29 Marso 2016 - Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Mga Gawa 2, 36-41/Salmo 32/Juan 20, 11-18
Sa Unang Pagbasa, nanawagan si Apostol San Pedro sa kanyang mga tagapakinig tungkol sa pagsisisi at pagtalikod sa mga kasalanan. Kinakailangan ng mga tao upang magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan at magpabinyag sa pangalan ni Hesus. Makakamit nila ang kaligtasan at kapatawaran mula sa Diyos. Dahil doon, marami sa mga tagapakinig nina Pedro at ng iba pang mga apostol ang nagpabinyag sa Pangalan ni Hesukristo. Dagdag pa nga ng Unang Pagbasa, ang bilang mga taong bininyagan ay tatlong libong sa araw na iyon.
Ang pagsisi't pagtalikod sa mga kasalanan at ang pagbibinyag sa Pangalan ni Kristo ang nagbigay ng matinding kagalakan sa kanila. Ang kagalakang ito ay hindi nagmula sa mundong ito kundi sa Panginoong Muling Nabuhay. Nagdulot ng matinding kagalakan para sa mga tao ang kanilang pagsisi't pagtalikod sa mga kasalanan at ang pagbibinyag sa Pangalan ni Hesukristong Muling Nabuhay. Ang dati nilang makasalanang pamumuhay ay kanilang tinalikuran at pinagsisihan. Nagkaroon sila ng bagong buhay mula sa Panginoong Muling Nabuhay noong sila'y nagpabinyag sa Kanyang Pangalan. At dahil sa bagong buhay na iyon, nagkaroon sila ng matinding kagalakan mula sa Kanya.
Sa Ebanghelyo, isang pagpapakita ng Panginoong Hesukristong Muling Nabuhay ang ating matutunghayan. Nagpakita ang Panginoong Hesukristong Muling Nabuhay kay Santa Maria Magdalena. Umiiyak si Maria Magdalena dahil nawala ang bangkay ni Hesus. Wala nang laman ang libingan ni Hesus. Akala ni Maria Magdalena na ninakaw ang bangkay ni Hesus. Akala ni Maria Magdalena na walang awa ang mga kaaway ni Hesus sa Kanya. Akala ni Maria Magdalena na dahil sa matinding galit at poot ng mga kaaway ni Hesus laban sa Kanya, ninakaw nila ang bangkay ni Hesus mula sa libingan.
Paano nagpakilala si Hesus kay Maria Magdalena? Tinawag Niya si Maria sa pamamagitan ng kanyang pangalan, "Maria!" Akala ni Maria Magdalena na si Hesus ay isang tagapag-alaga ng halamanan noong una niya itong nakita. Subalit, nagalak si Maria Magdalena nang marinig niya ang pagbati ni Hesus sa kanya. Mula sa pagiging malungkot, nagkaroon si Maria Magdalena ng matinding kagalakan at katuwaan. Ang sanhi ng kagalakan at katuwaang naramdaman ni Maria Magdalena ay si Hesus na Muling Nabuhay.
Kagalakan ang dulot ng Panginoong Muling Nabuhay. Kagalakan ang kaloob sa atin ng Panginoong Muling Nabuhay. Pinapawi Niya ang ating mga kalungkutan at takot. Ang lahat ng ating takot at kalungkutan ay binabago ni Kristong Muling Nabuhay. Nawawala ang ating mga kalungkutan at takot dahil sa Awa ng Panginoong Hesukristong Muling Nabuhay. Ano ang kapalit nito? Kagalakan at kapayapaan mula sa Panginoong Muling Nabuhay. Si Hesus, na Muling Nabuhay, ang nagbibigay sa atin ng kagalakan at kapayapaan sa ating buhay. At ang dahilan ng pagbabahagi sa atin ng Panginoong Muling Nabuhay ng kapayapaan at kagalakang mula sa Kanya ay ang Kanyang Awa at Habag sa ating lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento