Biyernes, Hulyo 10, 2026

TAOS-PUSONG PAG-IBIG PARA SA KANIYANG DINARAKILA NANG TAOS-PUSO

22 Hulyo 2026 
Kapistahan ni Santa Maria Magdalena 
Awit ni Solomon 3, 1-4a (o kaya: 2 Corinto 5, 14-17)/Salmo 62/Juan 20, 1-2. 11-18 


Itinatampok ng Simbahan sa araw na ito si Santa Maria Magdalena. Ang dahilan kung bakit pinararangalan at itinatampok ng Simbahan si Santa Maria Magdalena sa araw na ito ay walang iba kundi ang kaniyang tapat, dalisay, at busilak na pag-ibig para sa Mahal na Poong Jesus Nazareno. Nakasentro sa Mahal na Poong Jesus Nazareno ang kaniyang puso at loobin. Para sa kaniya, ang Mahal na Poong Jesus Nazareno ay ang pinakamahalaga sa lahat. Lagi niyang inuuna ang Mahal na Poong Jesus Nazareno. 

Nakasentro sa tapat at dalisay na pag-ibig para sa Diyos ang mga Pagbasa. Ang mga salita sa Unang Pagbasa ay tungkol sa tapat at dalisay na pag-ibig. Kinasasabikan ng mga umiibig ang kanilang sinisinta. Ganito natin dapat mahalin ang Diyos. Lagi nating dapat kasabikan ang Diyos. Inilarawan ni Apostol San Pablo sa kaniyang pangaral sa alternatibong Unang Pagbasa kung bakit kailangang lagi nating gawin ito bilang mga bumubuo sa Simbahan. Pinahalagahan tayo ng Diyos. Kaya nga ipinasiya ng Diyos na iligtas tayo sa pamamagitan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. Ito ang nararapat na tugon sa Kaniya na unang nagpahalaga sa atin. Dapat lagi nating pahalagahan Siya, gaya ng Kaniyang pagpapahalaga sa atin. Nakatuon rin sa paksang ito ang mga salita sa Salmong Tugunan. Kinasasabikan Siya ng lahat ng mga nagpapahalaga sa Kaniya nang taos-puso. Dapat lagi natin itong gawin bilang mga bumubuo sa Simbahan. Sa Ebanghelyo, nagpakita kay Santa Maria Magdalena ang Mesiyas at Tagapagligtas na walang iba kundi ang Muling Nabuhay na Nuestro Padre Jesus Nazareno. Ang hapis, dalamhati, at pagtangis ni Santa Maria Magdalena ay Kaniyang pinawi. Nagdulot ng tunay na tuwa, galak, at ligaya ng Muling Nabuhay na Nuestro Padre Jesus Nazareno kay Santa Maria Magdalena na umibig sa Kaniya nang taos-puso. 

Gaya ni Santa Maria Magdalena, ang Diyos ay dapat lagi nating handugan nang taos-pusong pagdakila. Sa pamamagitan nito, pinatutunayan nating pinahahalagahan rin natin Siya ng taos-puso, gaya ng Kaniyang palagiang pagpapahalaga sa atin. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento