3 Mayo 2024
Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago
1 Corinto 15, 1-8/Salmo 18/Juan 14, 6-14
This faithful photographic reproduction of the painting (c. 16th century) SS. Philip and James the Less by Paolo Veronese (1528–1588), as well as the actual work of art itself from the National Gallery of Ireland in Dublin via PubHist, is in the Public Domain ("No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer due to its age. This is also in the Public Domain in the United States because it was published (or registered with the U.S. Copyright Office) before January 1, 1929.
Sa Unang Pagbasa, inilarawan ni Apostol San Pablo ang dahilan kung bakit ang mga apostol at ang buong Simbahan ay laging handang magtiis ng maraming hirap, sakit, pag-uusig, at tiisin. Ang Mahal na Poong Jesus Nazareno ay nabuhay na mag-uli. Oo, namatay Siya sa Krus na Banal, subalit hindi Siya nanatiling patay sa loob ng libingan. Bagkus, nang sumapit ang ikatlong araw, nabuhay Siyang mag-uli. Dahil dito, hindi takot ang Simbahan na harapin at tiisin ang lahat ng mga hirap, sakit, at pag-uusig na kaakibat ng pagsaksi sa Muling Nabuhay na Nuestro Padre Jesus Nazareno. Bagkus, laging handa ang Simbahan na harapin at tiisin ang lahat ng mga hirap, sakit, pag-uusig, tiisin, at pagsubok alang-alang sa Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno. Ito ang dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ng Simbahan ang pagsaksi kay Kristo na walang takot hanggang sa kasalukuyan.
Gaya ng inihayag ng tampok na mang-aawit sa Salmong Tugunan para sa araw na ito na inilaan upang parangalan ang dalawang apostol na ito: "Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig" (Salmo 18, 5a). Ang mga tinig na ito ay mga tinig ng mga tapat na saksi ng Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno. Kasama na rito ang mga tinig ng mga anghel at banal sa langit. Ipinapahayag ng mga tinig na ito ang pag-ibig, habag, at awa ng Diyos na inihayag sa pamamagitan ng Poong Jesus Nazareno.
Isinalungguhit naman ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Ebanghelyo ang Kaniyang ugnayan sa Ama. Ang ugnayang ito ay pinatotohanan ng mga apostol. Patuloy itong pinatotohanan ng Simbahan sa kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng Poong Jesus Nazareno, nahayag ang pag-ibig, habag, at awa ng Diyos para sa lahat. Tunay ngang iniibig at kinahahabagan ng Banal na Santatlo ang sangkatauhan. Dahil dito, ang sangkatauhan ay iniligtas sa pamamagitan ng Krus at Muling Pagkabuhay ng Mahal na Poong Jesus Nazareno.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento