nito ang halaga ng paghahandog ng dalisay na papuri at pagsamba sa bukal ng tunay na pag-asa na walang iba kundi ang Diyos bilang pagpapahayag ng ating pasiyang manalig at umasa sa Kaniya nang taos-puso hanggang sa huli. 

Sa Unang Pagbasa, nilinis nina Judas Macabeo ang templo at itinalaga ito muli upang makapaghandog sila ng taos-pusong papuri, pasasalamat, at pagsamba sa bukal ng tunay na pag-asa na walang iba kundi ang Diyos. Mulat sila sa nais ng Diyos. Nais ng Diyos na handugan Siya ng taos-pusong papuri, pasasalamat, at pagsamba. Ipinasiya nina Judas Macabeo na tuparin ang nasabing hiling matapos ang kanilang tagumpay laban kay Lisias. 

Ang mga salita ng mang-aawit na tampok sa Salmong Tugunan ay isang paanyaya para sa lahat. Isa itong paanyaya na mag-alay ng taos-pusong papuri at pagsamba sa bukal Diyos. Katunayan, ito ang hinahanap ng Diyos. Hinahanap Niya ang lahat ng mga mag-aalay ng taos-pusong papuri, pasasalamat, at pagsamba sa Kaniya bilang tanda ng kanilang taos-pusong pasiyang manalig at umasa sa Kaniya. 

Hinahanap ng Diyos ang mga taos-pusong nananalig at umaaasa sa Kaniya. Iyon ay dahil sa bawat sandali ng kanilang pansamantalang paglalakbay dito sa daigdig, lagi nilang hinahandugan Siya ng dalisay na papuri, pasasalamat, at pagsamba. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento