23 Agosto 2024
Paggunita kay Santa Rosa de Lima, dalaga
Ezekiel 37, 1-14/Salmo 106/Mateo 22, 34-40
This faithful photographic reproduction of the painting (Between circa 1671 and circa 1672) Saint Rose of Lima (1586-1618), as well as the actual work of art itself from the National Trust, is in the Public Domain (PDM 1.0 - "No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer due to its age. This is also in the Public Domain in the United States because it was published (or registered with the U.S. Copyright Office) before January 1, 1929.
"Panginoo'y papurihan sa pag-ibig N'ya kailanman" (Salmo 106, 1). Nakatuon sa mga salitang ito mula sa Salmong Tugunan ang pagninilay ng Simbahan sa araw na ito. Sa totoo lamang, hindi na mabilang kung ilang ulit na nating tinalakay at pinagnilayan ang paksa o temang pinagninilayan ng Simbahan nang buong kataimtiman sa araw na ito. Iyon nga lamang, tiyak na ilang ulit rin natin ito nakakalimutan. Kaya naman, maaari itong ituring na isang mahalagang paalala para sa bawat isa. Ang Panginoong Diyos ay puspos ng pag-ibig para sa ating lahat.
Sa Unang Pagbasa, ipinangako ng Panginoong Diyos sa Kaniyang bayan na Siya ang magbubukas ng libingan at ibabangon mula sa kadiliman nito upang pagkalooban sila ng buhay. Buong linaw na isinalungguhit ng Panginoong Diyos ang Kaniyang dakilang pag-ibig sa pahayag na ito. Hindi Niya pababayaan ang Kaniyang bayan. Sa Banal na Ebanghelyo, inihayag ng Poong Jesus Nazareno ang pinakamahalagang utos bilang tugon sa tanong ng isang dalubhasa sa Kautusan tungkol sa paksang iyon. Ang pag-ibig para sa Diyos at tao ay isinalungguhit ng pinakamahalagang utos na ito.
Ang Panginoong Diyos ay puspos ng pag-ibig para sa ating lahat. Bagamat hindi tayo karapat-dapat dahil sa dami ng ating mga kasalanan laban sa Kaniya, ipinasiya pa rin Niya tayong mahalin. Kaya naman, bilang mga iniibig ng Diyos, tanggapin natin nang buong kababaang-loob ang biyaya ng bagong buhay na Kaniyang kaloob sa atin. Isa itong bagong buhay bilang mga tagapagpalaganap ng dakila Niyang pag-ibig para sa lahat. Tatanggapin natin ang biyayang ito na Kaniyang kaloob nang may taos-pusong pasasalamat, kababaang-loob, at pananalig kung tunay rin nating iniibig ang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento