21 Marso 2016
Lunes Santo
Isaias 42, 1-7/Salmo 26/Juan 12, 1-11
Sa Ebanghelyo, binusan ng kapatid ni Lazaro na si Maria ang paa ni Hesus. Pinaglingkuran ni Mariang kapatid ni Lazaro si Hesus sa pamamagitan ng pagbuhos ng langis sa mga paa ni Hesus. Subalit, ang ginawang pagbuhos ng langis ni Mariang taga-Betania sa mga paa ni Hesus ay nagdulot ng kontrobersya. Ang langis na binusan sa paa ng Panginoong Hesus ay napakamamahalin. Pinagsalitaan ng masama si Mariang kapatid ni Lazaro dahil napakamahal ang langis na binili niya. Maski si Hudas Iskariote, ang magkakanulo sa Panginoon, ay nagalit nang masaksihan niya ang pangyayaring ito.
Ang daming sigurong humusga kay Santa Mariang taga-Betania sa mga sandaling yaon. Ang ibang taong nagkatipon sa lugar ng tatlong magkapatid sa Betania ay nagbulung-bulungan. Si Mariang taga-Betania ang pinagbubulung-bulungan ng mga ibang taong nagkatipon sa bahay nila noon. Binatikos si Mariang taga-Betania dahil sa langis na binuusan niya sa paanan ni Hesus. Maraming batikos ang tinanggap ni Maria dahil sa kanyang ginawa para sa Panginoong Hesus. Dahil sa ginawang pagbuhos ng langis ni Maria sa paa ni Hesus, marami ang bumatikos kay Maria. Naamoy ng lahat ng nagkatipon sa bahay na iyon ang langis na iyon, at alam ng lahat na napakamahal ng langis na binili ni Maria. Kaya, marami ang bumatikos kay Maria. Maski si Hudas Iskariote na magkakanulo sa Panginoong Hesus ay bumatikos rin kay Maria dahil sa kanyang ginawa.
Sa kabila ng mga batikos na ginawa laban kay Maria, pinagtanggol pa rin siya ni Hesus. Alam ni Hesus na ginawa ni Maria ang lahat, mabili lang niya ang langis na iyon. Nalalaman ni Hesus na malinis ang mga intensyon ni Maria. Ginawa ni Maria ang lahat upang mabili ang langis na iyon. Pinaghirapan niyang bilhan ang langis na iyon para lamang kay Hesus. Tumatanaw ng utang na loob si Maria kay Hesus. Isa itong gawa ng pasasalamat ni Maria para kay Hesus. Nagpapasalamat si Maria kay Hesus dahil muling binuhay ni Hesus ang kanyang kapatid na si Lazaro. Bilang pasasalamat, binusan ni Maria ng langis ang mga paa ni Hesus.
Napakahalaga para sa ating mga Pilipino ang pagtanaw ng utang na loob. Tumatanaw tayo ng utang na loob sa gumawa ng mabuti para sa atin. Hindi natin kinakalimutan ang kabutihang ginawa sa atin o para sa atin. Lagi nating inaalala ang mga mabubuting ginawa ng tao para sa atin. Ayaw nating kalimutan ang mga mabubuting ginawa sa atin. Sinisikapan nating huwag kalimutan ang mga taong gumawa ng mabuti para sa atin. Nais nating bayaran ang mga taong gumawa ng mabuti sa atin sa pamamagitan din ng paggawa ng mabuti para sa kanila. Nais nating ipakita ang ating utang na loob at pasasalamat sa kanila. Nais nating pasalamatan sila muli kapag dumating ang araw na muli natin sila makikita.
Ganyan din ang ginagawa natin bilang mga Pilipinong Katoliko, lalung-lalo na tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Nandiyan ang Pabasa ng Pasyong Mahal. Marami ang mga nagpa-Pabasa tuwing Mahal na Araw. May mga sumasali sa peregrinasyon o pilgrimahe sa mga lugar katulad ng Antipolo, Manaoag, Marilao (Bulacan), Kamay ni Hesus sa Lucban, Quezon; atbp. Sa Maynila, dalawa sa mga Simbahang dinadagsaan ng mga deboto ay ang Katedral ng Maynila (Manila Cathedral) sa Intramuros at ang Basilica Minor del Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Quiapo. Tuwing Huwebes Santo, marami sa atin ay nagbi-Bisita Iglesya. Pitong Simbahan ang dinadalaw natin sa gabi ng Huwebes Santo para sa Bisita Iglesya. Nagdarasal din tayo ng Daan ng Krus (Via Crucis) tuwing Mahal na Araw. Iilan lamang iyan sa mga ginagawa natin bilang mga Katolikong Pilipino tuwing sasapit ang panahon ng Kuwaresma at Mahal na Araw.
Bakit natin ginagawa ang mga iyan? Sapagkat nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa mga ginawa Niya para sa atin. Tumatanaw tayo ng utang na loob sa Kanya. Mayroon tayong utang na loob sa Panginoon. Ang ating pamamanata ay isa sa mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Panginoong Diyos. Tayo ay namamanata sapagkat nagpapasalamat tayo sa Panginoon. Hinding-hindi nating kinakalimutan ang mga ginawa ng Panginoon para sa atin. Ang bawat pagpapala at biyayang ating tinatanggap ay nagmumula sa Panginoon. Sa pagkakaloob ng mga pagpapala at biyaya sa atin, ipinapakita ng Panginoon ang Kanyang Awa sa ating lahat. Hindi nating mabayaran ng lubos ang mga Gawa ng Awa ng Panginoon para sa atin. Subalit, ang mahalaga ay hindi natin kinakalimutan ang Panginoon at ang mga Gawa ng Awa na Kanyang ginawa para sa atin. Lagi nating pasalamatan ang Panginoon dahil sa Kanyang Awang walang hanggan.
Masasaksihan sa mga Mahal na Araw ang pinakadakilang Gawa ng Awa ng Diyos para sa atin - ang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus. Sa pamamagitan ng Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Kristo, ipinapakita ng Diyos ang kapangyarihan ng Kanyang Awa at Pagmamahal sa sangkatauhan. Katulad ni Maria na nagbuhos ng langis sa paa ng Panginoong Hesukristo sa Ebanghelyo, huwag nating kalimutan ang mga Gawa ng Awa na ginawa ng Diyos. Hindi dapat limutin ninuman ang kapangyarihan ng Awa ng Diyos. Sapagkat sa pamamagitan ng Kanyang Awa ay tinubos ng Panginoon ang sandaigdigan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento