Huwebes, Abril 4, 2024

DAHIL SA KANIYA

5 Abril 2024 
Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay
Mga Gawa 4, 1-12/Salmo 117/Juan 21, 1-14 

This faithful photographic reproduction of the painting (c. Between 1308 and 1311) Appearance on Lake Tiberias by Duccio di Buoninsegna (1255–1319), as well as the actual work of art itself from the Museo dell'Opera Metropolitana del Duomo in Siena, Italy, is in the Public Domain ("No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer, including the United States, due to its age. 

"Ang Panginoon iyon!" (Juan 21, 7). Sa mga salitang ito na buong lakas, pananalig, at tuwang binigkas ng minamahal na alagad ng Mahal na Poong Jesus Nazareno na walang iba kundi si Apostol San Juan nang ang Muling Nabuhay na Panginoong Jesus Nazareno ay nagpakita sa kanila sa Lawa ng Tiberias sa Ebanghelyo nakasentro ang mga Pagbasa para sa espesyal na araw na ito na napapaloob sa Walong Araw na Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Dahil sa Panginoong Muling Nabuhay, tayong lahat ay Inihahatid sa atin ni Kristong Muling Nabuhay sa pamamagitan ng Kaniyang matagumpay na pagligtas sa atin ang biyaya ng tunay na galak at pag-asa bilang mga anak ng Diyos. Hindi na tayo mga alipin ng kasamaan at kasalanan dahil sa pagligtas sa atin ng Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno. Ang bawat isa sa atin ay mayroong kalayaan dahil itinuring tayo ng Diyos bilang Kaniyang mga anak sa pamamagitan ng biyayang ito na kaloob ng Muling Nabuhay na si Jesus Nazareno.

Sa Unang Pagbasa, ang unang Santo Papa ng Simbahang si Apostol San Pedro ay nagsalita tungkol sa Mahal na Poong Jesus Nazareno sa harap ng Sanedrin. Noon, dahil sa tindi ng kaniyang takot sa Sanedrin, ang Mahal na Poong Jesus Nazareno ay tatlong ulit niyang ipinagkaila. Subalit, ibang-iba na siya matapos mabuhay na mag-uli ang Mahal na Poong Jesus Nazareno. Hindi na siya katulad ng dati. Bagkus, ang Mahal na Poong Jesus Nazareno ay pinatotohanan ni Apostol San Pedro nang buong lakas, kagitingan, at pananalig sa harap pa ng Sanedrin. Kahit na silang dalawa ng alagad na minamahal ng Poong Jesus Nazareno na si Apostol San Juan ay dinakip at ikinulong, hindi sila natakot. Bagkus, nanatili pa rin silang matatag sa pagbabahagi at pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Ang dahilan nito ay walang iba kundi ang Poong Jesus Nazarenong nabuhay na mag-uli na ipinakilala ng sa Salmong Tugunan bilang batong itinakwil ngunit dinakila ng Diyos. 

Hindi lamang para kay Apostol San Pedro ang mga salitang binigkas ng alagad na minamahal ng Poong Jesus Nazareno na si Apostol San Juan sa Ebanghelyo. Bagkus, para sa ating lahat ang mga salitang ito. Ipinapaalala sa atin kung sino ang nagbigay sa atin ng kalayaan at kaligtasan. Ang Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno ay ang tanging dahilan kung bakit tayong lahat ay may kaligtasan at kalayaan mula sa kasalanan at kamatayan. Dahil rin sa Muling Nabuhay na si Jesus Nazareno, itinuring tayo ng Diyos bilang Kaniya ring mga anak na tunay nga Niyang iniibig nang lubos. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento