10 Mayo 2024
Biyernes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Gawa 18, 9-18/Salmo 46/Juan 16, 20-23a
This photographic reproduction of the painting (c. second half of the 15th century) The Resurrection by Hans Memling (circa 1433–1494), as well as the actual work of art itself from the Museum of Fine Arts, Budapest via the Web Gallery of Art, is in the Public Domain ("No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer, including the United States, due to its age.
"Hari ng sangkalupaan, D'yos na Makapangyarihan" (Salmo 46, 8a). Ang mga salitang ito ay binigkas ng tampok na mang-aawit sa Salmong Tugunan para sa araw na ito. Napakalinaw kung ano ang layunin ng tampok na mang-aawit sa Salmong Tugunan para sa araw na ito. Layunin ng tampok na mang-aawit sa Salmong Tugunan para sa araw na ito ay ipakilala ang Panginoong Diyos bilang tunay at walang hanggang Hari. Katunayan, sa mga taludtod ng Salmong Tugunan para sa araw na ito, ang lahat ay buong galak na inaanyayahan ng mang-aawit na itinampok sa Salmong Tugunan na mag-alay ng taos-pusong papuri, parangal, at pagsamba sa Panginoong Diyos.
Mayroong ugnayan ang mga salita sa Salmong Tugunan para sa araw na ito sa paksa o temang pinagtutuunan ng pansin sa mga Pagbasa para sa araw na ito. Nakasentro sa katapatan sa tunay at walang hanggang Hari na walang iba kundi ang Panginoon ang mga Pagbasa para sa araw na ito. Sa Unang Pagbasa, nagpakita kay Apostol San Pablo ang Panginoon upang palakasin ang kaniyang loob. Dahil dito, nagkaroon ng lakas si Apostol San Pablo upang ipagpatuloy ang pagtupad niya sa kaniyang misyon bilang apostol at misyonero. Sa Ebanghelyo, inihayag ng tunay at walang hanggang Hari at Diyos na walang iba kundi ang Nuestro Padre Jesus Nazareno sa mga apostol na hindi magtatagal ang mga hirap, sakit, pagdurusa, dalamhati, lungkot, at hapis na kanilang haharapin at titiisin bilang Kaniyang mga saksi sa iba't ibang mga bansa sa daigdig. May gantimpalang nakalaan para sa kanila. Pagkakalooban sila ng buhay na walang hanggan bilang gantimpala para sa kanilang katapatan sa Mahal na Poong Jesus Nazareno, ang Panginoong Muling Nabuhay.
Ipinapaalala sa atin ng Simbahan sa araw na ito na hindi madali maging mga tapat na tagasunod at saksi ng Muling Nabuhay na Nuestro Padre Jesus Nazareno. Maraming mga hirap, sakit, pagdurusa, pagsubok, pag-uusig, dalamhati, lungkot, at hapis na kailangan nating harapin at tiisin bilang Kaniyang mga tapat na tagasunod at saksi. Hindi isang daan upang makatakas at makaligtas mula sa mga pagsubok sa buhay dito sa mundo ang tapat na pagsunod at pagsaksi sa Muling Nabuhay na Panginoong Jesus Nazareno. Katunayan, pati ang mga hindi sumusunod at sumasaksi sa Kaniya ay hindi ligtas mula sa mga hirap, sakit, pagsubok, dalamhati, lungkot, at hapis sa buhay dito sa mundo. Walang makaliligtas sa mga ito. Iyan ang katotohanan.
Kung mananatili tayong tapat sa ating pagsunod at pagsaksi sa Muling Nabuhay na Poong Jesus Nazareno, ang tunay at walang hanggang Diyos at Hari, sa kabila ng mga hirap, sakit, pagdurusa, tukso, pagsubok, dalamhati, lungkot, hapis, at pag-uusig sa buhay sa mundong ito, makakapiling natin Siya sa Kaniyang kaharian sa wakas ng buhay natin dito sa lupa. Ito ang gantimpalang ipagkakaloob Niya sa atin kung ang ating taos-pusong pasiya sa bawat sandali ng ating pansamantalang buhay dito sa daigdig ay manatiling tapat sa Kaniya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento