28 Abril 2024
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay [B]
Mga Gawa 9, 26-31/Salmo 21/1 Juan 3, 18-24/Juan 15, 1-8
This faithful photographic reproduction of the painting (c. 1621) Cristo resucitado abrazado a la Cruz by Guido Reni (1575–1642), as well as the actual work of art itself from the Real Academia de Bellas Artes de San Fernando, is in the Public Domain ("No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer because the author died in 1642. This is also in the Public Domain in the United States because it was published (or registered with the U.S. Copyright Office) before January 1, 1929.
Inihayag ng Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno nang buong linaw sa Banal na Ebanghelyo para sa Linggong ito: "Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa Akin at Ako sa kaniya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa Akin" (Juan 15, 5). Napakalinaw kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito na binigkas ng Poong Jesus Nazareno. Wala tayong kayang gawin kung wala Siya. Ang lahat ng ating mga talento at abilidad ay mga biyayang kaloob Niya sa atin. Tayong lahat ay biniyayaan ng mga talento upang lalo pa natin Siyang mabigyan ng higit na kadakilaan.
Gaya ng malakas na inihayag ng tampok na mang-aawit nang buong pananalig at tiwala sa Salmong Tugunan para sa Linggong ito, ang Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesus Nazareno: "Pupurihin Kita, Poon, ngayong kami'y natitipon" (Salmo 21, 26a). Sa pamamagitan ng paghahandog ng taos-pusong papuri, pasasalamat, at pagsamba sa Mahal na Poon, pinatutunayan natin sa Kaniya na lubos nating pinahahalagahan ang ating ugnayan sa Kaniya gaya Niya. Ito naman ang dapat nating gawin. Pinahahalagahan nang lubusan ni Jesus Nazareno ang ating ugnayan sa Kaniya. Kaya naman, dapat rin natin itong pahalagahan.
Nakasentro sa pananatili sa Panginoong Diyos ang pangaral ni Apostol San Juan na itinampok sa Ikalawang Pagbasa. Buong linaw na inihayag ni Apostol San Juan sa pangaral niyang ito sa Ikalawang Pagbasa: "Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kaniya ang Diyos" (1 Juan 3, 24). Isang malakas na patunay ng pagpapahalaga sa ugnayan natin sa Diyos ay ang pananatili sa Kaniya. Ang mga nananatili sa Diyos ay sumusunod sa Kaniyang mga utos. Kapag ipinasiya nating sumunod ang mga utos ng Panginoong Diyos at manatili sa Kaniya, pinatutunayan nating ang ating lubos na pagpapahalaga sa ugnayan natin sa Kaniya.
Tampok sa salaysay sa Unang Pagbasa ang patotoo ni Apostol San Pablo tungkol sa pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa ng Muling Nabuhay na Panginoong Jesus Nazareno na nagpakita sa kaniya sa daan patungong Damasco. Nagpakita sa kaniya sa daan patungong Damasco ang Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno dahil sa dakila Niyang pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa. Ito ang dahilan kung bakit binigyan ng Muling Nabuhay na Nuestro Padre Jesus Nazareno si Apostol San Pablo ng isang pagkakataong baguhin ang kaniyang buhay at maging isa sa Kaniyang mga apostol at misyonero sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Naging mulat si Apostol San Pablo sa katotohanang pinahahalagahan siya ni Kristong Muling Nabuhay mula sa sandaling iyon na napakahalaga para sa kaniya. Bilang tugon sa pagpapahalaga sa kaniya ng Muling Nabuhay na si Jesus Nazareno, buong kababaang-loob at pananalig na tinanggap at tinupad ni Apostol San Pablo ang misyong ibinigay sa kaniya.
Lubos tayong pinahahalagahan ng Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno. Dahil dito, lagi Niya tayong pinagkakalooban ng pagkakataong manatili sa Kaniya na unang nagpasiyang bumuo ng isang ugnayan sa atin. Pinahahalagahan rin ba natin Siya gaya ng Kaniyang pagpapahalaga sa Kaniya?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento