Unang Wika (Lucas 23, 34)
"Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."
Buong buhay ni Hesus, awa ang Kanyang ipinakita. Hindi Siya nagtanim ng galit sa sinumang tao kahit kailan. Kahit noong Siya'y pinalayas ng Kanyang mga kababayan sa Nazaret, hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila. Hindi hinangad ni Hesus na sumpain ang Kanyang mga kababayan sa Nazaret dahil doon. O kaya noong ginawang palengke o pugad ng mga magnanakaw ang Templo, hindi nagtanim ng galit sa mga tindero't tindera at sa mga namamalit ng salapi si Hesus. Nagalit nga si Hesus noon, pero ang ikinagalit Niya ay ang kanilang ginawa, hindi ang mga tao mismo. Ginawang palengke at pugad ng magnanakaw ang Templo, ang Tahanan ng Diyos - iyon ang Kanyang ikinagalit. At kahit noong malaman ni Hesus na may mga masamang binabalak ang Kanyang mga kaaway laban sa Kanya, hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila. Bagkus, iisa lamang ang ipinakita at ipinadama ni Hesus sa bawat isa sa mga iyon - awa.
Karamihan din sa mga itinuturo ni Hesus sa Kanyang ministeryo ay tungkol sa awa at habag. Sa ilan sa Kanyang mga pagtuturo, binigyang-diin ni Hesus ang pagiging mahabagin katulad ng Amang nasa langit. Nagturo din Siya tungkol sa pag-ibig sa kaaway at pananalangin para sa mga tagausig. Ang tinuturo ni Hesus ay kabaligtaran ng tinuturo ng mundo. Kung ang turo ng mundo ay gamitin ang karahasan bilang pagganti sa mga ginawang masama laban sa iyo, ang turo naman ni Hesus ay gantihan ng awa at pag-ibig ang ating mga kaaway at ang mga gumawa ng masama laban sa atin. Ang turo ng sanlibutan - gamitin ang dahas bilang pagganti sa mga nagkamali sa iyo. Ang turo ni Hesus - gantihan ng awa at pagmamahal ang mga nagkamali o nagkasala laban sa iyo, gaano mang kalaki o kabigat ang kasalanang ginawa laban sa iyo.
Marami ding pinatawad si Hesus sa Kanyang ministeryo. Sa pamamagitan ng pagpapatawad, ipinadama ni Hesus sa mga makasalanan ang Awa at Habag ng Diyos. Naranasan ng mga pinatawad ni Hesus ang Kanyang awa noong sila'y pinatawad Niya. Isang halimbawa ay ang babaeng nahuling nakikiapid. Sa batas ng mga Hudyo, ang pakikiapid ay isang napakabigat na kasalanan. Napakabigat ng kaparusahang sasapitin ng mga nahuling nakikiapid - babatuhin sila hanggang kamatayan. Subalit, sa halip na hatulan ang babae, pinatawad ni Hesus ang babaeng iyon. Awa ang ipinakita at ipinadama ni Hesus sa babae sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kanya. Hinikayat din ni Hesus ang babae na Kanyang pinatawad na magbagong-buhay at huwag nang magkasala muli.
Sa mga huling sandali ng Kanyang buhay sa daigdig, awa pa rin ang ipinakita ni Hesus. Noong Siya'y ipinako sa krus, ipinagdasal ni Hesus ang Kanyang mga kaaway at tagausig. Sa Kanyang panalangin sa krus, hiniling ni Hesus sa Ama na patawarin ang Kanyang mga kaaway at tagausig. Hindi hiniling ni Hesus ang kapahamakan ng Kanyang mga kaaway. Hindi hiniling ni Hesus ang pagdurusa ng Kanyang mga kaaway. Hindi nanalangin si Hesus upang parusahan ng Ama ang mga nagpako sa Kanya sa krus. Hindi hinangad ni Hesus na magdusa ang Kanyang mga kaaway at tagausig. Bagkus, awa at kapatawaran ang hiniling ni Hesus sa Ama para sa sa mga umuusig sa Kanya.
Patuloy na humihingi ng awa at kapatawaran si Hesus sa Ama para sa ating lahat. Tayo ang dahilan kaya Siya ipinako sa krus. Nagdusa at namatay si Hesus sa krus dahil sa ating mga kasalanan. Ang ating mga kasalanan ang nagpako sa Kanya sa krus. Sa tuwing nagkakasala tayo, dinadagdagan natin ang pagdurusa ni Hesus. Nagdurusa si Hesus sa tuwing tayo ay nagkakasala. Subalit, hindi nagsasawa si Hesus sa paghingi ng awa at kapatawaran sa Ama para sa ating lahat. Paulit-ulit Siyang humihingi ng awa at kapatawaran mula sa Ama para sa ating lahat.
Tayong lahat ay mga makasalanan, hindi tayo karapat-dapat na makinabang sa Awa ng Diyos. Bilang tao, tayong lahat ay marupok at nagkakamali. Nagkakasala tayo dahil sa ating karupukan bilang tao. Dahil sa paulit-ulit nating pagkakasala, nagdurusa ang Panginoon. Hindi tayo karapat-dapat na makinabang sa Awa ng Panginoon. Sino tayo upang pahintulutan ng Panginoon na maranasan ang Kanyang Awa at makinabang dito? Mga abang makasalanan lamang tayo. Bakit pahihintulutan ng Panginoon na makinabang tayo sa Kanyang Awang walang hanggan, kahit alam Niyang tayong lahat ay mga abang makasalanan?
Gaano mang karami ang ating mga kasalanan at gaano mang kabigat ang mga ito, hindi mapapantayan ng mga ito ang lalim at kadakilaan ng Awa ng Diyos. Mas makapangyarihan ang Awa ng Diyos kaysa sa kapangyarihan ng kasalanan. Hindi mananaig ang kasalanan laban sa Awa ng Diyos. Laging magtatagumpay ang Awa ng Diyos. Ipinapakita ito ng Panginoong Hesus noong Siya'y ipinako sa krus. Humingi si Hesus ng kapatawaran para sa Kanyang mga kaaway, kahit gaano mang kasakit ang ginagawa nilang pagpako sa Kanya sa krus. Humingi din Siya ng kapatawaran para sa mga paglilibak na ginawa ng Kanyang mga kaaway habang Siya'y nakabayubay sa krus. Awa ang iginanti ng Panginoong Hesukristo sa Kanyang mga kaaway na nagpako at nanira sa Kanya.
Magkakatugma ang mensahe ng Mahal na Araw at ang tema ng Banal na Taon ng Awa. Ang Diyos ay maawain at mahabagin. Dahil sa Awa ng Diyos, inihain ni Hesus ang Kanyang sarili sa krus para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng sangkatauhan. Si Kristo ay nag-alay ng Kanyang buhay sa krus upang ipakita kung gaanong kadakila at kung gaanong kalalim ang Awa ng Diyos. Ang pag-aalay ng Panginoong Hesukristo ng Kanyang sarili sa krus ay tanda ng Awa at Habag ng Diyos sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng paghahain ng Panginoong Hesukristo sa krus, ipinakita at ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan kung gaanong kadakila at kalalim ang Kanyang Awa. Ito ang ating ginugunita sa mga Mahal na Araw. Ito ang ating inaalala at pinagninilayan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.
AWIT SA PAGNINILAY: "Pagkabighani"
Ikalawang Wika (Lucas 23, 43)

"Sinasabi Ko sa iyo: Ngayon di'y isasama Kita sa Paraiso."
May isang adbokasiyang inilunsad ng Romanong Katolikong Arkidiyosesis ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Pamantasang Adamson. Ito ang Ikapitong Utos: Huwag Kang Magnakaw. Hango ito sa ikapitong utos sa Sampung Utos ng Diyos - Huwag kang magnakaw. Ang layunin ng adbokasiya o kampanyang ito ng Simbahan sa Pilipinas ay labanan ang iba't ibang uri ng pagnanakaw sa lipunan - katulad ng katiwalian, kurapsyon, kasinungalingan, at pagdaraya. Mayroon silang ibinebentang mga damit kung saang nakaukit ang mga salitang Huwag Kang Magnakaw upang maipalaganap ang adbokasiya ng Simbahan laban sa iba't ibang uri ng pagnanakaw, bukod pa sa pisikal na pagnanakaw.
Hindi lamang iisa ang pamamaraan ng pagnanakaw. May iba't ibang uri ng pagnanakaw sa panahon ngayon. Laganap na sa lipunan ngayon ang iba't ibang uri ng pagnanakaw. Halimbawa, ang kasinungalingan. Sa pagsisinungaling, ninanakaw ang tiwala ng tao. Ninanakaw ang karapatan ng tao na malaman ang katotohanan. Ang pakikiapid ay isa ring uri ng pagnanakaw. Ninanakaw ang kabiyak ng puso o esposo ng isang tao mula sa iba. Ang pagpatay ay isa ring uri ng pagnanakaw. Kapag nakapatay ka ng isang tao, ninanakaw mo ang karapatan nila upang mabuhay. Sari-sari ang mga uri ng pagnanakaw sa ating lipunan. Iisa lamang ang layunin ng mga ito - magnakaw.
Ipinangako ni Hesus ang Paraiso sa isang magnanakaw na kilala sa tradisyong bilang si Dimas. Ayon sa mga dalubhasa sa Bibliya at sa pananampalatayang Katoliko, ito ay maituturing na kauna-unahang kanonisasyong isinagawa. Ang mga kanonisasyon ay isinasagawa ng Santo Papa at kadalasan itong ginaganap sa Basilika ni San Pedro Apostol sa Lungsod ng Vaticano. Sa bawat seremonya ng kanonisasyon, ipinapahayag ng Santo Papa sa harap ng mga Katoliko mula sa iba't ibang dako ng daigdig na ang isang tao ay isang ganap na santo. Pero sa dinami-daming mga kanonisasyong naganap sa kasaysayan, ito lang ang katangi-tanging kanonisasyong hindi isinagawa ng isang Santo Papa. Ang Panginoong Hesukristo ang nagsagawa at namuno sa kanonisasyong ito.
Kataka-taka. Ang Simbahan ay nakikipagdigma laban sa pagnanakaw, katiwalian, at kurapsyon. Subalit, ang unang santong itinanghal sa hanay ng mga banal ay isang magnanakaw. Kataka-taka ito. Ibig bang sabihin nito na ang langit ay tahanan ng mga magnanakaw pagkatapos ng kanilang pagpanaw? Paano nakapasok ang isang magnanakaw sa langit? Sabi pa nga ni Apostol San Pablo, "Walang pakinabang ang mga magnanakaw, masakim, mapaglasing, mapanlait, magdaraya, nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyusan, o nakikiapid sa kapwa-lalaki o kapwa-babae sa kaharian ng Diyos." (1 Corinto 6, 10) Kakaiba. Isang tao na naging magnanakaw buong buhay niya ay ginawang santo ni Kristo.
Paano nakapasok ang isang magnanakaw katulad ni Dimas sa langit? Paanong naging santo o banal ang isang katulad ni Dimas? Dahil sa Awa ng Diyos. Ang Awa ng Diyos ang gumabay sa isang taong katulad ni Dimas na lumapit sa Kanya upang humingi ng awa at kapatawaran, kahit sa mga huling sandali ng kanyang buhay. Namulat ang mga mata ni Dimas sa Dakilang Awa ng Diyos. Nakita ni Dimas ang Awa ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Inakay siya ng Awa ng Diyos patungo kay Hesus, ang Mukha ng Awa ng Diyos.
Noong nakipagtitigan si Dimas kay Hesukristo, ano ang kanyang nakita sa mga mata ni Hesukristo? Awa. Awa ang nakita ni Dimas sa mga mata ni Kristo sa mga sandaling iyon. Tiningnan ng Panginoong Hesus si Dimas na punung-puno ng awa. Walang galit ang makikita sa mga mata ni Hesus sa mga sandaling iyon. Bagkus, awa ang makikita sa Kanyang mga mata. Sa kabila ng mga paglilibak at pag-iinsultong ginawa ng mga tao at ng masamang magnanakaw na si Hestas laban kay Hesus, awa ang makikita sa Kanyang mga mata. At ito ang ipinakita ng Panginoong Hesukristo kay Dimas nang makipagtitigan Siya sa kanya.
Ginamit ni Dimas ang pagkakataong iyon upang hingin ang awa ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus. At pinagbigyan ni Hesus ang kahilingan ni Dimas - ipinangako Niya kay Dimas ang biyaya ng Paraiso. Makakapiling na ni Dimas ang Panginoong Hesus sa Paraiso. Kahit napakabigat ng mga kasalanang ginawa ni Dimas, nakamit niya ang biyaya ng Paraiso. Kahit napakarami siyang ninakaw buong buhay niya, makakasama niya ang Panginoon sa Paraiso. Bakit? Ginamit ni Dimas ang mga huling sandali ng kanyang buhay upang magsisi at magbalik-loob sa Diyos. Humingi si Dimas ng awa mula kay Hesus, kahit siya ay nasa bingit ng kamatayan sa mga sandaling yaon, at ito'y pinagkalooban ni Hesus.
Kung ginamit ni Dimas ang huling pagkakataong binigay ng Diyos sa kanya upang magsisi at humingi ng awa at kapatawaran, paano naman tayo tutugon sa bawat pagkakataong ibinigay ng Diyos upang pagsisihan ang ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya? Paano ba tayo tutugon sa paanyaya ng Diyos na magsisi at magbagong-buhay? Gagamitin ba natin ang bawat pagkakataong ibinigay ng Diyos sa atin upang magsisi at magbalik-loob sa Kanya? Binibigyan tayo ng Diyos ng pagkakataong magsisi at magbalik-loob sa Kanya. Tayo ang papasiya kung gagamitin natin ang pagkakataong iyon upang pagsisihan ang ating mga kasalanan, magbagong-buhay, at magbalik-loob sa Diyos.
Lubhang maawain ang Panginoong Diyos. Hindi Siya nagsasawa sa pagbibigay ng awa at kapatawaran sa mga makasalanan. Kahit paulit-ulit na nagkakasala ang tao, nakahanga ang Panginoon upang ipagkaloob sa tao ang Kanyang Awa at Kapatawaran. Kaya, huwag tayong matakot na lumapit sa Kanya upang humingi ng awa mula sa Kanya. Walang makasalanang lumalapit sa Panginoon upang magsisi at magbalik-loob sa Kanya na Kanyang itinakwil. Ipagkakaloob ng Diyos ang Kanyang Awa sa sinumang humihiling at nagnanais nito, kahit sa pinakamasahol na makasalanan. Ang pagsisisi at pagbabalik-loob ng isang makasalanan ay nakakapagbigay ng matinding kagalakan para sa Diyos.
AWIT SA PAGNINILAY: "Pag-Ibig Ko"
Ikatlong Wika (Juan 19, 25-27)
Makapangyarihan ang kamay. Marami ang nagagawa ng mga kamay. Kung ang utak ang nag-iisip at nagpaplano, ang mga kamay naman ang gumagawa. Maaaring gamitin sa mabuti o masama ang kamay. Ang kamay ay maaaring maging sanhi ng kabutihan. Halimbawa, ginagamit ang mga kamay sa pagkakawanggawa at pagtulong. Maaari din naman maging sanhi ng kasamaan ang kamay. Halimbawa, ginagamit ang kamay upang magnakaw at mang-abuso. Nasa utak ng tao ang iniisip at pinaplano, nasa mga kamay ng tao ang paggawa. Tayo ang magpapasya kung gagamitin natin sa kabutihan o sa kasamaan ang ating mga kamay. Iba talaga ang kapangyarihan ng mga kamay.
Ginamit ng Panginoong Hesus ang Kanyang mga kamay upang gumawa ng kabutihan para sa kapwa. Ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay upang magpagaling ng mga maysakit, magpatawad ng mga kasalanan, magturo tungkol sa Awa ng Diyos, at buhayin ang mga patay katulad ni Lazaro. Sa pawang kabutihan lamang ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay. Maraming kabutihang ginawa si Hesus gamit ang Kanyang mga kamay. Hindi ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay sa kasamaan. Bagkus, ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay para sa pawang kabutihan lamang.
Taliwas naman ang ginawa ng mga kaaway ni Hesus. Kung ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay para gumawa ng kabutihan, ginamit naman ng mga kaaway ni Hesus ang kanilang mga kamay upang gumawa ng masama. Ginamit nila ang kanilang mga kamay upang dakipin si Hesus sa Halamanan ng Getsemani. Kaya nga, sinabi ni Hesus bago Siya dakipin, "Dadakipin at ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga makasalanan, at hahatulan ng kamatayan."
Hindi ginamit ni Poncio Pilato ang kanyang mga kamay upang gawin ang tama. Kahit nababatid ni Pilato sa kanyang isipan na wala namang masamang ginawa si Hesus, hindi niya magamit ang kanyang mga kamay upang mapalaya si Hesus. Kahit siya ang pinakamataas na opisyal sa lungsod noon, ang kumakatawan sa Cesar sa Roma noon, hindi niya magamit ang kanyang kapangyarihan upang mapalaya si Hesus. Ninais ni Pilatong mapalaya si Hesus, pero hindi niya magawa iyon dahil baka maghimagsik ang mga tao. Kaya, ginamit ni Pilato ang kanyang mga kamay upang pahintulutan ang taong-bayan na gawin nila ang kanilang naisin. Hinugasan pa nga ni Pilato ang kanyang mga kamay upang ipakita na wala siyang kinalaman sa kamatayan ni Hesus.
Sa tuwing tayo ay nagdedesisyon, ang ating mga kamay ang huling ginagamit. Kapag gumagawa tayo ng mga desisyon, ang una nating ginagamit ay ang ating isipan. Ang mga kamay ang nagbibigay ng kumpirmasyon sa ating mga desisyon. Kaya nga, sinasabi ng karamihan, darating ang panahon kung kailan mawawala ng bisa ang mga salitang namutawi mula sa ating mga bibig. Pero, ang mga isinulat ay hindi mawawalan ng bisa. Mas paniniwalaan pa raw ng mga tao ang mga isinulat kaysa sa mga salitang namutawi sa bibig ng isa't isa.
Tunay ngang makapangyarihan ang mga kamay. Mayroon tayong tinataglay na kapangyarihan sa ating mga kamay. Kinukumpirma ng ating mga kamay ang ating mga desisyon. Marami tayong napapasiyahan gamit ang ating mga kamay. Ang ating mga kamay ay napakahalaga sa pagpapasya natin araw-araw. Maaaring magmula ang kabutihan mula sa ating mga kamay. Maaari din namang magmula ang kasamaan mula sa ating mga kamay. Paano ba nating gagamitin ang ating mga kamay? Gagamitin ba natin ang ating mga kamay sa paggawa ng kabutihan o gagamitin ba natin ang ating mga kamay sa paggawa ng mga kamay?
AWIT SA PAGNINILAY: "Sumasamba, Sumasamo"

"Ginang, narito ang iyong anak... Narito ang iyong ina!"
Marami sa mga tagasunod ng Panginoong Hesus ang tumalikod sa Kanya. Ang una ay si Hudas Iskariote. Ipinagkanulo at ipinagbili ni Hudas si Hesus kapalit ng tatlumpung piraso ng pilak. Tinalikuran ng mga alagad (maliban kay San Juan Apostol) si Hesus sa Halamanan ng Getsemani. Nangako sila noong gabing iyon na ipagtatanggol nila ang Panginoon, subalit nang dumating ang oras, sila'y naduwag at nagsitakas. Iniwanan at pinabayaan nilang mag-isa ang Panginoon dahil sa tindi ng takot. Si San Pedro Apostol din ay tumalikod kay Hesus. Tatlong ulit niyang ipinagkaila si Hesus, kahit na sinabi niya noong una na hindi niya gagawin iyon. Ang mga taong sumalubong at nagbunyi sa Panginoong Hesukristo noong Linggo ay tumalikod sa Kanya. Noong hinarap ni Pilato si Hesus sa taong-bayan, hiniling ng taong-bayan ang Kanyang kamatayan sa krus.
Sa kabila ng mga ginawang pagtalikod kay Hesus, may mga nanatiling tapat sa Kanya. May mga taong hindi tumalikod at hindi nagpabaya sa Kanya. Kabilang na rito ang Mahal na Ina, ang Birheng Maria. Hindi pinabayaan ni Maria si Hesus sa mga huling sandali ng Kanyang buhay. Sinamahan ni Maria si Hesus hanggang sa Kalbaryo. Iwanan man ng lahat ng tao si Hesus, hinding-hindi iniwanan ni Maria si Hesus. Mamukhaan o makilala man si Maria ng mga opisyal at mga tao bilang ina ni Hesus, hinding-hindi niya pababayaan ang kanyang anak.
Makikita ang katatagan ng Mahal na Birheng Maria sa mga huling sandali ng buhay ni Hesus. Nang marinig ni Maria ang mga paratang at paglilibak ng taong-bayan kay Hesus, tiniis niya ang lahat ng iyon. Tiniis niya ang sakit dulot ng mga paglilibak at pag-iinsultong ginawa ng mga tao kay Hesus noong araw na iyon. Napakasakit para kay Maria na marinig ang mga paglilibak at pag-iinsulto ng taong-bayan laban kay Hesus. Pinapatay na nga ng mga tao si Hesus, nililibak pa nila Siya. Nadagdagan ang pagdurusa ni Maria sa kanyang puso't kalooban. Masakit na para kay Maria ang masaksihan ang kamatayan ng kanyang anak na si Hesus. Dinagdagan ang sakit ni Maria nang marinig niya ang paglilibak at pag-iinsultong ginawa ng taong-bayan laban kay Hesus.
Ang katapangan ng Mahal na Ina ay nakita rin natin sa pagpapakasakit at pagkamatay ng Panginoong Hesukristo. Iniwanan at pinabayaan ng mga alagad si Hesus sa Halamanan ng Getsemani dahil sa matinding takot sa mga opisyal. Natatakot sila dahil baka dakipin din sila kasama ni Hesus. Ayaw pa nilang mamatay. Subalit, hindi natakot si Maria sa mga opisyal at sa mga tao. Hindi natakot si Maria na baka makilala at mahuli dahil siya ang ina ni Hesus. Hindi siya natakot na makilala ng mga opisyal at mga tao. Bagkus, naglakas-loob si Maria na samahan si Hesus sa Kanyang pagdurusa. Balewala sa kanya ang mga posibleng mangyayari sa kanya. Ang mahalaga para kay Maria sa mga sandaling yaon ay samahan ang kanyang anak na si Hesus sa mga huling sandali ng Kanyang buhay. Kung iniwanan at pinabayaan ng mga alagad si Hesus sa halamanan, sinamahan naman ni Maria si Hesus hanggang sa huli.
Kasama ni Maria sa mga sandaling iyon si San Juan Apostol. Si San Juan Apostol ang nag-iisang alagad na naglakas-loob upang samahan ang Mahal na Birheng Maria sa kanyang pakikiisa sa pagdurusa ng Panginoong Hesus. Takot din siguro ang nararamdaman ni San Juan Apostol sa mga sandaling iyon, katulad ng mga kapwa niyang apostol. Subalit, kinailangang lakasan ni Juan ang kanyang loob para samahan si Maria at si Hesus sa kanilang pagdurusa.
Nang makita ni Hesus sina Maria at Juan, naawa Siya sa Kanyang nakita. Naawa si Hesus kay Maria sapagkat wala nang mag-aalaga para sa kanya. Wala nang mag-aalaga at mag-aaruga kay Maria kapag wala na si Hesus. Kahit nakita ni Hesus ang katatagan, katapatan, at katapangan ng Mahal na Birheng Maria sa mga sandaling iyon, naaawa Siya sa mangyayari sa Mahal na Birheng Maria kapag wala na Siya. Naawa din si Hesus kay San Juan Apostol. Kahit nagpupumilit si San Juan Apostol na magpakatatag sa mga sandaling iyon, nakikita ni Hesus ang takot na nararamdaman niya. Alam ni Hesus na natatakot si Juan sa mga sandaling iyon. Kaya, inihabilin ni Hesus sina Maria at Juan sa isa't isa.
Si San Juan Apostol ang nagsilbing kinatawan sa lahat ng mga mananampalataya kay Kristo sa mga sandaling iyon. Hindi lamang kay San Juan Apostol inihabilin ang Mahal na Birheng Maria, kundi sa lahat ng mga Kristiyano sa mundo. Tayong lahat ay inihabilin ni Kristo sa maka-inang pag-aalaga at pag-aaruga ni Maria. At bilang Ina ng Sambayanang Kristiyano, hinding-hindi iiwanan o pababayaan ni Maria ang kanyang mga anak. Bagkus, sasamahan ni Maria ang lahat ng kanyang mga anak hanggang sa huli, katulad ng ginawa niya para kay Kristo.
Inihabilin ni Hesus ang mga kaanib ng Kanyang Simbahan sa pag-aalaga ng Mahal na Birheng Maria. Alam ni Hesus na magsisilbing huwaran ng katapatan, katatagan, at katapangan si Maria sa mga kaanib ng Simbahan. Alam ni Hesus na ang paghahabilin sa mga kaanib ng Kanyang Simbahan sa maka-inang pag-aalaga ng Mahal na Ina ay makabubuti para sa mga kanila. Kung paanong hindi pinabayaan ni Maria si Hesus sa mga huling sandali ng Kanyang buhay, gayon din naman, hinding-hindi rin tayo pababayaan ni Maria sa bawat sandali ng ating buhay. Patuloy tayong ipagdadasal ng Mahal na Inang Maria sa ating kapatid at Panginoong Hesukristo sa bawat sandali ng ating buhay.
AWIT SA PAGNINILAY - "Stabat Mater Dolorosa" (Pergolesi)
Ikaapat na Wika (Mateo 27, 45; Marcos 15, 34)
"Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?"
Si Hesus ay naging tao katulad natin, maliban sa kasalanan. Kahit si Hesus ay Diyos, buong pagpapakumbaba Niyang piniling maging tao. Pinili Niyang maging taong katulad natin upang ipakita sa tao ang Awa at Habag ng Diyos. Ang Diyos ay nagkatawang-tao at namuhay dito sa mundo katulad natin, maliban na lamang sa kasalanan, sa pamamagitan ni Hesukristo. Sa pagkakatawang-tao ng Panginoong Hesukristo, ipinapakita ng Diyos na Siya ay kaisa at karamay ng sangkatauhan sa lahat ng bagay, maliban na lamang sa kasalanan.
Bilang Diyos na naging tao, naranasan ni Hesus ang pag-iisa, lalung-lalo na sa mga huling sandali ng Kanyang buhay. Mag-isa lamang si Hesus sa Kanyang pagdurusa sa kadiliman sa Halamanan ng Getsemani. Hindi dumamay ang Kanyang mga alagad sa Kanyang pag-iisa sa kadiliman ng Getsemani. Tinulugan ng mga alagad si Hesus sa Getsemani at pinabayaang manalangin nang mag-isa. Walang dumamay kay Hesus noong Siya'y nagdurusa sa Getsemani. Mag-isa lamang hinarap ni Hesus ang mga huling sandali ng Kanyang buhay.
Noong dinakip si Hesus ng mga kawal at opisyal sa halamanan, pinabayaan Siyang muli ng mga alagad. Tumakas ang mga alagad dahil sa matinding kaduwagan. Ang mga alagad na nangakong ipagtatanggol nila ang Panginoon ay tumalikod sa Kanya. Iniwanan ng mga alagad ang Panginoon na nag-iisa sa Halamanan. Pinabayaan nilang maidakip ng mga kawal at opisyales ang Panginoon. Ayaw nilang maidakip sila ng mga kawal. Ayaw pa nilang mamatay. Takot na takot silang mamatay. Kaya, iniwanan at pinabayaan ng mga alagad ang Panginoong Hesukristo sa Halamanan ng Getsemani.
Sa krus, isinambit ng Panginoong Hesus ang mga unang kataga ng Salmo 22. Ang Salmo 22 ay isang awit-panalangin patungkol sa isang taong nagdurusa. Sa simula ng Salmong ito, mapapakinggan natin ang pagdurusang dinanas ng taong ito. Subalit, sa bandang huli, ipinapahayag ng taong nagdurusa ang kanyang pananalig sa Diyos. Sa kabila ng mga pagdurusa at kapighatian sa buhay, hindi nawalan ng tiwala at pananalig ang taong ito sa Diyos. Kahit nasa harap ng pagdurusa ang taong ito, nananalig at nagtitiwala pa rin siya sa Panginoon.
Ang tinutukoy ng manunulat ng Salmo 22 ay si Hesus. Kahit Siya'y pinabayaan at tinalikuran ng Kanyang mga tagasunod, hindi nawalan ng tiwala si Hesus sa Diyos. Bagkus, nanatiling tapat at masunurin si Hesus sa Diyos. Matatag pa rin ang pananalig at tiwala ni Hesus sa Diyos. Talikuran man Siya ng Kanyang mga alagad at tagasunod, pabayaan man Siyang mag-isa sa Kanyang pagdurusa, nananalig at nagtitiwala pa rin si Hesus sa Ama. Nananalig si Hesus sa presensya ng Ama, sa kabila ng matinding pagdurusa. Lubos na nananalig at nagtitiwala si Hesus na kasama at karamay Niya ang Ama sa mga sandaling iyon.
Hinding-hindi nagpapabaya ang Diyos. Laging nating kasama at karamay ang Diyos. Kasama natin ang Diyos sa hirap at ginhawa. Hinding-hindi tayo pababayaan ng Diyos, lalung-lalo na sa mga sandali ng matitinding pagdurusa. Maaaring pababayaan tayo ng Diyos, kung naisin Niya. Subalit, ayaw ng Diyos na tayo ay magdusang mag-isa. Hindi papayag ang Diyos na pabayaan tayong magdurusa. Bagkus, pinili ng Diyos na samahan at damayan tayo sa bawat yugto ng ating buhay, sa pagdurusa at kaginhawaan. Sa pamamagitan ng pananatiling kasama natin sa bawat sandali ng ating buhay, ipinapakita at ipinapadama ng Diyos ang Kanyang Awa at Habag sa ating lahat.
Kung hindi nagpapabaya ang Diyos, nasaan Siya sa mga sandali ng pagdurusa at kapighatian? Kaisa natin Siya sa ating pagdurusa. Nararamdaman ng Diyos ang bawat sakit na ating nararamdaman. Nakikiisa ang Diyos sa ating pagdurusa. Ang Diyos ay nagdurusa sa katahimikan kasama natin. Tahimik ang Diyos sa mga sandali ng pagdurusa at kapighatian sapagkat nararamdaman din Niya ang sakit at kapighatiang ating nararamdaman. Tahimik na nakikiisa at nakikiramay ang Diyos sa ating mga pagdurusa sa buhay, ang ating mga "Kalbaryo".
Huwag tayong mawalan ng pananalig at tiwala sa Diyos. Lagi nating tandaan na hindi nagpapabaya ang Diyos. Lagi nating kasama at karamay ng Diyos sa hirap at ginhawa. Sa bawat sandali ng ating buhay, kasama natin ang Diyos. Sa hirap at ginhawa, nandiyan ang Diyos kasama natin. Dahil sa Kanyang Awa at Habag sa atin, lagi tayong sinasamahan at dinadamayan ng Diyos sa bawat sandali ng ating buhay. Nagtiwala at nanalig si Hesus na kasama Niya ang Ama sa mga huling sandali ng Kanyang buhay. Manalig at magtiwala din nawa tayo na kasama at karamay natin ang Diyos sa bawat sandali ng ating buhay.
AWIT SA PAGNINILAY - "Huwag Kang Mangamba"
Ikalimang Wika (Juan 19, 28)
"Nauuhaw Ako!"
Marami ang kinauuhawan ng tao ngayon, bukod pa sa literal na pagkauhaw. May mga pagkauhaw ang tao na hindi mapapawi ng tubig lamang. May mas malalim na hinahangad ang tao kaysa sa tubig. Nandiyan ang pagkauhaw para sa atensyon. Nauuhaw ang tao upang mapansin sila ng iba. Gagawin nila ang lahat, mapansin lamang nila ang iba. May mga tao din na uhaw sa pagmamahal. Gusto nila maramdaman ang pagmamahal ng iba. Para sa kanila, walang nagmamahal sa kanila. Walang makakapagbigay ng pagmamahal na hinahanap nila.
Ganun din ang naramdaman ni Hesus noong Siya'y ipinako sa krus. May pagkauhaw na naramdaman si Hesus noong Siya'y ipinako sa krus. Bukod pa sa literal na pagkauhaw dala ng pagbawas ng dugo mula sa Kanyang Katawan, may pagkauhaw din si Hesus na hindi mapapawi ng tubig o ng anumang inumin. Ang kinauuhawan ni Hesus ay ang pananalig at pagtitiwala ng sangkatauhan sa Kanya. Hangad ni Hesus ang pananalig at pagtitiwala ng tao sa Kanya. Ang tao ang dahilan kaya inihain ni Hesus ang Kanyang sarili sa krus.
Nais ni Hesus na manalig ang sangkatauhan sa Awa ng Diyos. Awa ng Diyos ang dahilan kaya dumating si Hesus sa sanlibutan. Naparito si Hesus sa sanlibutan upang ipakita at ipadama sa sangkatauhan ang Awa ng Diyos. Kung hindi dahil sa Awa ng Diyos, hindi bababa si Hesus mula sa langit upang maging Tagapagligtas ng sangkatauhan. Hindi tatawid si Hesus mula langit patungong lupa upang maging Manunubos ng sangkatauhan kung hindi dahil sa Awa ng Diyos. Si Hesus ay pumarito sa sanlibutan bilang ating Tagapagligtas upang ipakita at ipadama sa lahat ang Awa ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan para sa ating lahat.
Ayaw ni Hesus na mawalan ng saysay ang Awa ng Diyos. Ayaw ni Hesus na mawalan ng kabuluhan ang Kanyang paghahain sa krus. Kaya, dalawang salita ang binigkas ni Hesus upang makuha Niya ang pansin ng sangkatauhan. "Nauuhaw Ako!" Uhaw Siya para sa pananalig ng sangkatauhan sa Kanya. Ang ating pananalig sa Kanya ang tinutukoy ng Panginoon noong binigkas Niya ang mga katagang, "Nauuhaw Ako!" Tayo ang kinauuhawan ng Panginoon. Uhaw ang Panginoong Hesus para sa ating pananalig at pagtitiwala sa Kanya.
Maraming mga "Gawa ng Awa" ang ginawa ni Hesus para sa atin. Isa na roon ang Kanyang pagparito sa lupa bilang Tagapagligtas ng sangkatauhan. Alam ni Hesus na matindi ang pangangailangan ng sanlibutan para sa isang tagapagligtas. Kaya, bilang tugon sa matinding pangangailangang iyon, ang Ikalawang Persona ng Banal na Santatlo na si Hesukristo ay bumaba mula sa langit, nagkatawang-tao, at ibinigay ang Kanyang sarili sa sangkatauhan bilang Tagapagligtas.
Si Kristo naman ang humihingi sa wikang ito. Matindi ang pangangailangan ni Kristo. Tayo lamang ang makakatugon sa matinding pangangailangang ito ni Kristo. May isang bagay na hinihingi Niya sa atin - ang ating pananalig. Manalig at magtiwala tayo sa Panginoon. Manalig at magtiwala sa Awa ng Panginoon. Sa pamamagitan ng panananalig at pagtitiwala sa Panginoon, pinapawi natin ang Kanyang pagkauhaw. Ang ating pananalig at pagtitiwala sa Panginoon ang nagbibigay ng kabuluhan sa Kanyang paghahain sa krus.
Ibinigay ni Hesus ang Kanyang sarili sa ating lahat bilang Tagapagligtas. Ito'y bilang tugon sa matinding pangngailangan ng sangkatauhan para sa isang tagapagligtas. Sa pamamagitan nito, ipinakita ni Hesus ang Kanyang Awa at Habag sa ating lahat. Hinahamon naman tayo ni Hesus na tumugon sa Kanyang pangangailangan. Kailangan ni Hesus ang ating pananalig at pagtitiwala sa Kanya upang magkaroon ng saysay ang Kanyang pag-aalay ng sarili sa krus. Katulad ni Hesus, magkaroon nawa tayo ng awa at habag at ibigay natin sa Kanya ang ating buong pananalig at pagtitiwala sa Kanya upang mapawi ang Kanyang pagkauhaw.
AWIT SA PAGNINILAY: "Awit ng Paghahangad"
Ikaanim na Wika (Juan 19, 30)
"Naganap na!"
Napakahirap ng mga pinagdaanan ni Hesus. Sa mga huling sandali ng Kanyang buhay, napakaraming hirap at pagdurusa na Kanyang tiniis at dinanasan. Pinagtiisan Niya ang sakit dulot ng paghahagupit sa Kanya. Maraming dugo ang dumaloy mula sa Kanyang Katawan dahil sa paghahagupit sa Kanya. Tiniis din Niya ang sakit dulot ng koronang tinik. Lalo pang dumami ang dugong dumaloy mula sa Kanyang Katawan. Pinasan Niya ang isang mabigat na krus mula sa palasyo ni Pilato hanggang sa Golgota. Tiniis din Niya ang sakit dulot ng mga pako. At higit sa lahat, tiniis Niya ang lahat ng mga paglilibak at pag-iinsultong ginawa ng Kanyang mga kalaban sa Kanya habang Siya'y nakabayubay sa krus.
Sulit ang mga pagdurusang tiniis at dinanas ni Hesus. Papalapit na ang wakas ng Kanyang misyon. Matatapos na ang Kanyang misyon. Makikita na Niya ang tagumpay sa gitna ng pagdurusa. Alam ni Hesus na makukumpleto na ang Kanyang misyon bilang Tagapagligtas ng sangkatauhan. Kaya, kahit Siya ay naghihingalo sa krus, buong tagumpay Niyang isinambit ang mga salitang "Naganap na!" Ang mga salitang iyon ang nagpahayag ng tagumpay ni Hesus, sa kabila ng pagdurusa at hapis sa mga sandaling iyon.
Ipinahayag ni Hesus sa salitang ito ang tagumpay ng Awa ng Diyos. Nagtagumpay ang Awa ng Diyos laban sa kasamaan at kasalanan. Sa digmaan laban sa kasamaan at kasalanan, nagtagumpay ang Awa ng Diyos. Nakamit ni Hesus ang tagumpay nang hindi dinadaanan sa dahas. Hindi dinaanan sa dahas ang pakikipagdigma ni Hesus sa kasalanan at kasamaan. Bagkus, dinaanan ni Hesus ang Kanyang pakikipaglaban sa kasalanan at kasamaan sa awa at habag. Awa, habag, at pagmamahal ang naging sandata ni Hesus sa Kanyang pakikipagdigma sa kapangyarihan ng kasamaan at kasalanan.
Tagumpay sa gitna ng pagdurusa. Kahit nagdusa si Hesus, nakamit Niya ang tagumpay. Nakamit Niya ang tagumpay sa pamamagitan ng pagiging masunurin at tapat sa Diyos. Ani San Pablo Apostol, "Naging masunurin si Hesus hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus." (Filipos 2, 8) Dahil sa pagsunod ni Hesus sa kalooban ng Diyos hanggang sa huling sandali ng Kanyang buhay, nagtagumpay Siya laban sa kasamaan at kasalanan. Nakamit ni Hesus ang tagumpay dahil Siya ay sumunod at naging tapat sa kalooban ng Diyos.
Sa pamamagitan ng tagumpay ni Hesus laban sa kasamaan at kamatayan, nagkaroon ng kalayaan ang sangkatauhan. Naging malaya na ang sangkatauhan. Mula sa pamumuhay bilang mga alipin ng kasamaan at kasalanan, tayo ay namumuhay nang may kalayaan bilang mga inampong anak ng Diyos. Salamat sa Diyos para sa tagumpay! Salamat sa Diyos at nagtagumpay ang Kanyang Awa! Salamat sa Diyos para sa Kanyang Awa! Salamat sa Diyos at dahil sa Kanyang Awa, namumuhay tayo ngayon nang may kalayaan.
Binago ni Kristo ang sagisag ng krus noong nakamit Niya ang tagumpay sa krus. Ang krus, na dating tanda ng kapahamakan at kamatayan, ay naging tanda ng Awa ng Diyos para sa ating lahat. Ang isinasagisag ng krus ngayon ang tagumpay na nakamit ni Kristo sa pamamagitan ng paghahain ng Kanyang buhay. Ito ang dahilan kaya ipinagmamalaki ng mga tunay na Kristiyano ang krus ni Kristo. Ipinagmamalaki ng mga tunay na sumasampalataya kay Kristo ang krus ni Kristo. Sapagkat sa pamamagitan ng paghahain ng Kanyang sariling buhay sa krus, iniligtas ni Kristo ang buong sangkatauhan.
Magpasalamat tayo sa Panginoon sa Kanyang Awa at Habag sa atin. Ipinakita at ipinadama ng Panginoong Hesukristo ang Kanyang Banal na Awa at Habag sa atin sa pamamagitan ng pag-aalay ng sariling buhay sa krus. Sa pamamagitan ng paghahain ng sariling buhay sa krus, pinalaya tayo ni Kristo mula sa kaalipinan. Pinalaya tayo ng Panginoon mula sa kapangyarihan ng kasamaan at kasalanan. Tayo ngayon ay namumuhay nang may kalayaan dahil sa tagumpay na nakamtan ni Kristo sa krus para sa ating kaligtasan. Salamat sa Diyos para sa krus! Salamat sa Diyos para sa pag-aalay ni Kristo sa krus para sa atin!
AWIT SA PAGNINILAY: "Hesus ng aking buhay"
Ikapitong Wika (Lucas 23, 46)
"Ama, sa mga kamay Mo'y ipinagtatagubilin Ko ang Aking Espiritu!"
Makapangyarihan ang kamay. Marami ang nagagawa ng mga kamay. Kung ang utak ang nag-iisip at nagpaplano, ang mga kamay naman ang gumagawa. Maaaring gamitin sa mabuti o masama ang kamay. Ang kamay ay maaaring maging sanhi ng kabutihan. Halimbawa, ginagamit ang mga kamay sa pagkakawanggawa at pagtulong. Maaari din naman maging sanhi ng kasamaan ang kamay. Halimbawa, ginagamit ang kamay upang magnakaw at mang-abuso. Nasa utak ng tao ang iniisip at pinaplano, nasa mga kamay ng tao ang paggawa. Tayo ang magpapasya kung gagamitin natin sa kabutihan o sa kasamaan ang ating mga kamay. Iba talaga ang kapangyarihan ng mga kamay.
Ginamit ng Panginoong Hesus ang Kanyang mga kamay upang gumawa ng kabutihan para sa kapwa. Ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay upang magpagaling ng mga maysakit, magpatawad ng mga kasalanan, magturo tungkol sa Awa ng Diyos, at buhayin ang mga patay katulad ni Lazaro. Sa pawang kabutihan lamang ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay. Maraming kabutihang ginawa si Hesus gamit ang Kanyang mga kamay. Hindi ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay sa kasamaan. Bagkus, ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay para sa pawang kabutihan lamang.
Taliwas naman ang ginawa ng mga kaaway ni Hesus. Kung ginamit ni Hesus ang Kanyang mga kamay para gumawa ng kabutihan, ginamit naman ng mga kaaway ni Hesus ang kanilang mga kamay upang gumawa ng masama. Ginamit nila ang kanilang mga kamay upang dakipin si Hesus sa Halamanan ng Getsemani. Kaya nga, sinabi ni Hesus bago Siya dakipin, "Dadakipin at ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga makasalanan, at hahatulan ng kamatayan."
Hindi ginamit ni Poncio Pilato ang kanyang mga kamay upang gawin ang tama. Kahit nababatid ni Pilato sa kanyang isipan na wala namang masamang ginawa si Hesus, hindi niya magamit ang kanyang mga kamay upang mapalaya si Hesus. Kahit siya ang pinakamataas na opisyal sa lungsod noon, ang kumakatawan sa Cesar sa Roma noon, hindi niya magamit ang kanyang kapangyarihan upang mapalaya si Hesus. Ninais ni Pilatong mapalaya si Hesus, pero hindi niya magawa iyon dahil baka maghimagsik ang mga tao. Kaya, ginamit ni Pilato ang kanyang mga kamay upang pahintulutan ang taong-bayan na gawin nila ang kanilang naisin. Hinugasan pa nga ni Pilato ang kanyang mga kamay upang ipakita na wala siyang kinalaman sa kamatayan ni Hesus.
Sa tuwing tayo ay nagdedesisyon, ang ating mga kamay ang huling ginagamit. Kapag gumagawa tayo ng mga desisyon, ang una nating ginagamit ay ang ating isipan. Ang mga kamay ang nagbibigay ng kumpirmasyon sa ating mga desisyon. Kaya nga, sinasabi ng karamihan, darating ang panahon kung kailan mawawala ng bisa ang mga salitang namutawi mula sa ating mga bibig. Pero, ang mga isinulat ay hindi mawawalan ng bisa. Mas paniniwalaan pa raw ng mga tao ang mga isinulat kaysa sa mga salitang namutawi sa bibig ng isa't isa.
Tunay ngang makapangyarihan ang mga kamay. Mayroon tayong tinataglay na kapangyarihan sa ating mga kamay. Kinukumpirma ng ating mga kamay ang ating mga desisyon. Marami tayong napapasiyahan gamit ang ating mga kamay. Ang ating mga kamay ay napakahalaga sa pagpapasya natin araw-araw. Maaaring magmula ang kabutihan mula sa ating mga kamay. Maaari din namang magmula ang kasamaan mula sa ating mga kamay. Paano ba nating gagamitin ang ating mga kamay? Gagamitin ba natin ang ating mga kamay sa paggawa ng kabutihan o gagamitin ba natin ang ating mga kamay sa paggawa ng mga kamay?
AWIT SA PAGNINILAY: "Sumasamba, Sumasamo"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento