11 Agosto 2024
Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon [B]
1 Hari 19, 4-8/Salmo 33/Efeso 4, 30-5, 2/Juan 6, 41-51
This faithful photographic reproduction of the painting (c. Unknown Date) The Communion of the Apostle James the Less by Niccolò Bambini (1651–1736), as well as the actual work of art itself from the Church of San Stae, Venice, is in the Public Domain (PDM 1.0 - "No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer, including the United States, due to its age.
Buong linaw na inilarawan ng pahayag ng Poong Jesus Nazareno sa Ebanghelyo ang temang nais pagtuunan ng pansin at pagnilayan ng Simbahan sa Linggong ito. Ang ipinangakong Mesiyas at Manunubos na walang iba kundi ang Mahal na Poong Jesus Nazareno ay ang tunay na pagkaing nagbibigay-buhay na nagmula sa maluwalhating kaharian ng Diyos sa langit. Sa pamamagitan Niya, inihayag ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa.
Sa Unang Pagbasa, ipinasiya ng Panginoong Diyos na ipakita kay Propeta Elias ang dakila Niyang pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa. Kahit na hiniling ni Propeta Elias na bawiin ng Diyos ang kaniyang buhay, hindi ito ginawa ng Diyos. Bagkus, ang pasiya ng Panginoon ay alagaan, kalingain, at palakasin muli ang propetang Kaniyang hirang na si Propeta Elias. Ipinadala ng Diyos ang isa sa Kaniyang mga anghel upang magdala ng pagkain kay Propeta Elias.
Pinatotohanan ng mang-aawit na itinampok sa Salmong Tugunan ang dakilang pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa ng Diyos. Sa mga taludtod ng awit ng papuri na ito na inilahad sa Salmong Tugunan, inaanyayahan ng tampok na mang-aawit ang lahat na magpuri sa Diyos na puno ng pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa. Ang mga taludtod sa Salmong Tugunan ay maituturing nating mga maikling buod ng mga kahanga-hangang gawa ng Panginoong Diyos.
Muling ipinaalala ni Apostol San Pablo ang mga Kristiyanong taga-Efeso sa kaniyang pangaral sa Ikalawang Pagbasa na mayroon silang tungkulin bilang mga tagasunod ni Kristo - maging mga salamin at daluyan ng pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa ng Diyos. Ang paalalang ito ni Apostol San Pablo ay hindi lamang para sa mga Kristiyano sa Efeso noon kundi para sa ating lahat na bumubuo sa tunay at kaisa-isang Simbahang itinatag ni Kristo. Ito ang ating tungkulin bilang mga Kristiyano. Ang bawat isa sa atin ay dapat maging mga salamin at daluyan ng dakilang pag-ibig, awa, habag, at kagandahang-loob ng Diyos.
Dahil sa dakilang pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa ng Diyos para sa lahat, ipinasiya Niyang ipagkaloob ang Kaniyang Bugtong na Anak na si Jesus Nazareno, ang tunay na pagkaing nagbibigay-buhay na nagmula sa langit, bilang ipinangakong Mesiyas at Manunubos. Tayong lahat na tumatanggap sa Kaniyang Katawan at Dugo sa Banal na Misa ay iniatasan Niyang maging tagapagbahagi ng Kaniyang dakilang pag-ibig, kagandahang-loob, habag, at awa para sa lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento